I'm dead. Help me.
Masyado atang naging mabagal ang pagtakbo ko kaya naabutan niya ako.
"Ano ba." pwersahan kong inalis sa pagkakahawak niya sa braso ko.
Shete men.
Physical contact po yun.
Eye contact pa nga lang, halos magwala na dragon sa tiyan ko, yun pang hawakan niya braso ko.
Yes way!
I mean, NO WAY!
"Bakit mo ba ko hinabol? Parang timang lang neto."
Ginawa ko ang lahat para maging natural lang ang pakukipag-usap sa kanya.
"May pag-uusapan lang naman tayo." sabi niya at agad na tumalikod.
Pag-uusapan?
Ano naman?
Serious mode siya.
Mas lalo tuloy akong kanabahan.
May nagawa ba akong kasalanan sa kanya?
Sa pagkakatanda ko naman eh wala.
O baka...
BAKA ALAM NA NIYA NA MAY GUSTO AKO SA KANYA!!!!
WAAAHHHHHHH!!!!!!!
HINDI PWEDE!!!!!! HINDI PA KO HANDANG HARAPIN SIYA!
Kinuha lang niya yung bag niya at ipinasok doon yung notebook na sinauli ko.
Pagkayari noon, lumakad siya ulit papalapit sakin bitbit ang bag niya sa likod.
Tinitigan niya lang ako.
Letsugas.
Lalo tuloy akong kinabahan. Feeling ko bibitayin na ko.
But then, he chuckled.
"Sundan mo lang ako."
At naglakad na siya papalayo sakin.
Huminto kami doon sa bench malapit sa pilahan ng shuttle. Katapat noon ang gym. Good thing walang pasaway na estudyante na naglalaro doon. Walang maingay.
Maraming puno ng Acasia ang nakapalibot doon.