"Siya na talaga"

24 0 0
                                    

(Pao POV)

"Mag usap muna tayo, wag kang basta basta magdedesisyon."

"Kase pao, grabe ka na eh. Bakit kaba ganyan? Unang una, binigay ko sayo pagmamahal pero lagi mong binabalewala. Hanggang kelan ka magkakaganyan? Siguro, kailangan muna naten ng panahon para makapag-isip. Ayoko na pao, tama na."

Mga huling salita sakin ni Nica. Kasalanan ko inaamin ko. Ang tarantado ko. Kung kelan wala na....

"Kung ayan ang gusto mo... Ibibigay ko pero kung sakaling may chance pa.. Alam ko babalik ka. Sorry..."

Umalis siya ng may kirot sa puso naming dalawa. Bakit ba ako ganito? Yung babaeng pinangarap ko dati, napasaakin pero di ko iningatan...

#%#%#%#%#%#%#%

"Uy pao, bakit malungkot ka? Asan si nica? Di kayo sabay?" Si raine! nag aalinlangan niyang tanong.

"Raine, wala na kame." sagot ko sakanya na naluluha na.

Ang hirap, parang ang bading para sa akin kapag nakikita kang umiyak ng isang babae.

"Sige, iiyak mo na yan! Alam ko masakit. Alam ko yung feeling."

Nagulat ako sa sagot ni Raine sakin. Ha? Paano? Sa taon naming magkakilala, wala naman siyang naikwento na may naging boyfriend siya or what?!

"Alam mo kase, yung pag iyak.. Hindi naman nagpapakita ng kahinaan, may mga bagay lang talaga na hindi na kinakaya kaya pinipili na ilabas gamit ang luha."

Nagugulat talaga ako sa mga sinasabi ni Raine. Hindi ako makapaniwala. Sa katulad niyang masiyahin, may poot din palang nararamdaman.

"Ako nga Pao, nginingiti ko nalang yung mga bagay na nagpapaluha sakin. Ayoko kaseng malungkot."

"Uy andiyan na pala kayo, tara na Pao. Anong oras na din." ang aya sakin ni Gab.

"Hatid na muna natin si Raine. Wala siyang kasabay! Nauna na si Nica."

"Hayaan mo na yan. Malaki na yan, kaya na nya yan."

"Sige pao, kaya ko na mag-isa. Ingat kayo."

Di ko talaga maintindihan to si Gab eh. Hindi niya ba pansin? May gusto kaya si Raine! Ang tagal na nyan Gab oh. Ganyan kaba kamanhid o ayaw mo lang talaga? Alam kong si Gab yung pinanghuhugatan ng mga sinabi ni Raine.

"Sige Raine, ingat ka din ah. MERON na naman ang boyfriend mo eh."

#%#%#%#%#%#%

"Ikaw talagang mokong ka. Napaka gentle dog mo din eh noh?"

"Hayaan mo na yun pao. Sanay na yun sakin."

Parehas lang tayo Gab eh. Parehas lang nating sinasaktan babaeng nagmamahal satin. Ang magkaiba nga lang. Ako alam ko, eh ikaw? Hindi mo inaalam o ayaw mong alamin?"

"Sa tabi lang manong."

Dumating na kami ni Gab sa dorm. Hanggang ngayon, iniisip ko padin nangyari samin ni Nica. Ang lalim ng iniisip ko. Hindi ako mapakali.

Tatawagan ko ba o tatawagan? Baka lalo lang magalit at layuan ako eh. Sige, kailangan talaga namin ng oras. It takes time.

Dahil sa hindi ako mapakali, pinili ko nalang na alalahanin mga magagandang pangyayari samin ni Nica.

Di ko talaga makakalimutan nung unang beses ko siyang makita. Nabighani talaga ko. Walang biro. Yung nasabi mong.. "Siya na, Siya na talaga."

Nagmamahal, BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon