Chapter2 ღ

713 17 12
                                    

Date revised: August 13, 2014

__

Chapter 2

 

JASMIN

 

“So, you’re Albert right?” tanong ko sa kanya habang tinitignan siyang inaayos ang lens ng kanyang camera. Hindi siya umimik, masyado siyang snob. Hindi niya ata na aappreciate ang pakikipag usap ng isang diyosa sa kanya? Ang bobo niya ha, infairness lang.

“Albert Bustamante?” I added. He glanced at me and then tumango siya. He’s really getting into my nerves. Pakiramdam ko, wala akong silbi kapag siya ang kausap ko. I don’t feel na naaappreciate niya ako. Ako dapat ‘tong inaaccomodate niya kasi ako si Jasmin Cruz pero parang sa inaasta niya ngayon, nagpapaka choosy siya!

“Hmm, pwede ko bang tignan ‘yung mga kuha mo kanina?” he handed his camera to me. Tinignan ko ang mga litrato na kinuha niya. I don’t wanna be mean pero sadyang ang bo-boring at ang papaengt ng mga anggulo na kinuha niya! I don’t even look hot on the pictures!

“Madame Stacy! Dani!” I called them and they immediately approached me. “May kailangan ka?” tanong ni Dani. “Gusto ko sanang magsuot na lang ng two piece.” Nakita ko ang pagkagulat sa ekspresyon ni Madame Stacy. “Jasmin, are you sure? Preview Magazine ‘to. Baka sabihin ng iba na ginagaya natin ang FHM.” alalang sagot niya.

“No. Ako ang bahala. I just wanna show them what I’ve got, ‘yung katawan ko, ‘yung sexy kong katawan.” I glanced at him ngunit hindi man lang siya umimik. Wala ata siyang pakialam.

Mabilis akong nakapag bihis ng two piece na colored blue. Super nipis nung pinili ko na cotton at super iksi. Halos makita na nga siguro ang singit ko dito, konting maling galaw ko lang. Pero okay lang, as long as I would look hot and sexy on camera. Ewan ko ba kasi sa camera ng photographer na ‘to, parang abnormal, siguro kagaya siya ng may-ari niya.

“Jasmin, okay ka na ba? Okay lang ba ang suot mo?” tanong ni Luigi habang nilalagyan ako ng retouch. “Yah I’m fine. Do I look like a goddess na ba?” tanong ko. “Kahit naman hindi mo na ipakita ‘yang katawan mo, goddess ka naman para sa lahat ng mga guys e.” he answered and that made me smirked.

“No. Hindi lahat. Dahil may iba—“ sinulyapan ko si Albert na kasalukuyang nakaupo at nakatingin sa labas. “—may iba na hindi nakikita ang alindog ko.”

Sinimulan na namin ang photoshoot ulit. Nangako ako sa sarili ko na dapat mas mapangahas at mas mapang akit ang gagawin kong mga poses. Mas nacha-challenge ako ngayon knowing na hindi ko nakikita masyado ang reaksyon ng photographer. Ang tigas niya! Ang hirap niyang akitin. Hindi ko naman gustong mang akit sa kanya pero  sa mga kilos niya kasi kanina, pinaparamdam niya sa akin na isa lang akong ordinaryong model. Ni pagsabi ng ‘Ang ganda mo’ o ‘Perfect look’ man lang, na karaniwang sinasabi sa akin ng mga photographers ko noon, hindi niya nagagawa ngayon.

“Isa pa.” may isang salita na rin na lumabas sa bibig niya, at sa kasamaang palad, iyon lang talaga! I then gave him a wild pose.

FRANCELLA: My Sexy Mommy (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon