1

12.9K 329 4
                                    


Liam's PoV

Late na akong nagising dahil sa nangyari kagabi.

Sumakit ang katawan ko dahil sa pinagagawa ni kuya.

Pero kelangan ko paring tumayo para maligo dahil report ko ngayon sa isa naming subject sa school.

Pagbaba ko galing sa taas ay sinalubong ako ng maids namin.

"Sir Liam, kakain na daw po ng breakfast." Sabi nya.

Dumiretso ako sa dining room.

Sinalubong ako ng ngiti nila mama at papa. Syempre ngumiti rin sakin si kuya na akala mo walang nangyari kagabi. Porket alam nyang hindi ko sya kayang isumbong kila mama.

Kumain nalang kami. Konting usap lang dahil umalis agad sila mama dahil may business meeting sila sa bagong investors sa kompanya.

Ibinilin nila ako kay kuya.

Pagkaalis nila ay katahimikan ang bumalot sa dining area.

Tumayo na ako kahit hindi pa ako tapos kumain.

"Tapusin mo yang kinakain mo kung ayaw mong malintikan sakin. Alam mo kung anong kaya kong gawin." Ma otoridad nyang sabi sa'kin.

Wala na akong nagawa kundi umupo ulit at sinimulang ulit kumain.

Noong sinuway ko kasi sya dati ay hindi nya ako tinigilan hanggang sa hindi nag-umaga. Nilagnat ako noon. Dinala ako sa ospital at sinabi ng doktor na nasobrahan daw ako sa pagod at sobrang stress.

Tinanong ako nila mama kung anong ginawa ko kaya ako nagkaganun pero sabi ko sa kanila ay pinagpuyatan ko yung project ko para hindi na sila magtanong pa muli. Buti at naniwala naman sila sakin.

Pagkatapos kumain ay dumiretso na kami sa sasakyan nya. Parati akong pinapasabay nila mama kay kuya dahil alam nilang ligtas ako kapag nandyan si kuya. Pero ang hindi nila alam ay sa kamay pala ni kuya ako madaling mamamatay.

Pagdating sa school ay sinalubong agad sya ng barkada nya.

Tiningnan nya muna ako bago sila umalis ng barkada nya.

Maya-maya ay isa-isang dumating ang mga barkada ko.

Mga babae sila lahat, at oo nabibilang ako sa third sex.

Gusto nyo pa malaman lahat ng tungkol sakin?

Malalaman nyo rin yan sa susunod na chapter..

Papasok muna ako ha..

See you next chapter..

*-*-*-*-*-*-*-*
XoXo

My Brother's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon