Dalawang buwan na ang nakalilipas at nalaman ko na buntis ako pero di ko kilala kung sino ang ama. Nakaupo ako ngayon sa kwarto ko at tiningnan ang litrato namin ni Nanay..
"Sorry Nay.."
Nagulat ako ng may nalalaglag na papel. Isang sulat. Kaya binuklat ko to.
Anak,
Naiintindihan ko kung bakit napakasama ng tingin mo sakin. Siguro nga di ako naging mabuting ina sayo. Pasensya ka na kung lagi kong kinakampihan ang kapatid mo. Gusto ko lang alagaan mo sya kasi ako hindi ko naranasang alagaan ang kapatid ko dahil maaga syang kinuha sakin. Gusto ko lang makitang nagbibigayan kayo kasi kasiyahan ko na Makita kayong nagbibigayan at nagmamahalan ng sa gayon kahit mawala ako alam ko na hindi mo sya pababayaan. Pasensya na rin kung sinasabi ko na wala kang kwenta at sobrang tamad mo, sana maintindihan mo na ayaw kong magaya ka sa akin na iniwan ng ama mo dahil makasarili at sobrang tamad. Pasensya na kung kelangan kitang paluin kapag mababa ang grades mo kasi gusto kong magpursigi ka para may marating ka. Para may maayos kang trabaho. Ayaw kong maging teacher ka kasi alam kong mahihirapan ka, sabi kasi ng kaibigan ko mahirap daw maging teacher. Gabi na raw matulog sa paggagawa ng lesson plan. Gusto ko sa opisina ka para di ka gaanong mapagod at mahirapan. Pasensya na rin kung kailangan kitang palayuin sa iba mong barkada. Kasi ayaw kong mapariwara ka. Ayaw kong mapahamak ka. Ayaw kong nasasaktan ka. Kahit nga lamok ayaw kong padapuan ka kasi mahal na mahal kita. Gusto ko lagi kang nakangiti at masaya kasi parang nasa langit na ako nun. Pasensya na kung sobrang mahal kita, kaya kailangan kitang higpitan at gawin lahat ng yon. Patawad.. Pero kahit ano mang mangyari, mawala man ako sa mundong to. Tandaan mo lagi lang akong nasa tabi mo at aalalayan ka anak.. Mahal kita anak, Pasensya na kung din mo maramdaman.. Lahat gagawin ko para sa inyo kaya kung ang hiling mo na mamatay na ako gagawin ko para maging masaya ka.. Alagaan mo ang kapatid mo. Matanda na rin ako at ayaw kong maging pabigat sa inyo kapag di ko na kayang magtrabaho at gastusin lamang upang ipanggamot sa akin ang ipon ko para sa pag aaral nyo. Sana maunawaan mo ko.. Mahal na mahal na mahal na mahal kita anak.. Higit pa sa sobra..
-Nanay
Para akong nahiya sa sarili ko sa mga nabasa ko. Ang sama sama ko. Hiniling ko na mawala ang nag iisang taong totoong nagmamahal at nagmamalasakit sakin. Sorry Nay.,. Sorry..
Naalala ko ang mga pangyayaring yun sa aking buhay sampong taon na ang nakakaraan at nakikita ko ang sarili ko kay Ms. Santos.
"Ma'am Jalos okay lang po kayo?"
Naglapitan sa akin ang mga istudyante ko.. at agad kong pinahid ang mga luha ko.
"Ms. Santos, maswerte ka kasi nandyan pa ang nanay mo. Alam mo ba na ako gagawin ko ang lahat para Makita lang syang muli at maipadama ko kung gaano ko sya kamahal?"
At hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko..
A/N – mahalin mo ang nanay mo hanggang nandyan pa sya. Nasa huli lagi ang pagsisisi, pero tandaan mo hindi mo na muling maibabalik ang panahon para itama ang lahat.

BINABASA MO ANG
I hate my mom!
NouvellesI hate my mom (Short Story) If you hate or love your Mom, you should read this. Storya to tungkol sa nanay at anak. Please don't snob. This is a message for you. Yes wag ka ng lumingon pa dahil para sayo to. Comment down, ittag kita sa next kasi gus...