Chapter5 ღ

538 21 18
                                    

Date revised: August 23, 2014

_

Chapter 5

JASMIN

“Jasmin, asan ka ba nanggaling? Ilang araw ka na ring nawala. Tsaka yung mga pictorials mo, di mo pa nagagawa!” pagmamaktol ng isa sa mga staff na kakilala ko. Nasa studio na ako ngayon ng isang photoshoot ko. Noong isang araw pa sana ‘to pero hindi ako nagpakita sa kanilang lahat. Kaya ngayon, isang kilometrong pagsesermon ang aabutin ko nito. Wala pa naman dito ngayon si Dani para I defend ako.

“I have some important things to attend the past few days kaya di ko nasasagot ang mga tawag ninyo. Sorry.” I shooked my head. “Ganun? So you have to start doing those things na naiwan mo na. Lagpas na ata sa deadline! At sunod sunod  na ang interviews na naghihintay sa’yo Jasmin. Nakakaloka ka!”

“Yes sir. I can handle this.”

Pumwesto na ako sa harapan ng dressing room at papasok na sana nang marinig ko si Dezzy, “Ui Miss J! Good thing andito na ho kayo. At sino ba tong cute na bata Miss J?” nakita kong niyakap niya si Ela. Kasama ko si Ela ngayon, I don’t have a choice but to bring her here.

 “Oh-ooh. She’s my…” napatigil na lang ako sa sasabihin ko. Teka, ano nga ba ang sasabihin ko sa kanila. Lumapit na rin si Miko—‘yung make up artist ko ngayon at ang ibang staffs para usisian ang bata na kasama ko.

“Hey, you’re a cutie patotie! Akin ka na lang please?” aniya Shaina habang karga karga na niya si Ela. “Gusto mo ba siya Shaina? Gusto mo ba sa’yo na lang? Haha.” I gave her a grin.

“Uy, Miss J—ang cute niya ha! Manang mana sa’yo!” dagdag pa ng isang staff. “Talaga? Thanks.”

“Mommy, matagal pa ba tayo dito?”  

Lahat ay biglang napatigil sa mga ginagawa nila at lahat sila ay nakatingin na sa akin ngayon. ‘Yung mga tingin nila, para bang nakapatay ako, para bang isa akong criminal! “Miss J! Anak niyo po ba ‘to?” Dezzy asked with a shocking face.

“Kalurkeeey! Ohmygulay! Totoo ba ‘teh!?” aniya Miko. “Seryoso ka ba dito Jasmin Cruz? Huy ikaw ha!” aniya Shaina habang karga karga pa rin si Ela. “Jasmin Cruz, sino ba ‘yan? Is that your daughter? Bakit mommy ang tawag niy sa’yo?” pag aalalang tanong ni sir.

“Chill guys! Chill okay!” ibinaba ni Shaina si Ela kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na hatakin silang lahat papalayo sa bata. “Ela, dito ka muna ha? Kausapin ko muna sila.” sabi ko sa kanya at tumango naman siya.

“Guys…” napabuntunghininga ako. “What? Ano na girl? Daliii!”

“May sasabihin ako sa inyo. Pero please, sana hindi ‘to makaabot sa labas? Lalo na sa media.” I asked a favor. Apat lang naman sila dito kaya sana nga talaga, hindi nila ito ipagkakalat.

“Ano ba ang sasabihin mo? Or should I say, aaminin mo Jasmin?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FRANCELLA: My Sexy Mommy (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon