Part 5

2K 41 0
                                    

[JULIE]

3 weeks had passed at Monday na ulit. Yeah, that Elmo gangster changed my life. Ewan ko ba pero sa lahat ng lalaki ,tiklop ako sa kanya.

Same routine. Araw-araw niya akong sinusundo sa bahay para sabay kaming pumasok tapos lunchbreak sabay din kami. Even pag-uwi, ihahatid niya ako. Ibang-iba na talaga siya compared noong una kong pagkakakilala sa kanya. In a snap, he changed my life. Maybe he's the one.

"Ma'am Julie! Si Sir Elmo sinusundo na po kayo"

"Sige po! Pakisabi bababa na po ako"

I fixed myself at saka bumaba kaagad papunta sa gate. Nakita ko siya na nakacap na naman. He really likes that kind of style.

"Good morning"

"Good morning too. Tara?"

Kinuha niya 'yung bag ko tapos pumasok na ako sa kotse niya.

"Anong meron ngayon? Parang may iba sa aura mo?" I asked him.

"Birthday ni Kris"

"Ah, so magpaparty kayo mamaya?"

"Kung papayagan mo ako?"
Tanong niya sa akin.

"Nagpapaalam ka?"

"Siyempre, baka magalit ka"
Nagulat ako sa sinabi niya.

"It's fine, huwag ka lang iinom. I don't like guys who's addicted to alcohol"

"Nope. I'm not drinking alchol"

"Good"



-

LOCKER.
Nauna na si Elmo sa may classroom at ako, ilalagay ko na 'yung mga gamit ko sa loob ng locker ko nang bigla akong lapitan ng isang lalaki.

"Oh, hi suitor. Nice to see you" Matagal-tagal din kaming hindi nagkita ni Ken and that's nice.

"Julie, can you give me another chance?"

"Nope. Sorry, I have my own life or should I say, he is my life now"

"Pinagpalit mo ako sa isang gangster?" then he smirked.

"So you know na pala. How?"

"Julie, layuan mo na siya"

"Whatever you say, Ken"

"I'm telling you Julie. ELMO, ELMO WILL SUFFER. Kung kailangan umabot na sa patayan,gagawin ko, makuha ka lang" At saka bigla akong kinabahan ng marinig ko ang mga sinabi niya.

"I know, Elmo can protect me. Elmo will protect me kaya kung ano man yang plano mo, itigil mo na dahil walang pupuntahan 'yan"

****

"Sweet love"

"Hm?"

Elmo poked my arms during our 3rd period. Katabi ko kasi siya ngayon, nakipag-exchange siya ng seat.

"Okay ka lang?" Actually Elmo, hindi. That freaking Ken scared me.

"Yup" fake ko talaga.

"Psst, sweet love. I love you"

"Ano ba Moe? Makinig ka nga, mazezero tayo mamaya sa test niyan eh"
suway ko sa kanya.

"Okay lang. Papakopyahin kita"

"Wow, matalino ka pala"

"Hindi. Papakopyahin din ako nitong katabi ko saka ipapasa ko yung sagot sayo, okay ba?"

"Akala ko ba nagbago ka na"
naiinis ako hindi sa kanya pero sa nangyari.

"Joke lang. Seryoso ka kasi masyado diyan. Isang I love you naman"

"Ayaw"

"So hindi mo ako love?"

"Hindi"

" 'Yung totoo?" Bakit ba pinanganak itong Magalona na 'to na sobrang kulit? Psh, gangster talaga. Hinarap ko siya.

"Hindi kita mahal kasi mahal na mahal na mahal kita kaya pwede ba? Tumigil ka na?" Did I just said that?

"Yes! I knew it, you love me" He said cutely.

****

"James, sabay tayo papuntang cake shop. Magpapaalam lang ako kay Moe"

Nagpunta ako sa gym kung saan sila nagprapractice ng basketball then I saw him sitting and watching his other teammates playing.

"Moe"

"Hi sweet love"

"Una na ako. Ingat ka mamaya ha?"

Lumapit siya sa akin. "Yes ma'am! Uuwi po ako ng maaga"

"Good, uhm Moe, balik ka bukas ha?"

"Ha? Saan ba ako pupun-"

I kissed him on his the lips. I don't know, pero ayokong humiwalay sa kanya ngayong araw.

"Babalik naman talaga ako. Don't worry. Sasagutin mo pa ako 'di ba? Sige na, ingat kayo sa pag-uwi"

"I love you"

"I love you too"

HE IS A GANGSTER: (JulieElmo: COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon