Untitled Part 2

74 6 0
                                    

Lumipas ang ilang buwan at gabing gabi na akong laging umuuwi. Ang saya. Sobrang saya na walang nagbabawal sayo. Kami na lang dalawa ng kapatid ko ang nasa bahay kasi nanay ko lang naman ang nagpalaki samin dahil wala na si tatay. Iniwan na kami nung maliit pa lang ang bunso namin.

"Ate gutom na ako"

Sabi ng kapatid ko na ngayon ay naiyak.

"Magpaluto ka kay Na-"

Bigla akong natauhan nung maalala ko yun. Wala na nga pala si Nanay. Noon kasi pagkadating ko sa bahay luto na ang pagkain at kakain na lang kami. Nagluto na lang ako at pinakain ang kapatid ko.

Kinaumagahan maaga akong gumising para pumasok. Nakakainis, nawawala ang medyas ko.

"Nay nakita nyo ga yung medyas ko?"

"Oo anak andyan sa Cabinet"

Pero imbis na ganyang sagot ang marinig ko. Katahimikan lang. Wala na nga pala si Nanay. Wala na akong pwedeng tanungan kung nasan ang gamit ko. Napalingon naman ako sa damitan. Shaks. Ang daming labahin at madumi pala lahat ng uniform ko! Wala na si Nanay na laging naglalaba at di hinahayaang wala akong masuot. Kaya imbis na pumasok ay naglakwatsa na lang ako kasama ang barkada ko at pagdating ng gabi ay nag inuman kami

"Girl alas nwebe na, baka hanapin ka ng nanay mo"

Tiningnan ko ang cellphone ko pero walang tawag galing sa nanay ko. Wala na nga pala sya, wala ng magmmisscall at maya't mayang tatawag para pauwiin ako.

Pagkagising ko nagulat ako kasi nasa isa akong kwarto at may dalawang lalaking kasama na nakahubad. Pilit kong inaalala kagabi kung ano ang nangyari at dun ko na realize na ang mga barkada ko ay pinagkalulong ako sa mga lalaking kabarkada nila.

"Hey babe, gising ka na pala"

Nagulat ako ng nagsalita ang isang lalaking katabi ko, hindi ko sya kilala. Tatayo na sana ako pero hinila nya ako at muling pinagsamantalahan..

"Nay.."

Tanging salitang nabanggit ko.. 


I hate my mom!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon