Paano nga bang umibig?, Paano nga ba ang magmahal?, Paano nga ba ang umasa?, Nakakatuwa na nakakabaliw ang pag-ibig, iyan ang akala ko.
Mark, nasaan ka nga ba? ang sabi ni Ezra sa sarili. Paano ba naman di niya hahanapin ang tao na matagal na niyang hinahangaan at inaasam na masungkit ang kagwapuhan.
Pareho silang nag-aaral ni Mark sa isang kilalang unibersidad sa Baguio ang Saint Louis University, siya si Ezra Delgado na kilalang outstanding student sa larangan ng journalism, at si Mark Ephraim Santos na isang multi talented student pagdating sa larangan ng athletics.
Nagkakilala sila ni Mark sa di inaasahang pagkakataon, nagcocover siya noon nang athletic meet, kalaban nila ang ibang colleges sa loob at labas ng Baguio City, di sinasadya at di maikakaila na parang iginuhit ng bituin sa langit ang panahon at oras. Di sinasadya na sa kakasunod niya sa mga kilalang athletes at coaches, at nakabangga niya ang isang bagong ligo at nakabody fit na pang swimming si Mark, makalaglag panty at brief ang tindig, hay nangangarap na naisip ni Ezra nakalimutan na ata ang kanyang duty as a journalist, kung di pa umubo si Mark di pa babalik sa realidad ang katinuan ni Ezra.
Sorry nga pala at di kita napansin agad sabi ni Ezra; Napatawa na lang si Mark, dahil huli naman niya na sa iba nakatingin si Ezra, kundi sa pagitan ng kanyang hita, minsan di niya mawari kung may mukha ba siya o pagitan ng hita niya ang pantawag ng pansin, naisip lang ni Mark. Naku, eto na ang Ezra na biglang napahiya sa ikinikilos niya sa harap ng isa sa mga hinahangaan na athletes sa university nila.
Dahil sa kahihiyan, nasabi na lang ni Ezra na kung pwede si Mark na mainterview na din siya para sa Mountaineer, school organ nila na bi monthly kung ilabas, palusot na naisip ni Ezra.
Sumagot na lang si Mark na sched natin by the way, Ezra Delgado right; yes Mark Ephraim Santos, sabay nagkamay ang dalawa at bumalik na sa locker room si Mark, si Ezra naman ay nagmumuni habang papunta sa gymnasium para sa susunod na competition games.
Ika nga trabaho muna sa isip ni Mark, concentrate na sa work at baka mahuli sa paglalay-out, patay na naman siya Kay Prof. Dino Sandoval, ang super strict na journalism professor and adviser ng kanilang school organ.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Mo'y Huwad (boyxboy)
RomansaIto ay mga karanasan na di nalalayo sa tunay na buhay, maaring sa iba ito ay katatawanan, katangahan o realidad na kahit kailan ay pangarap na lang na mabuo ang isang relasyon....