Chapter One

1.7K 54 1
                                    

Yanna's POV

'' Hay buhay! '' sabi mo habang nag-iinat.

Kasalukuyan kang nanunuod ng T.V at hinihintay dumating ang asawa mo. Patuloy ka lang sa panonood ng T.V ng makarinig ka ng ingay mula sa gate.

'' Siya na siguro yun. '' pinatay mo na ang T.V at nahiga na sa sofa.

Nakarinig ka pa ng ilang kaluskos at mga kalabog sa labas ng bahay nyo pero nagpatuloy ka na lang sa paghiga. Maya maya pa ay nawala ang ingay.

" Goodnight Sehun " bulong mo at pumikit na.

Ilang sandali pa ay nakaramdam ka ng isang pigura sa iyong harapan.

" Gising ka pa ba? " malumanay na sabi ni Sehun.

Alam mong lasing siya dahil sa malakas na amoy ng alak na nanggagaling sa kanya. Napakapit ng mahigpit sa iyong unan. Ayaw mong malaman niya na gising ka pa dahil maaaring saktan ka niya.

" Gising ka pa ba? " pag-uulit niya.

Nanigas ang iyong katawan ng maramdaman mong hinawakan niya ang iyong mukha. Nanatili kang nakapikit at nagkukunwaring natutulog dahil sa takot sa gagawin niya sa iyo.

" You ruined my life! " sigaw niya.

Napahigpit ang hawak niya sa iyong mukha ngunit panay parin ang pagkukunwari mong natutulog. Ininda mo na lamang ang sakit.

" Kung hindi dahil sayo hindi dapat miserable ang buhay ko! " bulyaw nito.

Nasaktan ka sa mga katagang sinabi niya, kahit na paulit-ulit niya itong sabihin sa iyo ay patuloy ka paring nasasaktan tuwing naririnig ito.

' I'm sorry Sehun, Hindi ko rin ginusto ito. '

" Gising ka pa pala! " sigaw ni sehun.

Nanginig ang iyong buong katawan takot na takot ka tuwing siya ay nalalasing dahil siya ay nagiging bayolente. Patuloy sa pagtulo ang iyong mga luha at nararamdaman mo ang pagnginig ng iyong mga palad.

" Matulog ka na. " walang buhay na sabi niya.

Napahinga ka ng malalim ng marinig mo ang pagbukas at pagsara ng kanyang kwarto. Laking pasasalamat mo na hindi ka niya sinaktan ngayong gabi. Natulog ka nang muli sa sofa na nagsisilbi mong kama sa isang taon ng pagsasama niyo ni Sehun.

" Happy Wedding Anniversary Sehun.. " bulong mo at natulog na.

______

That's it pancit! lame po ba?

hope you like it po.. :)

comment po kayo if you want :)

vote din po kayo kapag nagustuhan


Her Better Half (I am Oh Sehun's Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon