Chapter IV.

13 0 0
                                    

Kumusta na ako? ayos lang. Nagiisip na ako kung dapat ko na bang seryosohin etong babaeng ito at kung sapat na ba lahat ng ginawa nya para magseryoso ako at paseryoso narin itong kwento? 
Ito kasi ang problema sakin nanggaling ako sa pag-ibig bago siya (si Chloe). Ang babaeng limang taon ko niligawan pero isang buwan lang kami nagtagal, bakit ang tanong? Tyaga ko no?
Inaanak siya ng tatay ko malapit siya sa pamilya ko at pangatlo pa doon kababata ko siya halos nakita ko rin ang paglaki niya dahil kasabay ko lang siya kababata nga e, nga pala sa probinsiya sa nakatira sino siya? heto siya si Jane. 
Anong meron sakanya? dalawang salita lang ang masasagot ko. BEAUTY and BRAINS. Pag nagkazombie apocalypse sulit siya sa zombie kasi di iiwasan yung utak niya. Gamitin nyo nalang ang imahinasyon nyo sakanya dahil napaka-ganda at napaka talino niyang babae yun na yun wala ng iba. 
Bakit kami di nagtagal? bakit ako nagkaganito? May nakagawian kami ng pamilya ko na pag-uwi sa probinsya kung saan siya nakatira at ang lola ko, duon ko siya nakilala dahil malapit ang bahay nila sa amin. Noon madalas ako umuwi at tuwing summer nandun ako para samahan ang lola ko minsan pa nga new year ako kung umuwi maganda duon sa probinsya namin pero di na yun mahalaga. Paslit palang kami crush ko na siya haneep crushh elementary palang ako nun, iyon na nararamdaman ko sakanya mapalad ako nuon dahil saktong inamin din niyang crush nya ako at dun ko na siyang sinimulan ligawan sa edad na highschool ha pero bakit  years? kasi hindi naging tuloy tuloy kase paputol putol (oo tama inisip mo redundancy) dahil nga kada uuwi lang ako dun ko lang siya makakausap di naman kasi uso sakin yung cellphone dati dahil 3210 pa noon mahirap pa magkacellphone ang estyudanteng nasa elem at highschool hashtag relate? Sa mga panahong ito na may Mutual Understanding na kami pinangakuan ko siyang bibigyan ko siya ng aso pero nagkataon na estudyante lang ako kaya hindi ko pa afford ang aso naging stuff toy lang siya ayun at tinanggap nya pinangalanan nga nyang paulina yon at pagkatapos nagkausap rin kami tungkol nung sa bata pa kami as in bata pa (heto yung magandang part kasi kinilig daw siya dito pero di ko na talaga maalala na nasabi ko sakanya etong mga kataga na to) malapit ang dagat sa lugar namin walking distance maganda ang tubig at sikat ng araw, buhangin ay mapuputi marami rin taong naliligo kada bakasyon. Nangyaring nung maliligo ang kamag-anak ko eh hindi ako naligo oo arte ko kase noon e kasi nga ayaw ko ng umitim para makasabay ako sa kulay ni Jane. Naroon din si Jane nung mga oras na iyon maliligo rin sila ng pamilya niya (heto na yun hahaha) nilapitan daw niya ako at sinabi niya sa akin na Gabe tara ligo tayo sa dagat tapos sinagot ko daw siya ng ayaw ko dahil iitim ako at sagot niya ay okay sabay diretso siya sa pagligo at pag-enjoy sa alon after nung kasalukuyang nag eenjoy siya sa init ng araw at malamig na tubig alat nagulat siya sakin dahil lumapit ako at naligo narin. Jane,"Bakit ka naligo? akala ko ba ayaw mo maligo at umitim?". Sagot ko "Nandito ka na kasi nung nakita kitang naliligo gusto ko naring maligo." yan daw yun at ang ganda niya kasi talaga makakatanggi ka pa ba.. Paglipas ng mga panahon na nagbigay ako ng stuff toy nagkaroon na ng cellphone nun yung samsung na nai-islide yung screen mejo dalaga at binata na kami alam na parehas ng pamilya namin na gusto namin ang isa't isa heto na yung part na naging masakit sa akin dahil nagkaroon kami ng promise ring ibinili ko iyon sakanya para sa pangakong siya lang which is para sakin siya lang talaga kahit nasa maynila ako nagkaroon pa nga kami ng pagpapasa ng larawan sa cellphone thru MMS sweet messages na kami lang para sa isa't isa pero sa kasamaang palad bago ako mag college na holdup ako nawalan ako ng cellphone at kontak sa kanya sakto rin na kasasagot niya lang sa akin (malas diba). Pagkalipas ng isang buwan na mawalan ako ng cellphone at pagbalik ko sa kanya may iba na siya! ayaw na niya sakin kahit anong paliwanag ko sakanya, hindi ko alam kung bakit pero ambilis rin basta wala na ganun kagad at may bagay rin siyang ayaw sabihin sa akin kung bakit umayaw at nagawa niya yon. Alam ko ang nasa isip mo ang tanga ko ano, Beauty and Brains pala eh pero yung ugali nagbabago rin pala! ang nararamdaman nagbabago rin pala! jan ako nasaktan ng sobra kaya saktong may pagkaloko loko narin ako nung nagkolehiyo ako.

Ngayon dahil nga kami na ni Chloe gusto kong bumawi sakanya sa suprise niya sa akin sa lahat ng binigay niya. Nag-oojt siya ngayon sa isang istasyon ng radyo kung saan siya ang nasa voice recording o mixer ng mga kanta at by request ng mga caller hindi niya alam tumawag ako at kausap ako ng dj nung mga panahon nasa trabaho sya bilang training kinausap ako ng DJ at sinabi niyang bakit ka napatawag at anong request mo? Sagot ko " Dahil gusto kong bumawi sa isang babae na unang nagparamdam sakin ng importansya at higit pa dun espesyal.Sabi ng DJ "Aba ayos tong caller mukhang sweet to ahh!" dugtong ko tumawag ako dahil gusto kong sabihin na Chloe M. Cortez mahal na mahal kita salamat sa ginawa mo para sa akin at proud ako na sinabi ko to dito at para hindi lang ikaw ang makarinig sa radyong ito, kahit wala silang pakielam sasabihin ko parin to sayo. (to be continued)




Balikong RomantikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon