Thunders
Adam's POV
Nung nalaman ko yung sikreto ni Pixel akala ko hindi na ako sisikatan pa ng ngiti ni Smile. Buti nalang talaga may tumawag sakanya. Syempre pagkakataon ko nay un para sumibat. I’m free! Pero syempre ang sakit nung sipa na ginawa nya noh. Nagkapasa pa nga eh. =(
Hindi parin pala ligtas yung kagwapuhan ko, Classmate ko nga pala si Pixel the Sadist. Putek lang. Pero sinuswerte pala talaga ako kasi ni hindi man lang niya ako kinanti. Anong problema nun? Pero sabagay dapat magpa-pyesta pa nga ako.
Mukhang binaon na niya talga sa limot yun. Yes.
“Ok. Simula na ng reporting bukas. Class you may go.”
Breaktime na. Lalabas na ako ng pinto pero nakasabay ko Pixel. Tinignan niya ako. Tinignan niya ako’t ginilitan ng leeg. Woaah! Pero syempre tinignan lang pala niya ako. Siguro talaga hindi na niya ako reresbakan. Yes squared.
Natapos ang klase na parang wala lang naman. Puro Introduction palang kasi ng mga teacher sa mga rules etc. etc nila. Nakakabagot.
“Class dismissed.”
“Dam, Tara na!” – Harry
“Sige mauna kana umuwi.” Tutulungan ko pa kasi ‘tong si Thunders eh. Teacher namin, dadalhin ko yung gamit niya sa faculty. Hindi ako sipsip. Gentleman lang. *wink*
Pagbalik ko ng classroom, malamang wala ng tao. Wala naman din masyadong kalat pero sobrang gulo ng mga upuan. At syempre mabait ako at ako muna magiging cleaner ngayong araw. Hindi pa pala kame na aasigned.
Inumpisahan ko na i-align yung mga upuan nung may nakita akong papel na nakatupi. Malamang kalat lang yun. Hindi ko nalang papansinin (Wag mong deadmahin. Baka gusto mong ma-dead.) Tsk. Pero kukunin ko daw yung papel sabi ng author. Labag sa kalooban kong dinampot at binuklat.
HOW TO GET YOUR CRUSH ATTENTION
Aba. Aba. Aba. Kanino naman kaya to? Masyado naman siyang obsessed sa crush niya at humanap pa talaga ng tips sa internet. Pano ko nalaman sa internet? Color blue yung font at nakaunderline pa oh. Tsk. Pwede ba ‘tong ma-click?
Sinusubukan kong iclick yung text na nakahyperlink nung biglang bumukas yung pinto ng sobrang lakas at yung hawak kong papel eh wala na. Hinablot nalang kasi bigla nitong si Pixel eh. Ngek. Kay Pixel yun? (Malamang Adam, Wag kang idiot.)
Pero mas nakakagulat nung bigla niya akong gamitan ng powers.
“Avada kedavra!” Siraulo nato. Malala. Severe. Hindi na pwedeng gamutin. Tinignan ko siya ng tingin na nagsasabing mukha-kang-tanga-sa-ginagawa-mo-look.
“Bat di ka pa namatay! ‘Bat di ka pa namatay? Bat di ka pa namatay!!!” Syempre siya si Pixel Rain kaya sinasambunutan niya ko habang sinasabi niya yun. Aray ha!
“Pano kong mamamatay eh wala ka namang gamit na wand?!” Tumigil siya sa pangha-harass sa buhok ko.
“Oo nga noh.”
Tinuro lang niya kasi yung Index finger niya saken nung sinasabi niya yung killing curse sa Harry Potter. Bobita.
“Sayo pala yan.” Sayo pala yang papel na puro kakornihan.
“H-Hindi saken to noh!” Nagsinungaling pa si Bellatrix Lestrange eh halata naman.
Tumalikod na siya at lumakad na palayo.
“Tutulungan na lang kita.”
“Hano?!” Tumingin sya saken.
“Hindi ka pa pala sumusuko kaya tutulungan na lang kita.”
“Hano?”
“Slow kaba? Sabi ko po tutulungan na lang kita, para naman mapansin ka ni ---.” Bigla niya kong binatukan.
“Hindi ako slow gangster boy. At bat naman ako hihingi ng tulong sayo? Di tayo close noh.” Gangster boy? Amp.
“Hindi ka naghihingi. Ako yung nagaalok ng tulong. Tsaka hindi nga tayo close pero close ko naman si Harry. Bestfriend ko siya kaya syempre----.” Hindi na naman niya ko pinatapos magsalita, bigla niya kasi nilagay sa mukha ko yung papel. At nagsimula ng lumakad palayo.
“Huy! Aanhin ko ‘to?!!”
“Pagaralan mo yan! Tutulungan mo pa ako.”
Hindi naman siguro masama ang tumulong sa nangangailangan eh. Isa pa masyado siyang inlove sa bestfriend ko. At isa pa, yung tingin nya kaninang lunch break saken eh nakakaguilty. At isa pa, bayad ko na to sa pagiging chismoso nung araw nay un. Powtek. Bat ba masyado akong nagiging defensive?(Sinong kausap mo?)
BINABASA MO ANG
My Crush's Best Friend
HumorLearn from Pixel Rain what are the right moves and grooves to get your crush attention. Hooray!