Face Your Fear

10 0 0
                                    

Part.15

>Winn's POV<

Bilis ng araw. Birthday na ni Harley bukas. Masaya ako kasi kahit papano isa toh sa kinabusy-han ko. And Im glad hindi nagbago treatment sakin ni Couz though pareho kaming busy. Marami kasing nagpapa-cater this week. Medyo kulang sa man-power. Pero I told some of the best staffs na important tong client na toh.

Nandito kami ngayon kina Harley which is bahay din ni Riel. Naglalagay na kami ng pwedeng ilagay like sound system, flatform, etc. Hindi lang kasi basta food ang catering namin. We also offer complete package.

"Hey Winnona! Need a hand?" Nilingon ko si Harley habang kinakabit ko ang isang gold na bandiritas sa taas ng Front Door.

"No need-" SH*T!!! Tataob ang ladder!!! (T.T)/ HELP!!! Masyadong mataas toh at alam kong mapupuruhan ako T.T !!!

Napapikit na lang ako at hinintay kong sumayad ang likod ko sa sahig...

>Denz' POV<

Galing ako sa mall at kapapasok ko pa lang ng gate...hindi ko inaasahan ang nakikita ko ngayon,

Si Winnona habang buhat ni Harley. Gulat na gulat sila pareho..at..GANUN DIN AKO.

May bumangong inis sa dibdib ko kasabay ng pagkuyom ng kamay ko.Lumapit ako sa kanila.

"What happened? It seems that you two are having sweet moments huh?" Sinubukan kong maging casual ang pagtatanong. But my tone happened to be sarcastic.

"She accidentally fell from the ladder" Accidentally fell?! So kailangan lumapit muna ako bago nya ibaba si Winnona?!! Is that it?!! Sh*t! ~.~

Tiningnan ko si Winnona. Medyo namumutla sya. I am worried pero hindi ko alam kung paano ko ipapakita sa kanyang nag-aalala ako.

"Hey Denz! What's with the serious face?" Napatingin ako kay Harley.

"Nothing. I just encountered a JERK at the market a while a go"

"Okay." Pagkatapos tiningnan nya ulit si Winnona. "Are you alright? May masakit ba sayo?" Tsk -_-'' kelangan hahawakan pa sa pisngi at balikat?! ano yun para-paraan ~_~ tsss.

Nagpatuloy lang sa pag-aayos yung ibang staff. Si Winnona? Ayun tinangay ni Harley -_-

>Winnona's POV<

" Mabuti pa hayaan mo na ang mga staff na gumawa ng dapat gawin. Dito ka na lang muna."

"Pero hindi pwede Harley. Kulang sa man power eh. Besides, Im okay na naman"

"Papuntahin mo na lang dito si Jasmine, hindi naman yata sya busy eh."

Sasagot sana ako pero biglang pumasok si Denz at dire-diretsong umakyat. Habang naakyat sya bigla kong naisip ang sitwasyon. Hindi pwedeng pumunta dito si Jasmine. Hindi sila pwede-

"Alam ko ang iniisip mo Winnona. Pero Winn, you must FACE YOUR FEAR. Isa pa hindi naman pwedeng paglayuin mo sila. Darating at darating yung point na magkikita sila by instance. And dont let them blame you because of that okay? Papuntahin mo na dito si Jasmine"

Bigla akong napatitig kay Harley. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.. at the same time..

Nalilito...

FACE YOUR FEAR also means.. REBUILD THE TOWER.

AN: abangan ang nalalapit na pagkikita nila Jasmine at Denriel hahaha ^^,

VOTE, COMMENT AND FAN.

When Two Towers CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon