. . . .
'please don't leave me, you're my life'
'life is unfair Jiro'
'bakit ka ba tumatakbo? Wag mo kong iwan'.
narealize ko na lang na nananaginip lang pala ako, nang maalimpungatan ako kinuha ko ang buhay ko(laptop) tapos tinignan ko kung anong oras na.
"ANAK NG TOKWA!!!"
almost 9:30am na pero may pasok pa ako ng 10am, tumayo kagad ako at dumiretso sa banyo nag'shower sa loob lang ng 10 minutes! Nag'suot ng uniform kinuha ang bag at umalis na ng bahay.
"kuya sa Laifort high, pakibilisan na lang po"
sabi ko sa driver ng taxi, hindi talaga ako madalas mag'taxi pero male'late na kasi ako ee, ayoko namang mag MRT baka mapatay ko lang yung mga makakasabay ko,
kaya kahit eroplano sasakyan ko wag lang ma'late.. Nabasa ko kasi sa rules ng school na we are only allowed na ma'late for three times then bubye Laifort na.
9:55am na nung nakarating ako sa school, kinuha ko kagad sa bag ko yung mapa ng school na binigay saken nung nag'enroll ako dito, may derektson kasi dun kung saan yung classroom ko,
pinuntahan ko kagad pero pagdating ko nandun na yung first teacher namin, pagtingin ko sa oras 10:07am na, napamura ako sa isip ko,
"how may I help you?" sabi nung teacher saken, nakatayo lang kasi ako sa tapat ng pinto,
"dito ba ang class mo?" sabi nya ulit"
nag nod lang ako tapos pinapasok nya ko, 'buti na lang mabait' sabi ko sa sarili ko, at mukang kadadating lang din nya kasi nag'aayos palang sya ng mga gamit nya.
"good morning class, i'm Mr.Angeles, your physics teacher and your class adviser as well for your 4th year here in Laifort high, but before we start our class gusto ko munang makilala kayo, kaya isa isa kayong magpakilala sa buong klase, and tell us something about yourself"
'same old story' sabi ko sa sarili ko pero nagulat na ako nung bigla na lang akong tinuro ng teacher namin.
"you mister.. since you were late in our first class ikaw ang unang magpapakilala"
ANAK NG TOKWA TALAGA! Nakatingin na lahat saken ng mga classmates ko pero nakatingin lang ako sa teacher namin,akala ko pa naman mabait,
malakas din pala magtrip pero mukang wala na akong magagawa kundi sumunod, tumayo ako tsaka nagsalita.
"im Jiro Reyes, im a transferee here and I don't talk to strangers"
walang emosyom kong sinabi yun, at mukang nabigla sila sa sinabi ko pati yung teacher namin, yung iba parang natulala, may napataas ang kilay at merong nayabangan.. who cares. Kaya ko lang naman sinabi yun kasi badtrip talaga ako.
"cute sana kaso suplado at mukang mayabang"
narinig kong sabi nung isang babae sa likod ko, pagtapos nila akong titigan umupo na ko tapos tumingi na sa bintana, Mukang shocked yung adviser namin.
"okay class, now we know him so lets proceed"
isa isa na silang nagpakilala habang nakatingin parin ako sa bintana ng biglang.
"im Hannah Flores"
"ang ganda parin nya" pabulong na sabi ng mga lalaki kong classmate malapit saken.
"I love pink and IM VERY FRIENDLY"
madiin yung pagkakasabi nya ng word na friendly at pakiramdam ko nakatingin sya saken nung sinabi nya yun. who cares.