Chapter 1:
Althea's POV
Ang hirap maghanap ng trabaho. Lalo na't hindi pa ako nakapag tapos ng College. Ang malas ko naman kasi, bakit ako pinanganak na mahirap, walang pera, may scholarship nga wala naman panggastos sa project and other activities. kaya ipinapangako ko sa sarili na magiging mayaman kami! na makaka tapos din ako ng kolehiyo at lahat ng gusto namin mabibili namin!.... yung mapagamot si Papa sa magandang hospital para gumaling na sya.
Ayoko na nakikita ang Papa na ganito, wala naman akong magawa dahil kapos kami sa pera.
si Mama iniwan na kami, kaya gagawa ako ng paraan para mapagaling ang Papa sa sakit nya. Gagawin ko ang lahat.
*********
Totoo ba to?! 50,000 pesos para magpanggap na girlfriend?! maniwala? sino naman ang kakagat nyan, hindi ako. Lakas naman nitong mang trip ng tao. walang magawa sa buhay. sigh. pero 50,000 yun.. Althea 50 freaking thousand pesos! para sa trabahong girlfriend. Pero baka naman pervert at illegal na nag rerecruit at naghahanap ng mabibiktima.
But wala naman mawawala kung susubukan nya di ba? titignan lang naman nya kung totoo ito, pero ang problema, hindi pa ako college graduate, hindi ko pa tapos ang course ko dahil sa pahinto hinto kong pag-aaral. Hays. wala rin pala akong pag-asa dito. Pero pwede kaya akong humingi ng tulong kay Batchi?
"Sige na Batchi!.. magpapanggap ka lang naman na girlfriend, tamo qualified ka, pleasing naman ang personality mo, lesbian, at higit sa lahat college graduate!...50,000 yun Batchi ang ganda ng offer... sige na please!" pagmamakaawa nya. Si Batchi lang ang pwede nyang mapuntahan.
"Nokaba Althea, may Abby na ako, ilang ulit ko bang sasabihin, ayoko, humanap ka na lang ng iba." tinalikuran sya nito, pero hindi sya susuko, sayang ang 50k!
"Hays... Althea naman, bakit hindi na lang ikaw?" tinitigan nya ako na nakataas pa ang isang kilay.
"Nakalimutan mo na ba hindi. ako. college. graduate!"
"Yun lang ba ang problema mo? pwede ka naman magpagawa sa recto, ang dami don nag-gagawa ng mga diploma, gusto mo samahan pa kita." hindi ba pangloloko yun? against sa konsensya ko ang manloko, oo mahirap lang kami, pero hindi rason yun para manloko ng tao.
"ewan ko sayo, kung ayaw mo eh di humanap ka na lang ng ibang trabaho...." akmang tatalikuran na naman nya ako sa pangalawang pagkakataon.
"Sige Batchi.... magkano ba ang magpagawa?" Nakapag desisyon na ako, bahala na si Batman.
********
Nakarating ako sa venue ng interview, sa BGC, mukhang mayaman ang Boss. Kaya pala ang lakas nitong mag offer ng 50k salary, mukhang barya lang sa kanila.
At ang daming tao, ang haba ng pila. mukhang mahihirapan ako nito ah. Ang dami kasing magagandang babae na pumipila. pang artista. makikinis ang balat. mapuputi. matangkad. Ang hard ng competition. sigh. Pero ang isang Guevarra ay hindi sumusuko.
Biglang nag bukas ang pinto sa di kalayuan, at nakita ko na may lumabas na babaeng umiiyak at mabilis na naglakad papaalis. Ano kayang nangyari.... kinakabahan ako nito ah.
Umusad na ang pila, at ganon pa din may mga umaalis na babaeng umiiyak, yung iba naman parang masusuka. Naka curious naman. Maraming mga nag baback-out. Mas maganda dahil onti na lang ang kakompetensya.
BINABASA MO ANG
Wanted Girlfriend (jathea fanfiction)
Romance❤️Wanted Girlfriend❤️ With pleasing personality Jade Tanchingco, born into a wealthy family, Mayabang matapobre at masungit, Naghahanap ng worthy girlfriend para ipakilala sa pamilya, at para pagselosen ang taong nag wasak sa kanyang puso. Warning:...