Untitled Part 1

136 5 0
                                    

"Ms. Santos, read your work in front and let us know all about your Mom."

Nandito ako ngayon sa school at ito ang assignment namin. Ilarawan daw namin ang aming ina. At ako pa talaga ang napagdiskitahan ng teacher na to na magbasa sa unahan. Wala naman akong magagawa kaya tumayo ako sa unahan at nagsimulang magbasa.

"My Mom is the worst person in the whole world"

Halata sa teacher ko ang pagkagulat. Totoo naman ang sinabi ko.

"Bakit ko nasabi? Lagi nyang kinakampihan ang kapatid ko."

Oo lagi. Sa araw araw na ginawa ng Dyos. Lagi nyang sinasabi na bunso ang kapatid ko kaya kelangang pagbigyan. Diba ang unfair?

"Lagi nyang sinasabi na magpalamang ako sa kapatid ko"

Pag may pagkain ako kelangan kong hatian ang kapatid ko. Diba asar?

"Nakakainis sya kasi sinasabi nya na wala akong kwentang anak at napakatamad"

Masama bang manood ng Tv? Ginagawa ko naman ang iniuutos nya, tamad pa rin?

"Nakakabwisit sya kasi pinapalo nya ako pag bumababa ang grades ko"

Bobo naman talaga ako at ito lang talaga ang level ng utak ko.

"Lagi nyang sinasabi na ibang iba ako sa kapatid ko"

Dahil ang mga kapatid ko raw ay matalino at masipag. E di wow. Sila na.

"Minsan nga iniisip ko kung ampon lang ba ako, lagi nya kasi akong iniinsulto"

Saan ka naman nakakita ng nanay na iniinsulto ang anak!

"Tapos sya yung namimili ng barkada ko at kung sino ang lalayuan ko"

Dapat sya na lang ang nakipagkaibigan kung ganon.

"Sabi nya sakin ay di raw ako pwedeng maging teacher dahil maikli ang pasensya ko bagay daw sa akin ay sa opisina"

Masama bang maging teacher??

"Lagi nyang sinasabi na sya lang ang hindi mang iiwan sakin"

Naluluha na ako habang sinasabi yun. E palagi nya akong iniiwan nung bata pa lang ako e. lalo na kapag may pupuntahan sya. Nahalata siguro ni Ma'am na di ko na kayang magbasa kaya pinaupo nya na ako.

"H*yop kang bata ka? Anong oras na naman ang uwi mo?! Alas syete na ng gabi?! Uwi ba yan ng studyante?!"

Di pa ako nakakapasok ay pinagpapalo na nya ako. Nakakainis naman oh. Binaba ko na ang gamit ko sa upuan at pumunta na ng kwarto ko. Pero hindi sya nakuntento at pumunta sya sa kwarto ko at pinagpapalo ako.

"Sakit ka sa ulo! Wala kang kwenta! H*op kang ba ta ka!"

Sa bawat paglapat ng pamalong hawak nya sa katawan ko ay lalo ko syang kinamumuhian.

"Mamatay ka na sana!"

Nabigla ako sa pagkakasabi ko at halata ang pagkagulat nya. Sana nga mamatay na lang sya para maging Malaya na akong gawin lahat ng gusto ko. Tumigil sya sa paghampas sa akin at bumaba na sa sala.

Dumaan ang gabi at tiniis ko talagang di kumain kahit na tinatawag nya ako at kumain na daw. Ganyan sya, matapos nya akong paluin tinatawag nya ako para kumain. Hanggang sa makatulugan ko na. Ng nagising ako ng madaling araw para umihi, bumaba ako sa may sala kasi duon ang daan papuntang Cr. Nakita ko syang gising at nakatingin lang kung saan. Tumingin sya sa akin pero halata ko na ang mata nya ay namumugto na tila ba galing sa iyak. Siguro narealize nya kung gaano sya kawalang kwentang ina. Bagay lang yun sa kanya. Dire diretso na lang ako sa cr at ganun rin pabalik sa kwarto at natulog ng muli.

Nagising ako sa isang pag iyak..

"Nay.."

Sabi ng kapatid ko..

At dun ko nalaman na naglaslas ang nanay ko habang hawak ang papel na binasa ko kahapon tungkol sa aking ina. Napangiti ako. Nabasa nya siguro. At ngayong wala na sya magagawa ko na ang lahat ng gusto ko.


I hate my mom!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon