Nung nalaman ko lahat yan ewan wala naman akong pakielam pero dahil sa alam ko na ang dahilan kung bakit nya ina-add lahat ng kilala ni Ryan sa skwelahan, naging malapit siya sakin in short gusto magpalakad hanggang sa nagkuhanan ng number para magkausap hanggang sa text. Inilakad ko siya kay Ryan sinabi ko ang lahat ng pinapasabi nya katulad ng “gusto ka daw makita ni Chloe naalala mo pa daw ba siya?” at “ may ibibigay daw siya sayo makipagkita ka daw sakanya kung okay lang”.
Nakakatawa pero parang humihiga ako at itinatawid ko na tong babaeng to oha? tulay na ako sa kanilang dalawa at habang nasa magkabilang side ako, nakikita ko hindi siya gusto ni Ryan kaya dumating ang araw na isinabi ko na wag na siyang umasa pa kay Ryan kahit hindi madaling sabihin, ang siste naging close kami ni Chloe naikwento ko sakanya ang buhay ko hanggang sa naramdaman kong sa akin na siya nahuhulog ayokong maging bagsakan ng feelings nya dahil hindi siya gusto ni Ryan kaya iniwasan ko siya at heto na nga akala niya may gusto na rin ako sakanya akala niya na nanliligaw na ako sakanya dahil ngayon ko lang nalaman NBSB pala siya (No boyfriend since birth) kaya hindi nya alam kung nililigawan na ba siya o hindi. Masama ito. I mean hindi siya masama pero naramdaman ko na ang babagsakan nito eh, magiging kami dahil pakiramdam ko gusto ko narin siya may tawag dito eh kapag gusto ka tapos magugustuhan mo narin siya. Kung alam nyo yung tawag dun mabuti para sa inyo at hindi ko alam. Hindi joke lang alam ko isishare ko na sa inyo reciprocal liking.
Nung una iniisip ko pangit na magkagusto ka kagad. Oo agad agad. Mabilis nagpundar ng feelings para sa isang tao kaya natakot ako, kaya hindi ko siya sineryoso at sinabi ko nalang din sa kanya na ayaw ko siya ligawan pero heto ang sabi nya. “Gusto kita at gusto kong maging tayo na hindi ko kasi matiis na yung nararamdaman ko para sayo.” Wow talaga! Kakaibang babae. Hindi ko alam sasabihin kaya hindi ko siya pinansin for a week. Sila freddie at si jef alam nila na sinagot ako nitong babaeng to dahil ipinababasa ko sakanila yung sinasabi sakin nagpayo si freddie “yan chicks ka nanaman swerte mo siya pa ganyan sayo, malas mo wala kang choice dahil babae siya.”
Sabi ko sakanya “alangan naman na bakla sya syempre babae siya! Gunggong neto bading na ba hanap mo at lagi kang basted sa mga gusto mo na hindi ka naman gusto?” sabay tawa. Banat naman ni jef “Bakit freddie boy? Hindi ka pa sinasagot ng nililigawan mo sa internet at humuhugot ka? Sino ba yun yung hapon na pinay na kausap mo lagi pero hindi ka naman gusto hahahaha.” Bumanat si freddie ng walang sense pero parang tinamaan ako. “Hindi lahat ng hindi mo porke nakita hindi mo na pwedeng seryosohin.”
Nasabi ko nalang sa sarili ko parang tama na mali. Tama dahil sinabi nya na gusto nya ako (maaring totoo nga) at hindi dapat baliwalain ang sinabi ni chloe dahil lang natakot ako, pero mali dahil nakikinig ako sakanya(kay freddie na minsan walang sense kausap) o mali dahil masyadong mabilis ang phasing walang nasusunod diretso kagad walang preno at konti lang ang panahon na nagkakilala kami. Isip ko lang nagsasalita jan meet my “konsensya”. Sinabi ko, “Freddie naglaro ka nanaman ng mario brothers, seryoso ka sa laro na yan hindi mo naman nakukuha yang prinsesa mo.” nagsalita na rin si jef “Patulan mo na yan wag mo ng patagalin pa hindi lahat ng nagpapakagat masarap kaya tignan mo si freddie walang kumakagat nagmumukhang masarap lang siya.” Tawanan. Dumaan ang isang linggo ng pagiisip pinansin ko na rin siya, pumayag ako na maging kami YES! Chicks ako eh ako pa ang nagdesisyon na kung magiging kami ba o hindi. May karelasyon na ako pero hindi ako seryoso dahil gaano ba katagal na naging magkakilala kami halos tatlong buwan tapos minsan lang magkita.
Oo tatlong buwan lang. Ngayong kami na syempre overwhelmed tayo kasi NBSB(No boyfriend since birth) siya at ako ang unang nobyo hanep malalim na tagalog sensya na inspired kasi pero alam mo yun kapag naglalakad ka laging may tugtog kang maririnig, kahit pang maria clarang kanta gusto mong isayaw ng pang hiphop ipapa-auto tune mo nalang sa mga jeepney drivier na nagpapagawa ng mga auto tune na kantang nakakasakit sa tenga at sa sobrang ganda ng mood mo wala ka ng pakielam. Sa unang buwan ng pagiging kami na hindi ako seryoso nagbigay siya ng una nyang regalo bilang girlfriend binigyan nya ako ng C.D akala ko nung una installer ng games kasi mahilig ako mag games pero sabi nya “pinaghirapan ko yang gawin sana maappreciate mo.” So inassume ko na, na may video siyang ginawa o baka kumanta siya at gusto nyang marinig ko iyon. First time kong makatanggap ng ganito kaya nung nakauwi na ako galing sa pakikipagsapalaran sa LRT bilang pakikipaglaban sa game of thrones kasama siya, pinanuod ko kagad yung C.D na binigay nya pagkauwi ko! May video nga at nakalagay kung paano kami nagkakilala hanggang sa mga sinabi ko sakanya at hanggang maging kami habang may tumutunog na background music.” Nakakatuwa may nageffort para sakin pero hindi parin ako seryoso sa pagiging kami dahil hindi kasi ako kumbinsido na gusto nya ako kagad, sabi parin yan ng konsensya ko(nakakainis ang arte ng konsensya ko no). Papunta na kami sa pangalawang buwan ng pagiging maggirlfriend/boyfriend unti unti ko na siyang sinasamahan pauwi hinahatid, naaakbayan at nagkakaroon ng mga pangarap na iisipin mong gusto mo siyang isama pag naging matagal na kayo. (to be continued)