"Pre, Ang love.."

39 0 0
                                    

"Uy pre, balita ko kayo na daw ni Loraine ah?" ang seryosong tanong sakin ng bestfriend kong si Pao.

"Alalay ko lang yun. One year palang kameng nagkakakilala. Tapos kame? Wow pre. Kaibigan ko lang yun." sagot ko naman.

"Eh san pa ba mapupunta yan?" tanong sakin habang nakangisi na parang aso.

"Alam mo kase pre, ang mga babae. Parang pilipinas, mga perlas yan na hindi basta basta nakukuha. Kailangan mo ng authorization at paghihirapan mo." Sagot ko naman kay pao na parang nangbwibwiset talaga.

"Ewan ko sayo, basta balitaan mo nalang ako kapag na *dyug dyug* mo na. Ge, una na ko!" paalam ni pao nagmamadaling umalis.

Uy, ako nga pala si Gab. Gabriel first name ko pero Gab tawag nila sakin. Mas madali daw kase. Masyadong mabait yung Gabriel na hindi bagay sakin na may pagka "bad boy" look.

Ako man, alam ko sa sarili ko na may pleasing personality ako which is kinakailangan sa napili kong course- Nag-aaral ako sa isang State university sa Manila, 1st year.

Manila life nga naman oh! Yung kinalakihan kong buhay sa probinsya namen, unti-unting nagbago.

Sa Manila ko nakita ang totoong definition ng buhay. Dito nga naman kase, sibilisado. And dito din nagsimula ang NAPAKA-GANDARA PARK kong paglalakbay sa planeta ng tralala.

"Uy pre! Andito ka padin" Si pao na naman.

Bestfriend ko si pao since highschool, kasama ko siya sa paglipat dito sa Manila. Highschool palang kame chickboy, Matinik sa chicks, Malantod na ang bestfriend ko. Ewan ko ba dito?! Di makuntento sa isa!

"San ka na naman galing pao? Hinahanap ka ni Nica sakin kanina, nangako ka na naman sa babae!" pasigaw ko na sabi sakanya.

"Ewan ko sakan...." ang hindi natapos na sentence ni pao dahil dumating na si Nica.

"Deputa ka! Pinaghintay mo ko sa Cafeteria ng ilang oras tapos andito kalang pala sa ground." Sigaw ni Nica na galit na galit sa boyfriend niya.. Actually, boyfriend NILA.

Ilang beses ko nading sinabihan si Nica. Pero wala eh, pagmahal mo. Mahal mo. (Ew!) Magpakatanga ka dyan! Magsyotang to. Dinadamay ako sa kabaklaan nila..

"Hoy! Gab" May tumawag sa pangalan ko habang inaawat ko si Nica at Pao sa pagtatalo.

"Hi Raine" Uy! Si Raine, osvejkdjejejdh!!!! Ang babaeng nagpatibok ng pu... Pu... Pu... Puso ko! (Ang corny naman po)

At ang nagtatalong magsyota ay ako na ang napagtripan. Edi wow!

"Ayie! Sabe ko na kayo na eh." Tukso samin ni Pao at Nica.

"Uy manahimik nga kayo, may ibang gusto yan si Gab" sagot ni raine habang nakangiti.

Ang ganda talaga ng ngiti niya.. Sobrang ganda.. Parang ako! Char!

"Uy raine, tara na. Baka malate na naman tayo." Ang aya ko sakanya.

Nagmamahal, BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon