Chapter VII "bedtime stories"

830 3 0
                                    

Jiro's POV

"Jiro! look out!"

tapos may narinig akong bumagsak sa sahig, paglingon ko sa likod ko,

si Hannah pala!

nilapitan ko kaagad si Hannah, mukang binato sya ng bola, napaka nostalgic ng pangyayaring to, bigla kong naalala si Irish, nangyari din samin to,

"Hannah! ayos ka lang?" inalalayan ko sya para makaupo, tapos nag nod lang sya pero mukang dizzy sya, parang nahihirapan syang huminga, ang lalim na ng paghinga nya, hirap na hirap na talaga syang huminga,

"Hannah! Hannah! Hannah!" its hopeless mukang magfe'faint na sya anytime, galit na galit na ako, sinandal ko muna si Hannah sa poste,

nilapitan ko yung gung-gong na bumato ng bola tapos sinuntok ko ng malakas, hindi na ako papayag na wala na naman akong gagawin this time, hindi ako papayag na ako na naman yung ililigtas, dapat may gawin na ako ngayon,

yun lang ang tumatakbo sa isipan ko,

"TARANTADO KA HA!"

gumapang papalayo yung gung-gong tapos isa isa ng nagsilabasan yung mga kasama nya, mas madami sila ngayon, siguradong hindi ko sila kakayanin pero hindi ko naman pwedeng iwan si Hannah, hindi lang pala gung-gong, mga duwag din,

ANAK NG TOKWA! nakaka asar!

"ano!? mahilig ka kasing magpaka bayani, bugbog sarado ka ngayon!" sabi nung gung-gong na sinuntok ko, mayabang sya kasi madami sila,

"J-Jiro run! JUST RUN!"

napatingin ako kay Hannah dahil sa sinabi nya, ano bang iniisip nya? gusto nyang iwan ko sya kasama ng mga gung-gong na to? nag iisip ba sya? tsaka dapat may gawin na ako this time,

HINDI PWEDENG WALA!

"hindi kita pwedeng iwan, tsaka hindi ako duwag kagaya ng mga unggoy na to!" mukang lumala pa lalo yung kundisyon ni Hannah, kaasar talaga!

"aba! mayabang ka talaga ha! bugbugin na yan!" utos nung sinuntok kong gung-gong sa mga kasama nya uto uto,

"HOY!"

handa na ako kahit madami sila pero napatigil yung mga gung-gong nung may biglang sumigaw,

teka? yun yung varsity player na nakita ko sa room dati, pero may dalawa syang kasama, mas matangkad pa sa kanya yung isa na medyo mataba, tapos yung isa ka height ko lang din,

"Frier help Jiro plea--

hinimatay na ng tuluyan si Hannah, lumapit yung varsity player na pumunta sa room namin dati, Frier pala name nya, gusto ko din sanang lapitan si Hannah kaso napapalibutan ako ng mga gung-gong na to,

"Vince, take care of this" sabi nung Frier dun sa isa pang varsity player na kasing katawan ko lang, lumapit na yung Vince samin ng mga gung-gong, parang takot na takot na yung mga gung-gong,

"V-Vince! boss! ikaw pala!" nauutal utal na bati nung isang gung-gong,

"Hoy! mga kutong lupa! hindi nyo ba kilala kong sino yang tinatarantado nyo?? tropa ko yan! tsaka wag nyo nga ako mabos'boss! ang papanget nyo pano nyo ko magiging boss!?' maangas na sabi nung Vince, may pagka gangster yung ugali nya,

"pero may atraso samin to Vince!" sigaw nung gung-gong habang nakaturo yung isang kamay sakin,

lumapit yung Vince dun sa nagsalita tapos sinipa nya, natumba yung gung-gong pero walang tumulong sa kanya kahit isa sa mga kasama nya, parang natatakot sila dito sa Vince, tsaka bakit walang ginagawa yung matangkad na matabang kasama nung Frier and Vince? kumpyansa ba silang kaya na nung Vince tong mga gung-gong na to?

The Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon