Meet The Sadist and The Gangster
Adam's POV
Ako si Adam Flores. Simpleng estudyante lang na araw-araw pumapasok sa school para sa baon. Speaking of Pasukan, Pasukan na naman pala. 3rd year high school na ako. Ngayon ko na malalaman kong anong kapalaran ang nagiintay saken ngayong isang boung taon. At nakasalalay lang sa isang papel yun.
1 Message Received:
Adamson ingat ka! Magtext ka ha? Goodluck sa first day! Galingan mo ha? MAHAL KITA!! <3
Mali kayo nang iniisip na chikababes ko yun. Si Mamu. Nanay ko. Wala na sigurong mas su-sweet pa sakanya. Hay, Kaya nga sobrang mahal na mahal ko siya eh. Kami lang magkasamang dalawa sa inuupahan naming apartment. Pero kahit ganon, Ayos lang. Masaya. Yung tatay ko? Ewan. Sabi ni Mamu, nagpaalam lang bumili ng kropek sa labas hindi na nakabalik. Siguro nahulog sa Septic Tank.
Ayun. May naguumpukang tao. Nandun na siguro yung listahan ng mga sections na assigned samen. Nakisilip ako.
*Hanap-hanap-Hanap*
3. De Saya, Andres K. ' Weh? Classmate ko si Cesar Montano?'
4. Filumino, Kenta Ky O.' Sino ba to? Kay bantot ng pangalan'
5. Flores, Adam James S.' Ako to. Yung bida. Yung Gwapo.'
6. Gasumpong, Paulito I.'Isa pa to. Pabahoan ba ng pangalan dito?'
7. Hadukin, Harry Joseph S.'Bestfriend ko. Pangalawa sa Gwapo.'
Ayos. Nasa star-section parin ako. Sana nandun si..
"YESSS!" Napasigaw tuloy ako. Nagsilayuan yung mga tao. Natakot siguro sakin. Sikat ako sa school bilang "Hero". Tsk. Porke ba kamukha ko si Clark Kenson?
"Naku, Sana hindi ko maging classmate yang delikwente." - Taongbayan#1
"Oo nga. Nakakatakot." - Taongbayan#2
"Gaga. Hindi mo talaga yan magiging classmate kasi nasa lower section ka." - Tagapagligatas#1
"You're so mean." - Taongbayan#1
"Pero cute siya noh?" - Sipsip#4
Hay nako. Sana naman hindi nila pinaparinig saken yun usapan nila. Pero gusto ko lang sabihin na hindi ako 'cute'. Hindi ako tuta, keychain at si hello kitty para maging cute. Gwapo ako. G-W-A-P-O. Balik sa usapan, Classmate ko na nga si...
"Mukhang magkaka-classmate na naman tayo ah."
Yan si Harry Hadukin. *pigil-tawa* He-he-he *pigil-tawa-ulet* Oo, pangatlo siya sa mababantot na last name na nakilala ko sa boung buhay ko. Pero dahil sa may nabasa ako kanina na Kenta Ky Filumino at Paulito Gasumpong -- bumaba na siya sa Rank#5.
"Uy si Harry oh! Ang gwapo niya talaga! Eeeek!" - Extra#1
"Sobra! EEEEK!" - Extra#2
"Classmate ko ulet siya. YESSSSS!" - Extra#3
Bigla akong napalingon dun sa extra na nagsabing'classmate ko ulet siya. NO!' Si Chubby World. Ay si Betty pala. Classmate ko na naman pala ulet din siya. Konti lang pala samen yung natanggal sa star-section. Pero may mga dumagdag din..
"Oy girl, nakita mo yun? Tinignan ka nung gangster?" - Extra#2
"Yeah I know, Crush ako nyan eh. Kaya nga siya napa-Yes kasi as I know tuwang-tuwa syang maging classmate ulet ako." - Betty
BINABASA MO ANG
My Crush's Best Friend
HumorLearn from Pixel Rain what are the right moves and grooves to get your crush attention. Hooray!