3

9.8K 241 2
                                    

Liam's PoV

Hindi ako makatulog nang  maayos ng ilang araw.

Bumabalik kasi sa isip ko yung nangyari noong isang araw.

Ba't kasi hindi ko nilock yung.pinto ng kwarto ko.!!

Ayun tuloy, nakita ako ni kuya.

Ilang araw ko na rin kasing iniiwasan si kuya. Eh kasi nga nahihiya ako sa nakita nya.

Kapag lumalabas ako ng kwarto. Sinisigurado ko munang nasa loob sya ng kwarto nya.

Lahat-lahat ng alibi, nasabi ko na para maiwasan sya tuwing magkakausap kami.

Tinext ko nga pala ang mga bff ko tungkol do'n. At alam nyo kung anong reply nila?

Isang hamak na smiley lang..

Bestfriend ko talaga sila.

Tinext ko rin si Otor na kunin na nya yung mga binigay nyamg dvd's.. pero yun, walang reply. Medyo busy kasi sya sa schoolworks nya eh.

*****

Umaga na at kelangan ko ng pumasok.

Lumabas na ako ng kwarto ko na saktong paglabas rin ni kuya sa kwarto nya.

Mabilis kong tinungo ang kusina. Nandoon na kasi sila mama at papa, nagbbreakfast.

Nagbeso-beso muna ako sa kanila.

Parating na si kuya sa kusina..kelangan ko nang umalis.

"Ah mom. Sa school nalang po ako kakain." Sabi ko sa kanila.

Akmang aalis na ako ng nagsalita si kuya.

"Sumabay ka na sakin. Masyado pang maaga para pumunta ka ng school." Sabi nya habang kumukuha ng pagkain.

Tumingin ako sa kanya.

Ano kayang nasa isip neto?

Magsasalita sana ako ng nagsalita syang muli.

"Alam nyo ba dad, nakita ko si bunso sa kwarto nya--dsksntksxskdfaclddk"

Hindi na natuloy yung sasabihin ni kuya dahil nilagyan ko ng pandesal yung yung bibig nya.

"Ano ka ba kuya, kumain ka na nga. Ang rami mo pang sinasabi eh. Sasabay na nga ako sayo.. medyo hassle ang jeep ngayon eh."

"Good" sabi nya.

Kumuha ako ng kanin at saka kinain ko yun ng mabilisan.

Ayokong iwan si kuya ngayon kasi baka sabihin nya sa parents namin yung nakita nya sa kwarto ko noong isang araw.

Maya-maya nagpaalam na kami ni kuya na aalis na kami papuntang school gamit ang kotse nya.

Sumakay ako doon sa tabi nya.

"Madali ka naman palang kausap eh." Sabi nya sakin habang nagsusuot ng seatbelt.

"Ikaw ba naman i blackmail ng ganon. Tingnan lang natin kung hindi ka susunod." Sabi ko sa kanya.

"Yun naman pala eh. Kaya susundin mo ang gusto ko kung ayaw mong malaman nila daddy ang mga ginagawa mo."

Huhu.. pano toh..

"Okay." Ang tanging sagot ko.

Akala ko, magiging matiwasay ang byahe namin papuntang school. Hindi pala.

"Pakikuha nga yung mineral water." Sabi nya.

"Eh nasa harapan mo lang oh." Sagot ko. Eh nasa harap nya lang naman, ba't kailangan ko pang abutin sa kanya.

"Ah, ganun." Sabi nya at dinial ang number ni Daddy.

Madali kong kinuha ang mineral water at binuksan ito.

"Oh ito na." Sabi ko sabay abot ng tubig sa kanya.

"Pa'no ko makakapitan yan, kita mong nagmamaneho ako." Iritang sabi nya.

"Okay." Mahinahong sabi ko.

Kaya nya namang imaneho yan kahit isang kamay lang ang nakakapit sa manibela eh. Nakita ko kasi sya dati na kapit nya yung cellphone nya habang nagmamaneho. So ibig sabihin, kaya nya ring uminom ng tubig.

Inilapit ko sa bibig nya yung bote.

Tapos napatingin ako sa adam's apple nya na tumataas-baba kada lagok nya nya tubig.

Gulp.

Matapos syang uminom.

"Pakikuha yung notebook kong itim sa bag." Sabi nya.

Pumunta ako sa likod ng kotse.

Dumaan ako sa gitna namin dalawa.

Pero habang papunta ako sa likod ay bigla nyang pinalo ng malakas ang pwetan ko.

Kaya ang resulta, subsob ang mukha ko sa likurang upuan ng kotse nya.

Tiningnan ko sya ng masama.

"Oh bakit?, aangal ka?!" Sabi nya sabay wagayway ng cellphone nya.

Di na ko nagreklamo at kinuha ko nalang ang notebook nya sa loob ng bag nya.

Pagkakuha ko ay binigay ko sa kanya.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong nya.

"Sabi mo kuhain ko. Edi ayan na."

"Sinabi ko bang ibigay mo sakin? Sagutan mo yung assignment ko dyan sa bandang gitna." Sabi nya.

Wala na kong nagawa kundi sundin sya.

Saktong pagdating namin sa eskwelahan ay natapos ko rin ang assignment nya.

Sinalubong agad sya ng mga barkada nya.

"Oh brad natapos mo na ba yung assignment mo kay Madam?" Tanong ni Luke.

"Syempre matalino ata to." Sabi nya sabay tawa at sabay alis.

Bwesit.

******
XoXo

Sorry short update.

See you next chapter everyone.

My Brother's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon