Chapter Three (Part 1)

1.1K 35 2
                                    

Nang matapos si Sehun sa pagkain ay umakyat na siya sa kanyang kwarto at agad ka namang lumabas sa C.R para iniligpit na ang pinagkainan niya. Pagkatapos mong iligpit ang pinagkainan niya ay nagsimula ka naring kumain.

*Click*

Nasamid ka sa biglaang pagbubukas ng pinto pero imbis na uminom ng tubig ay nagmadali kang pumasok muli sa loob ng C.R.

" Kumain ka lang. " pagpigil sayo ni Sehun papunta sa C.R

Napahinto ka sa sinabi niya at tumingin sa kanya na gulat na gulat. Ngumisi naman si Sehun at nagsimula ng maglakad ngunit hindi pa man siya nakakalabas ng bahay ay nilingon ka niya ulit.

"Thanks for the food. " sambit niya at tuluyan ng umalis.

 Nanatiling nakatayo ka sa kusina at nakatulala sa may pintuan kung saan lumabas si Sehun. Napangiti ka at nagtungo na sa lamesa para ipagpatuloy ang pagkain mo.

'You're always welcome Sehun'

_________

Nang matapos ka sa pagkain ay naghugas ka ng pinggan ay nagsimula ka na ring magayos ng inyong bahay. Habang ikaw ay nagliligpit ng iyong gamit ay may nahulog na isang litrato sa sahig agad mo naman itong pinulot at napangiti ka ng makita mo ang nasa larawan.

Ito yung picture nyo ni Sehun noong magtungo ka sa Korea para manuod ng concert nila at ito rin yung panahon ng una ninyong pagkikita.

*Flashback*

" Kyaah! finally nasa Korea na ako! " sigaw mo ng makababa ka na sa eroplano.

Nagtinginan naman ang mga tao sa paligid mo ngunit hindi mo na ito pinansin dahil excited ka nang maglibot sa buong Korea. Nagpunta ka sa Korea dahil gusto mong mapanuod ang concert ng Exo at para narin bisitahin ang kaibigan ng mama mo.

*Boooogsh*

Dahil sa pagkatuwa mo ay hindi mo na napansin ang iyong dinaraanan kaya nakabangga ka.

"aray! " daing mo at namimilipit sa sakit.

Napaupo ka sa lakas ng pagkakabangga mo at hindi ka makabangon sa sobrang sakit.

" Miss are you ok? " Tanong ng lalaking nakabangga mo.

Hinimas mo ang parteng masakit at hindi pinansin ang nabangga mo.

" Here, stand up" alok niya at inilahad ang kanyang kamay.

Hinawakan mo naman ang kanyang kamay at inalalayan ka niya sa pagtayo. Nang makatayo ka ay tumingin ka sa kanyang mukha at laking gulat mo ng makilala mo kung sino ang iyong nakabangga.

" Se-Sehun?! " sigaw mo.

Bigla naman niyang tinakpan ang bibig mo at napansin mong nagtinginan ang mga tao sa paligid mo.

" How did you know me? " bulong niya sayo. 

" I'm a--"

 "kyahhhh! oppa!! " sigaw ng mga babae sa likod nyo.

Napalingon ka sa sumigaw ngunit daling hinawakan ni Sehun ang kamay mo at tumakbo.

" Where are we going? " tanong mo habang patuloy lang kayo sa pagtakbo.

Hindi siya sumagot sa tanong mo at patuloy lang kayo sa pagtakbo. Nakakita si Sehun ng isang eskinita at doon kayo lumiko para magtago.

" Glad they're gone " sabi ni Sehun habang naghahabol ng hinga.

Tumingin ka lang sa kanya at para bang hindi ka makapaniwala na kasama mo ang bias mo ngayon.

" So what's your name? " tanong niya.

Tumingin ka lang sa kanya at nangunot ang noo.

 " Hello? " sabi pa niya at iwinave ang kamay niya sa harap ng mukha mo.

" Uhm-- I'm Y-yanna Kim " nauutal mong sabi

Ngumiti siya ng malawak at hinawakan ang magkabilang balikat mo na siya namang ikinagulat mo.

"So you're the one I was looking for. " sambit niya.

" Huh? M--Me? " Hindi mo makapaniwalang sabi sabay turo sa iyong sarili.

__________

Bitin! next time na lang po yung iba. :)

Salamat po sa mga readers nito thank you very much po. :)


Her Better Half (I am Oh Sehun's Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon