Chapter Two: "Duet"

1 1 0
                                    

Chapter 2: "Duet"
Bee's POV
(At The Darnell Bar)

Hay patuloy pa rin sa pagbabangayan sila Jam at Fire akala ko nga kanina ehh natakot na si Jam sa banta ni Fire pero wala tinuloy nya pa rin ang pagbato ng tissue kay Fire.

"Ano ba Jam tantanan mo na nga ako, tumigil ka na nga sa kakabato mo sa akin ng tissue dyan!" Iritadong sabi ni Fire kay Jam pero si Jam dedma lang parang walang narinig.

Nang hanapin ko sa bag ko ang phone ko hindi ko pala na nailagay yon doon at inalala ko kung saan ko ito huling ginamit at aha sa kotse nasa lagayan ng mga baso.

"Hey guys alis lang muna ako ahh punta lang ako sa parking lot." Sabi ko sa dalawa kong kaibigan na patuloy pa rin sa pag-aaway.

At yun nga umalis nga ako at dirediretso akong naglakad papuntang parking lot hanggang makaabot ako sa kotse ko.

Binuksan ko na ang kotse ko at diretso pasok sa loob sabay kuha ng phone at sara ulit ng kotse at lakad uli papuntang bar ng biglang.

"AHHHHHH!" Shocks bakit feeling ko di natumba at may nakasalo sa akin.

Nang buksan ko ang mga mata ko nakita ko ang vocalist ng bandang 'Wolfredos' na salo-salo ako.

"Ahh miss are you okay?" Nag-aalala nyang tanong sa akin.

"Ahh I'm fine." Sabi ko sabay ngiti ng sobrang sweet.

Nang mapatingin ako sa mata nya shocks ang ganda ng kulay nito electric sapphire. Wait electric sapphire ehhh kanina nung kumakanta sila ehh ang kulay ng mata nya ay ash grey ehhh astig nakacontact lens si kuya buti pa sya.

"Ahhh miss pwede bang mamaya ka na magdaydream mabigat ka kasi at kakanta pa kami ehhh." Ahhh kala ko mabait hindi pala hambog din pala.

"Hmmp sige ibaba mo na nga ako." Sabi ko sabay bitiw nya sa akin kaya bumagsak ako sa sahig. "Aray!" Ang sakit non ahh asar.

At yun nga tuloy tuloy syang naglakad papuntang bar at naiwan ako mag-isa dito. Tumayo na ako at tumungo na rin ako sa bar nang pagkapasok na pagkapasok ko laking gulat ko ng biglang tawagin ni Kuya Mond si Hambog, oo Hambog na ang tawag ko dun sa Ed na yun after nang pagbagsak nya sa akin hmmp. At yun nga tinawag ni Kuya Mond si Hambog at sunod ay tinawag ako. Ha? Ako wait baka nagkakamali lang ang author nito.

(Author: FYI Bee hindi ako nagkamali ng type ko dyan.)

Okay fine ikaw ang author ehhh.

"Back to the reality"

Hindi ko napansin na naglalakad na pala ako papalapit sa stage at nang makasampa ako bigla ulit nagsalita si Kuya Mond.

"Hmm may I call on the other members of the 'Wilfredos' at ng 'The Mysterious V' at pumunta kayo dito sa stage at samahan nyo kami dito." Seryosong sabi ni Kuya Mond.

At yun nga nagsipuntahan ang iba ko pang kamembers at yung mga kamembers din ni Hambog.

"At dahil nandito na kayong lahat..." Baling nya sa amin sabay tingin sa mga audience. "Gusto nyo ba silang marinig kumanta na duet si Bee na bokalista ng 'The Mysterious V' at si Ed na bokalista ng 'Wolfredos'?"

"Oo!" Sigaw ng mga audience at tumingin si kuya sa amin ni Hambog.

"Okay guys anong kakantahin natin?" Tanong ni Hambog sa aming lahat.

HAPPY ENDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon