Justin's Note: Dedicated sa kanya dahil ginawan niya ng cover to. Grabe. Sobra akong na'touched. Thank you talaga! :)))
-----
I ended up writing my feelings in a sheet of paper.
Isang papel na pinilas ko lang mula sa Cattleya ng kaklase ko. At ballpen na napulot ko lang noong naglilinis ako ng classroom.
Wala eh. I dunno how to deal with my feelings. Doon lang naman kasi ako magaling. Doon ko lang din nasasabi ang gusto ko talagang sabihin.
Kapag kasi kaharap ko na siya, awtomatikong nawawala na barang bula yung sinaulo kong speech para mag-confess sa kanya. Isang tingin niya lang sa akin, nanghihina na ako. Sa simpleng pag-angat ng labi niya, kumakabog na ng malakas ang dibdib ko. Lalo na pag binabanggit na niya ang pangalan ko. Parang unti-unti, umaalis ang kaluluwa ko.
I thought magiging okay ang lahat. Babasahin niya ang letter na ibinigay ko sa kanya and then sasabihin niya din niyang mahal niya ako.
But I was wrong.
I almost forgot na wala pala ako sa mundo kung saan happily ever after ang ending. Tuluyan na akong nagising sa katotohanan.
Because of that letter, I realized many things. I learned many lessons. I changed myself for the better.
Kung hindi dahil doon, hindi na sana nangyari to.
Hindi na sana siya naging ganoon.
Hindi sana ako nagkakaganito.
And most importantly...
Hindi na sana ako nasasaktan ng ganito.