LET THE LOVE BEGIN (PART1)

8 3 0
                                    

LOVE STORY (PART1)

CASSIE POV

Flashback

February 6, 2005

1st year High school

Emerald Christian Academy

"Class pass your assignments." Sabi ni ma'am Lizares. She is our English teacher. Kinakatakutan ng lahat. May pagka terror pa naman sya.

After I passed my assignment nag doodle ako sa notebook ko dahil sobrang bored talaga ako. Nag checheck lang naman ng assignment naming si Ma'am.

Nabigla ako sa sigaw ng teacher namin na..

"Miss Santillan and Mr. Esguerra Stand up!"

Sa subrang kaba ko, parang hindi ako makatayo ng maayos. Sa totoo lang sobrang takot na takot ako sa kanya.

'Anu bang nagawa ko?? Tanong ko sa sarili.

"Miss Santillan! Who did your assignment?!" galit na tanong nya.

"A-ako p-po ma'am.." I replied

"Mr. Esguerra! How about you? Who did your assignments? Tanong nya naman kay Lorenzo

"ako po ma'am!" Diretsa nyang sagot.

"So, I'm wandering kung bakit pareho kayo ng sagot na dalawa. From comma to period!! Nakakapagtataka diba?!" Galit nyang sabi habang tinititigan kam ng masama.

Marami na ang nag bulong bulongan ng mga kaklase naming. Gusto kong humingi ng tulong kay Isabella pero alam ko natakot din s'yang madamay.

Na alala ko kahapon ang pag kopya ni Lorenzo sa notes ko, pero akala ko yung questions lang talaga ang kinopya nya.

Haaaiii... I'm sooo dead!!!

Gusto ko sanang magsumbong kay ma'am kaya lang natatakot ako sa mga tingin nya.

Parang kakain ng buhay! Huhuhu.. wag naman sana...

"Two of you!" sigaw ni ma'am

Agad akong kinabahan..

"I want to talk to your parents tomorrow. No parents no final exam! Am I clear?!" She said with finality.

Tumingin muna ako kay Lorenzo bago ako tumango kay Miss Lizares.

'ohh myyy'

Looking at him parang hindi man sya kinakabahan.

Pero ako, ewan ko. Takot talaga ako. First time maipatawag sina mommy kung nagkataon

Hanggang pag dismiss hindi pa rin ako kumikibo.

Naka upo pa rin ako at umiiyak. Ako naman talaga ang gumawa ng assignments ko.

"Best? Anung nangyari? Paano nangyari na pareho kayo ng sagot?" tanong ni Bella sa akin.

I started talking to her. Ikinwento ko lahat sa kanya, ang pag approach sa akin ni Lorenzo at pag copy nya sa notes ko.

"Best, pahamak naman pala ang crush mo eh! Ai naku! Pag ako yun ma tuturn off talaga ako!" galit na sabi nya.

"Okay lang best! Kakausapin ko na lang sya." Sabi ko na lang.

I need to fix this!!

Dali dali kong pinahid ang luha ko at tumayo.

"uuwi ka na best?" tanong nya.

"Hindi pa. Pupuntahan ko muna si Ma'am Lizares sa faculty rroom. I will tell her kung anu talaga ang nangyari." Sabi ko sa kanya habang nililigpit ang iba ko pang gamit.

"gusto mo samahan kita? Alok nya

"Wag na best. Baka gabihin ka. Mauna ka na lang umuwi. Okay lang ako. Thank you na lang best. Tatawagan na lang kita mamaya!" sabi ko sa kanya.

"Okay best. Sabi mo eh. Basta tawagan mo ako mamaya hah!" sabi nya.

"yes! Mauna muna ako. Bye!"

"Bye!goodluck" She replied.

Medyo wala ng tao sa corridor habang naglalakad ako. Uwian na kasi.

Papasok na sana ako sa faculty room ng may naririnig akong nag uusap.

' miss wag nyo na pong papuntahin ang parents ni Santillan. Ako naman po ang may kasalanan.'

'hiniram kop o ang notes nya para mag kopya ng assignments. Yung questions lang naman po. Pero nakita kop o ung answer sheets nya kinopya ko na lang po.'

'sorry po talaga ma'am. Akon a lang po ang parusahan nyo. Wag na si Santillan.'

I was shocked sa narinig ko. Pinagtanggol nya ako. Kahit papano napangiti naman ako.

:dapat lang naman na ipagtanggol ka nya, kasalanan nya naman talaga!: sabi ng isip ko.

I continue to eavesdrop

'you know that we are in a Christian School, right? We are very strict in terms of Cheating! I want to talk to them tomorrow! Am I clear Andrew Lorenzo?!'

Galit pa rin si ma'am..

"Yes ma'am!" sagot naman ni Lorenzo

'you may go now.' Sabi ni ma'am sa kanya.

Nakita kong lumabas si Lorenzo sa faculty room.

Tuloy tuloy lang ang lakad nya.

"Hey!" sigaw ko sa kanya.

He looked away. Parang nahihiya sya.

"S-Sorry." He said

I smiled at him.

He smiled back..

"it's okay! Thank you for defending me!" I said.

"I need to do it. I know It's my fault. I saw you crying kanina sa classroom. Nakonsensya ako." He said.

Mas lalo yata akong nag ka crush sa kanya...

"thank you ulit! Sige alis na ako!" I said.

"Wait up!! Hatid nakita sa gate." Sabi nya sa akin.

______________________________

patuloy po ang pag flashback ko..

sarap kasing balikan ang highschool life. hehehe

Flashback pa rin po from Cassie's Pov ang next chapter.

_x0x0_



TORNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon