Chapter Eight

915 28 5
                                    

Sehun's POV

Mahimbing na natutulog si Yanna sa kwarto ko. Tahimik ko siyang pinagmamasdan. Ngayon ko lang napansin na malaki na ang ipinayat niya magmula noong pumunta kami dito.

Masaya ako na nakatulog siya ng mahimbing dahil alam kong pagod at nasasaktan siya ngayon.

~flashback~

Kakalabas ko lang sa elevator ng makita ko si Yanna sa tapat ng pinto ng kapatid nya.

'Bat di pa sya pumasok?'

Lumapit ako para sana tawagin siya ng may narinig ako.

" Simula nung pinakasalan niya yung anak ng lalaking sumira ng kompanya ko. " singhal ng isang lalaki.

Mukha namang nagulat si Yanna. Nagsimula ng maiyak siya at napaluhod.

" P-pero hindi parin tama na kalimutan mo na lang si Yanna anak mo parin siya. " sabi ni Joy.

"Sinira ng lalaking yun ang reputasyon namin ng iyong ina at hanggat dala-dala niya ang pangalan ng lalaking iyon ay hindi ko siya matatanggap. " sagot nung lalaki. Sigurado akong iyon ang ama ni Sehun.

'Ako ba ang tinutukoy ng ama niya? pero paano ko sisirain eh hindi pa naman kami nagkikita kahit kailan? Si papa kaya?'

"Pa? hindi ka ba naaawa kay Yanna?" tanong ni joy.

"Hindi ko siya kilala." Malamig na sagot ng kanyang ama.

Tuluyan nang lumuha si Yanna at hindi ko na kayang makita siyang nagkakaganyan kaya hinila ko na siya papunta sa labas.

~end of flashback~

Nakokonsensya ako sa pagpapahirap ko sa kanya para lang makipaghiwalay na siya sakin. Ganito na pala ang dinadanas niya simula noong ikasal kami. Itinakwil na siya ng sarili niyang magulang at umiwas na siya sa mga kaibigan niya para lang hindi nila malaman na napangasawa niya ako. Mag isa lang siya lagi sa bahay.

'Bakit Yanna? Bakit ka nagtitiis ng ganito?'

Hinawi ko ang buhok niya at hinalikan ang kanyang noo

' babawi ako sayo Yanna. Hindi ko na hahayaang umiyak ka pa. '

Yanna's POV

Iminulat mo ang iyong mga mata at nakita mo si Sehun na nakatingin sayo.

"Se-sehun?" sabi mo.

Nakatingin lang siya sayo at hindi sumasagot.

" Bakit? " tanong mo.

Inilapit niya ang mukha niya sayo kaya napaatras ka. Lumapit pa siya lalo at niyakap ka.

Hindi ka makagalaw.

"Sorry." sabi niya.

Nangunot ang iyong noo.

" Ok na ako Sehun. Hindi ka na dapat mag sorry. " sabi mo at ngumiti.

Nananatiling nakayakap parin sayo si Sehun.

" Sorry sa pagiging iresponsableng asawa." sabi niya at tinignan ka ng may sinsero sa kanyang mga mata.

"Babawi ako sayo." sabi nito.

Nakatingin ka lang sa kanya at hindi alam ang sasabihin.

*kruggg.* tunog ng iyong tiyan.

Namula ang iyong pisngi dahil sa pagtunong ng iyong tiyan.

Ngumiti naman si Sehun at tumayo.

"Magbihis ka, Sa labas na tayo kumain." Sabi nito at lumabas.

Nakatulala ka lang ng ilang segundo ngunit agad ka namang kumilos ng matauhan ka.

Lumabas ka ng kwarto ni Sehun at nagtungo sa banyo.

Pagkatapos mong magayos ay lumabas kana. Nakita mong nanunuod si Sehun sa sala.

" Ok ka na? " tanong ni Sehun.

tumango ka at tumayo naman siya at pinatay ang T.V.

Sabay kayong lumabas ng bahay niyo at pinagbuksan ka ng pinto ng sasakyan ni Sehun.

Agad ka namang pumasok.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya.

"Kahit saan " sabi mo.

_________

hi! buhay ulet ako! sorry kung pinag intay ko kayo.. may nababasa pa ba neto? hihi. bawi ako sa inyo promise!

-Aeko10

Her Better Half (I am Oh Sehun's Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon