/ Pito. /

4 0 0
                                    


[ i k a P i t o n g K a b a n a t a ]

❄ ✳ ✴ ✳ ❄

Pagdating ko sa classroom ay binati agad ako ni Alexis.

"Good morning" ngising sabi niya.

"Good morning" Bati ko rin dito. Napatingin naman ako sa tabi ng upuan ko na walang nakaupo.

"Si Dwell ba?" Napatingin naman ako kay Alexis. Hindi ko siya sinagot at umupo na lang.

"Nakapagtataka nga e. Dati sobrang aga niyang pumasok pero ngayon, dadating na ata si ma'am maya-maya wala parin siya" tumango na lang ako bilang sagot. Ano kaya nangyari sa kanya? Kasi kahapon nang uwian namin parang masama yung pakiramdam niya.

"Good morning class"

"Balik na ako Ella" agad na sabi ni Alexis at nagmadaling pumunta sa upuan niya ng marinig naming bumati si ma'am Fate.

"Good morning ma'am" bati naming lahat. Napatingin naman siya sakin at dun sa walang nakaupo na desk.

"Well, excuse si Dwell Anderson ngayon" pagbabalita samin ni ma'am ng mailapag na niya ang mga gamit niya sa mesa

"Bakit daw po?" Tanong ni Valentin dito. Tsk!

"Tumawag ang guardian niya, and his not feeling well daw e" maarting sabi ni ma'am dahil ginagaya niya si Valentin sa pananalita, araw-araw naman e. Inirapan naman siya ni Vanlentin. "Ms. Romero?"

"Yes po?" Sagot ko ng tawagin ako ni ma'am.

"Pagkatapos ng lahat ng klase niyo, pwede bang pumunta ka sa faculty room? May pag-uusapan lang tayo" ngiting sabi ni ma'am saka ako kinindatan. Okay? Ano naman ang meron sa kindat na yun?

"Okay po ma'am" saka ako umupo. Nag-umpisa na itong mag-discuss pero naiisturbo ang utak ko dahil sa sinabi ni ma'am. Para kasing hindi tungkol sa subject niya yung pag-uusapan namin parang higit pa dun. Ano ba yun!? Aish! Ma'am naman kasi e!

Break time na namin pero hindi ko parin maalis yung sinabi sakin ni ma'am Fate, bago kasi ito umalis ay pinaalala pa nito sakin ulit.

"Ano kaya yung pag-uusapan ninyo ni ma'am?" Tinignan ko naman si Alexis na ngayon ay nag-iisip din. Pariho din pala kaming naguguluhan.

"Tungkol siguro sa grades?" Hindi sigurado kung sabi.

"Hindi din e. Kasi naman, bakit ka pa niya nginitian at kinindatan? Siguro malalim ang pag-uusapan niyo?"

"Siguro may gusto sayo yang teacher mo Ella? Bisexual ba--- Aray!" Binatukan ko nga. Kung ano-ano pinagsasabi wala naman kaalam-alam.

"Wag ka nga sumingit sa usapan namin Rilla? Wala ka namang pakinabang e" sabat ni Alexis.

"Ouch. Ang sakit mo naman magsalita Alexis! Ganun na ba talaga ako?"

"Sige! Mag-pout ka pa ulit itutusok ko na talaga sayo ang stick na to!" Hindi naman naituloy ni Rilla. Nakakadiri talaga ang isang to.

Hate at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon