"Di tayo talo."

35 0 0
                                    

(Raine POV)

"R I N G G G G G"

Ang maingay na bell. Ewan ko ba kung bakit lagi akong nalalate kapag kasama ko tong si Gab. Para bang bumabagal ang oras ko.

Matagal na akong may gusto kay Gab. Hindi ko nga alam kung bakit unang kita ko palang sakanya.. (HOY! Walang ganun. Walang instant love noh!!!)

"Ewan ko ba dyan kay Nica. Alam na nga nyang loko loko bestfriend ko, di parin magawang iwan." Ang sabi sa akin ni Gab habang palakad papuntang room.

Late na naman kame! Paano ba kaseng 5th floor ang classroom. Hindi makatarungan to eh. Pagpasok mo sa room, mandirigma ka na sa sobrang pawis.

"Ang dami mong sinasabe, tara na nga!" Ang aya ko sakanya habang nakataas ang kilay dahil sa sobrang hingal.

"Owww, ang magjowa na palaging late! Saan na naman kayo nanggaling?" Si Mrs.Gamboa. Statistics teacher namen!

"Sorry ma'am we're late." Ang sagot ni Gab.

"Napakabagal kase kumilos! Alam ng may klase saan saan pa nagpupunta." Bulong ko sakanya.

"Edi wag ka mo na kong sabayan!!!" Nakakunot ang noo habang sinasabe ni Gab sa akin.

Eh paano kita iiwan? Hindi ko kaya. Gusto kita!

"Umupo na kayo! Mamaya na kayo maglandian ulit." Ang sabi ni Mrs.Gamboa

Kung alam lang ni Ma'am kung anong hirap ko sa lalaking to! Di ko talaga alam bakit nagustuhan ko si Gab eh.

Napaka bad boy. Bakit ba ako na-attract sa makakapal nitong kilay, Sa one side nyang buhok, sa kayumangging kulay, sa ilong niya na parang Eiffel Tower. Ayy osige Gab! Ikaw na! Diba pwedeng Tayo na?

Summation ang topic namen sa Statistics. Sobrang nakakahikayat magturo si Ma'am. Hindi ako inaantok.

"Mr.Salanga" ang tawag ni Ma'am kay Gab sa last name nito.

Tumayo na ang bebe ko. Para sumagot sa board. Aba! Ang galing talaga. Isa lang ang pinapasagutan, dalawa ang ginawa!!!

"Perfect! Proud girlfriend si Ms.Galang" Ang nakakagulat na sabi ni Ma'am habang nakangisi sa akin.

Perfect talaga yan si Gab. Kaya nga..... Hays! Tama na ang pagpapaasa sa sarili!!!

"Pre, pa kiss!" ang biro ko kay Gab habang pabalik sa akin. Seatmate kame! Buti pa upuan, binabalikan.

"Manahimik ka, di tayo talo." Awwchhhhhhhhhhh!!!! Ang nakakadurog ng puso na sabi niya.

Ano bang ayaw mo sa akin Gab? Lahat naman ng pagpapaganda, ginagawa ko para mapansin mo ako. Pero bakit wala parin? Wala parin....

Upon describing myself.... Ako ang Vice President ng klase. Si Gab ang President! Oh diba, tapos laging late ang ate mo? Maganda ako, sabi ni Mama at Papa!

Isipin nyo nalang.. Maputi, makapal ang labi, at nangungusap ang mga mata ko. Kalog ako.. Sobra! Kaya nga di ko talaga maintindihan.. Bat ayaw sakin ng bebe ko. Lol!

Nagmamahal, BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon