/ Labing Dalawa. /

7 0 0
                                    


[ i k a L a b i n g D a l a w a n g K a b a n a t a ]

❄ ✳ ✴ ✳ ❄

⭐ ❇ D w e l l a P O V ❇ ⭐

"Aahh!! Boset!!" Bulalas ko at napasabunot sa buhok ko. Bakit ba tuwing naalala ko lahat ng mga nangyari samin kinikilig ako?

"Aahh!!! ALIEN KA!!!" Hiyaw ko at tinapon yung unan sa paanan ko.

"Asan!? Asan ang alien?" Bigla namang pumasok si kuya sa kwarto ko na may dalang camera, bullpen at papel kaya napakunot ako ng kilay.

"Bakit bigla bigla ka na lang pumapasok!?"

"Asan na yung alien?"

"Para saan naman yang dala mo?" Pag-iiba ko sa tanong niya.

"Magpapa-picture ako at magpapa-autograph. Asan na ang alien?"

"Baliw ka Ethan Christopher!! Lumayas ka sa kwarto ko!!" Saka naman tinapon yung isa pang unan sa kanya tumama naman pero hindi sa mukha.

"Namumula ka, ano ba kasing nangyari sayo? Kahapon ka pa ganyan a?" Yung pag-aalala sa mukha niya ay napalitan naman ng mapang-asar na ngiti.

"Ano na naman ba nginiti-ngiti mo dyan!?" Asar kung tanong saka bumangon.

"May crush ka no?" Napalaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Baliw!! Anong crush!? Wala ako nun!" Wala naman talaga e.

"Di nga? Wala ka talaga? Halata sayo kinikilig ka yiii~" ay, baliw talaga to e.

"Nang-aasar ka ba!?"

"Hindi." Tumingin naman ito sa bukas kung pinto at nakita naming nakatayo lang si mama habang nakangisi. "Ma! Inlove na si Bunso!" Masayang balita ni kuya kay mama. Whut da!

"Pinagsasabi mo kuya!! Ma! Wag kang maniwala kay kuya, napakalaking sinungaling yan" sabi ko kay mama at nilapitan ito para mahawakan ang kamay ni mama.

"Gusto ko makilala yang boyfriend mo" nakangiting sabi ni mama.

"Ano!?" Halos gumuho na ang mundo ko dahil sa sinabi ni mama. Kanina inaasar ako ni kuya na may 'crush' ako, sinumbong niya kay mama na 'inlove' ako tas ngayon si mama 'boyfriend' agad!? Waaaah hutahamnida! Asan ang hustisya ko!?

"Sige na anak, maligo ka na. Pupunta ka pa ng school mo" hindi na ako nakapag-explain pa kay mama dahil umalis na ito ng nakangiti. Dahil sa sobrang inis ko tinapakan ko ng sobrang lakas ang paa ni kuya.

"Ellaaaaaaa!!!" Sigaw niya sa pangalan ko habang nakahawak sa paang inapakan ko. Buti mabilis akung tumakbo. Nakakaasar naman 'to oh!

♥♥⭐⭐♥♥

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school, napaka-aga pa nga e. Alangan naman mag-i-stay pa ako sa bahay ni hindi nga ako tinitigilan ng Ethan na yun, bakit ba kasi naging lalake pa yun mas okay sana kung babae. Isa din itong si mama, kanina pa ako nag-e-explain ayaw naman maniwala kasi dun siya sa Ethan na yun na puro naman kasinungalingan ang sinasabi.

Hate at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon