Chapter3 ღ

557 21 15
                                    

Date revised: August 13, 2014

__

Chapter 3

 

JASMIN

Nasa tabi ko na si Dani, pinapatahan ako. Tinawagan ko siya kanina at good thing, sinagot niya na ang pang 30 na tawag ko sa kanya. “Oh, inom ka muna ng tubig. What happened ba?”

I sighed. Hindi ko rin kasi alam kung ano mismo ang nangyari. Basta ang alam ko, nakabangga ako. “I don’t know. Nakita ko lang na nakabangga na pala ako.” I answered. “Saan mo ba siya nabangga?”

“I don’t even know. Dahil sa nag panic na ako, di ko na namalayan kung saan ‘yun. Somewhere na maraming grasses and ewan ko lang, the place isn’t familiar at all.”

“Jas, be strong. Makakaya mo rin ‘to. Challenges lang ‘to ni God.” she then hugged me.  Napapikit na lang ako habang iniisip ang mga maaaring mangyari pagkatapos nitong gabi na ‘to. Yes, nakabangga ako. Kung malalaman ito ng mga pulis at ng pamilya nitong nabangga ko, maaari akong makulong. Then the worse thing might happen, mawawala ang pinaghirapan ko, mawawala ang career ko, maglalaho ang lahat ng nasa’kin. At pagkatapos nito, makukulong na ako

Inabot na rin kami ng dalawang oras sa kakahintay sa labas ng operating pero hindi pa rin ako inaantok. Dalawang oras na rin akong nakakaramdam ng kaba. Sobrang kaba na parang sasabog na ang puso ko. Of course, natatakot ako para sa maaaring mangyari dun sa nabangga ko. What if may masamang nangyari sa kanya? Siguradong mananagot ako nito.

Ilang sandali lang ay nagbukas ang pinto ng operating room at nakita ko na lumabas na si Kristine “Jasmin..” hindi ko maintindihan kung anong meron sa tono niya. Parang gusto niyang sabihin na hindi nagtagumpay ang operasyon. I hope it’s not what she wanted to tell me.

“What?” I asked. Nanginginig na ang kamay ko habang hinahawakan ito ni Dani. Napahinga ng malalim si Kris bago nagsalita, “Makakahinga na tayo ng maluwag ngayon, she’s okay.”P arang natanggalan ng milyong milyong tinik ang puso ko! What a relief! She’s now okay! Hindi ko mapigilang mapaluha sa saya na nararamdaman ko.

Dahan dahan kong inimulat ang aking mata nang marinig ko na tumutunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang relo na nasa kanang kamay ko at nakita kong eksaktong 6:45 na ng umaga. Bigla kong naramdaman ang sakit sa likod ng ulo ko. Napaupo ako agad at napansin kong nakahiga lang pala ako sa di hindi masyadong malaki na sofa. Napatingin ako sa gilid at nakita ko si Dani na natutulog sa kabilang sofa. And I remembered na nasa clinic pa rin pala kami ni Kristine, dito na kami nakatulog.

Tumunog ulit ang phone ko kaya hinanap ko na ang bag ko at nakita kong nasa sahig lang ito. Walang pag aalinlangan kong sinagot ang kanina pang tumatawag na si Dezzy. “Hello? Dezzy?” walang ka energy-energy ang boses ko dahil nararamdaman ko pa rin ang pagod hanggang ngayon. “Good morning miss J, may meeting po kayo this 7:30am. Supposedly 10:30am sana ito pero na move. You’ll meet with the BUM family.”

“Sh*t.” napamura ako ng wala sa oras nang maalala ko ang mga appointments ko ngayong araw. Ang dami ko pa palang meetings. May naiwan pala akong buhay sa labas. “Uhmmm, Dezzy? I’m really sorry. You have to cancel the meeting. I had to attend some emergency.” hindi ko na rin pinag-isipan ang desisyon kong iyon. Bahala na, kailangan kong siguraduhin ang kaligtasan ng nabangga ko.

FRANCELLA: My Sexy Mommy (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon