[JULIE]
"Magpapaligaw ka naman?"
"OMG no! Maq, tigilan mo nga ako. Nagfreafreak-out na ako"
After that conversation with that Elmo guy, tumakbo na ako kaagad papunta sa cafeteria.
FLASHBACK
"JULIE ANNE KUNG MAGBABAGO BA AKO? MAY CHANCE BA NA MAGING BOYFRIEND MO AKO?"
Lumapit ako sa kanya at pinunasan 'yung mga dugong tumutulo sa mukha niya."Alam mo, kung magbabago ka? Sa tingin ko malaki ng chance mo sa akin. Bakit ka ba naging gangster? Hindi kita maintindihan. Weirdo ka talaga pero kung kaya mong magabago. Bakit hindi?" At saka tumakbo na ako paalis.
END OF FLASHBACK
"Oy bakit ka ngumingiti-ngiti diyan?"
"AKO?! Ba't ako ngingiti? Psh, uwi na nga tayo"
"Giirllllssssss!!"
Sabay-sabay kaming lumingon tapos nakita namin si Jhake na papalapit sa amin."Hi Jhake ^___^"
"Uy Jhake"
"Pwede ba akong sumabay pauwi?"
"Huh? Maglalakad ka din?"
"Oo, sige na. Gusto ko naman kayong maka bonding. Tara"
Pinagkibit-balikat na lang namin siya at saka naglakad na kami pauwi.
"Wala ba kayong lakad ng grupo mo?" Si Maq.
"Wala eh. Wala si Moe, umuwi ng maaga saka break muna"
"Bakit kasi kayo ganyan? I can't believe na hanggang ngayon nakikipag-usap kami sa mga gangster"
"Alam mo na?!"
"Oo. Elmo told me." Sinipa-sipa ko yung bottle na nasa harap ko. "Jhake, kwentuhan mo ako. 'Yung seryoso"
Hindi pa siya sumagot nung una but I think I was able to convince him.
"Okay. Okay chill. Bakit bigla kang nagpapakwento tungkol sa background ni Moe? Na-fall ka na ba kay Elmo?"
"What?! Fall ka diyan. Ikaw ihulog ko diyan eh. Seryoso na kasi! Ipapa kick-out kita!" Sabay irap ko sa kanya.
"Okay! Okay. Eto na." And then nakinig na kami kay Jhake while walking. Well, it is good to know na kahiy papaano, may malalaman kami tungkol kay Elmo. "Since elementary, childhood friend na kaming apat nila Elmo dahil sa mga family namin. Mafia ang mga dad namin"
"Ano?!" React ni Maqui.
"What? Nakakatakot naman kayo. Ayoko na ngang makibarkada sa inyo!"
Umpisa pa lang ng kwento niya, nakakatakot na. Mafia dads nila? What the hell
"Wait! I'm not done yet. Violent reactions kaagad kayo eh. Good gangsters naman kasi kami"
"Good? Eh nangholdap kayo"
"Alam mo kasi Julie, Moe has a very rich family. They owned a casino. Sina Sam naman, business partner ng daddy ni Moe and may resort, sila. Si Kris naman, may mall sila at daddy ko naman madaming bar dito at sa ibang lugar pa. Pero daddy ni Elmo, babaero kaya madalas diyan sya sa bahay nila sa cottonwoods, nag-iisa siya. Wala siyang kapatid kaya madalas, kami din ang kasama niya. 'Yung grupo namin, kilala. Siguro dahil na din sa may hitsura kami?" sabay wink niya.