Chapter One: "WOLFREDOS"

6 1 0
                                    

Chapter 1: "WOLFREDOS"
Bee's POV
(At The House)

Nag-aayos ako ng aking mga gamit nga pala ako nga pala si Bella Elise Errol kasi kalilipat lang nila ng kanyang mga kaibigan sa tinitirahan nila ngayon. Malapit na sa school at matututo pa silang maging independent at malapit din ito sa Darnell Bar na pagmamay-ari ng kapatid ni Fiona Irene Randar Erasmo. Ano ang ginagawa nila doon sa Darnell Bar? Simple lang ang sagot dyan silang magkakaibigan ay singer doon at parang ito na rin ang paraan nila ng pagtanggal ng stress nila at hobby na rin. Nga pala kalilipat lang rin nila ng school at kahapon nakapag-enrolled na sila sa Gemlock International Magic School (GIMS), bakit ganon ang pangalan? Ewan ko rin ehh, basta ang sabi sa site na nakita ko maganda 'DAW' doon.

"HEY! Bee, Fire ang tagal nyo naman may gig pa tayo ehhh." Sigaw sa akin ni Jam mula sa baba.

"Oo na, eto na bibilisan ko na! Nakakahiya naman ehh kesa ikaw ang nag-aayos nitong gamit mo!" Sarcastic na sigaw ko rin pabalik sa kanya.

"Maghintay ka nga hirap mag-ayos ehh!" Sigaw din ni Fire kay Jam.

Ay nakalimutan ko nga pala silang ipakilala sa inyo, yung sumigaw kanina ay si Judie Anne Marquis pero mas gusto nyang tinatawag syang 'Jam' ayaw nya sa complete name nya kasi ang dugyot daw ng pangalan nya. HAHAHAHAHA! Nga pala sya ang pinaka madaldal at maingay sa aming tatlo at sya ang guitarist namin sa banda at mahilig yan sa sweets lalo na sa strawberry at chocolate at 'NBSB' yan at mukhang nerd pero pag nag-ayos lalaglag ang panga mo sa sobrang ganda at lastly anak sya ng pinakamayamang architect sa buong Pilipinas.

At ang isa ko pang kaibigan ay si Fiona Irene Randar Erasmo pero mas tinatawag namin syang 'Fire' minsan tinatawag din namin syang Fiona. Kung si Jam ang pinaka maingay itong si Fire sya ang kabaligtaran nya, sa amin tatlo sya ang pinaka seryoso at mahilig mag-aral. 'NBSB' din sya katulad ni Jam pero maraming nanliligaw dyan di katulad ni Jam bilang. Mahilig din sya sa sports at magbasa ng book kaya pag nakakatapos ako ng isang book pinapabasa ko muna sa kanya bago ko isend sa publishing house. Anak si Fire ng pinaka mayamang at pinaka kilalang chef dito sa Pilipinas at ang kuya nya naman ay may-ari ng Darnell Bar na tinatambayan namin. Nga pala sya ang drumer sa aming banda at marunong din syang tumugtog ng piano.

At syempre ako, ako nga pala si Bella Elise Errol pero tinatawag nila akong 'BEE' ako ang pinaka matagal kumilos, palaban, boyish kung gumalaw minsan nga napagkakamalang tomboy ako ehh pero pusong babae toh mga tol. Mahilig ako sa movies, sport lalo na ang basketball at billiard. Mahilig din ako sa books, foods, at iba pang bagay na kinahihiligan ng normal na tao. Hindi na ako 'NBSB' actually nakakalabing lima na boyfriend na ako pero dahil sa hindi nila masakyan ang mga trip ko nakikipag-break ako sa kanila. Ako ang singer ng banda namen at ako lang naman ang anak ng pinaka mayamang businessman at engineer sa buong Pilipinas. Ang kuya ko ay isang successful doctor at ang ate ko ay ang magmamana ng buong company pero syempre may hati kami ni kuya pero ang totoong tinapos ni ate ay law pero pinapatake pa rin ni papa si at ng business management.

Eto na nga kakatapos ko lang ilagay sa cabinet ang damit ni Jam buti si Fire hindi ako inutusan. Nga pala may kulang pa sa description ko sa taas ako nga pala ang pinaka dakilang loka loka sa aming tatlo. Halos kasabay ko lang lumabas ng kwarto si Fire at sabay na kaming bumaba.

"Bakit ang tagal nyo? Nagutom tuloy ako lilibre nyo dapat ako ahh?" Sabi nya sabay ng puppy eyes pa ang loka.

"Ikaw kaya ang mag-ayos ng gamit mo. Hay! Pasalamat ka kaibigan ka namin kung hindi kanina ka pa namin sinapok." Pabirong sabi ko sa kanya pero nabago yung aura nya natakot ata. "Huy joke lang yon hahahaha." Sabay tapik ko pa sa balikat nya.

HAPPY ENDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon