Chapter X "1 on 1"

834 3 0
                                    

Jiro's POV

Hannah,

para syang isang spam e-mail sa isip ko na paulit ulit kong binubura pero hindi nawawala,

SPAM NGA EE!

2am na hindi parin ako makatulog,

damn!

meron naman syang sariling isip bakit sa isip ko pa sya tumatambay, pwede naman sa isip na lang nya, kainis talaga!

its hopeless, hindi talaga ako makatulog, umupo ako sa kama ko tapos yumuko, tumingin ulit ako sa wall clock, malapit ng mag 2:30 am, lumabas ako ng room ko para uminom ng tubig, pero lalong nawala yung antok ko,

hindi na ako inaantok, at ang tahimik, yung tik-tok lang ng orasan yung naririnig ko, tsaka yung pangalan ni Hannah sa isip ko,

mag'jogging kaya ako? para makapag isip isip na din ako sa mga sinabi ni Jayne, tska matagal tagal na din mula nung huling nakapag jogging ako, nagpalit na ako ng jogging pants, hoody jacket at running shoes,

mga quarter to 3 na nung nakaalis ako sa condo unit ko, sa may katabing park ng condo ko ako nag'jogging, madalas akong mag'jogging dati dito noong member pa ako ng varsity ng basketball team sa dati kong school, halos walang nabago, medyo dumami lang yung halaman,

past 4am na nung naisipan kong umuwi, habang pauwi ako may nakabanggaan ako babae, parehas kasi kaming paliko sa corner nung building kaya hindi namin nakitang paparating ang isa't isa,

"O U C H !" sabi nung girl na nakabanggaan ko, parehas kaming napaupo sa lakas ng pagkakabangga namin sa isa't isa, lumapit kaagad ako sa kanya

"im sorry, hindi ko sinasadya" sabi ko sa kanya tapos inabot ko yung kamay ko para aalalayan syang makatayo,

"no, no its o-okay" medyo natatarantang sabi nya, hinawakan na nya yung kamay ko tsaka ko sina inalalayang tumayo,

"dito!" narinig kong sabi nung isang lalake sa kasama nya habang tumatakbo papunta sa direksyon namin, medyo malayo pa sila at muka silang mga goons sa movie, mga late 20's na siguro yung edad nila, who cares,

"oh my gosh!" sabi nung girl na nakabangga ko tapos nagmadali syang nagtago sa sa likod ng vending machine ng softdrinks na malapit sa amin,

"hoy bata! may nakita ka bang babae na dumaan dito!?" tanong nung isang lalake,

bata!?

sinong bata!?

pag'untugin ko kaya sila ng kasama nya??

"wala" supladong sabi ko,

"sigurado ka ba??" tanong ng kasama nya,

ANAK NG TOKWA!

hindi ako pinanganak ng mom ko para lang tanungan ng mga gung-gong na to,

hindi ko sinagot yung tanong nya, tinitigan ko lang sya ng seryoso na medyo inis,

"tara na nga! wala tayong mapapala dito!" sabi nung nagtanong tapos tumakbo na sila papa alis,

nakakapikon yung mga gung-gong na yung ah,

"thanks ha," sabi nung girl na nakabangga ko nung nakalayo na yung dalawang gung-gong,

"don''t menion it, sige alis na ako" sabi ko sa kanya, tapos umalis na ako,

"wait!" sabi nya kaagad bago ako makaalis kaya natigilan ako sa paglalakad,

hayy naku naman!

ano pa bang kailangan nya??

The Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon