Stolen Shot
“Ano yung plano ngayong araw?” Yan kagad yung sinabi ni Pixel pagkadating na pagkadating ko sa room. Masyadong naman ‘tong excited.
“Say Backpack.” Sabi ko.
“Hanooo?!” Bingi ba ‘to o ano?
“Say Backpack. Englishera ka pero di mo alam ibig sabihin nun o sadyang bingi ka lang?”
“I clearly hear what your saying moron.”
“Eh yun naman pala eh. Edi sabihin mo na para matapos na tayo.”
“Psh. Why would I need to say such thing?!!!!” Ayan na. Naghy-hysterical na siya. Sabi ko nga eh. Bubuksan ko na ‘tong si backpack kukunin ko na yung how to get your blah.blah.blah
“Backpack.”
“Ano?”
“Tanga sabi ko backpack! Ayan! Sinabi ko na!”
“Ulit.”
“Backpack.”
“Ang hina. Lakasan mo.” Binigyan nya ko ng matalim na tingin. Aray! Nahiwa ako. (Weh? Patawa.)
“Backpack! Grrrrr!” Hala mukha na siyang mangangain ng buhay. Eh bubukasan ko naman talaga ‘tong Backpack ko kahit hindi niya pa sabihin yun. May pagkauto-uto rin pala siya. Kukunin ko na nga yung mahiwagang papel dito sa baul ko. Pero dahil sinabing niya yung mahiwagang word na backpack..
Kakanta na si Backpack: “I’m the backpack loaded up with things and knick knacks too. Everything that you—“
“Shut up faggot!” Bigla niyang hinablot yung bag ko.
“Huy! Akin na!” Ngumiti muna siya bago niya ibuhos yung laman ng bag ko. Syete. Nagkalat na tuloy yung gamit ko sa sahig.
“Ayan. Mas madali mo nang mahahanap.” Dali-dali ko naming pinulot yung mga gamit ko. Buset talaga ‘tong babaeng ‘to. Buti nalang wala pa yung mga classmate namen kundi nakita na nila yung eksena na kina-kaya-kaya lang ako ng isang babae. Oo, babae parin naman siya. Maarteng-basagulerang Babae.
“Si Smile ba ‘to?”
>:D
Nalintekan na. Nakita niya yung picture na pinakatago-tago ko mula 1st year high school. Stolen shot pa yun habang nagche-chering si Smile.
“Mwahahahaha! Epic ‘to!” Evil laugh yan.
“Akin nayan!”
“Panahon pa ‘to ni Rizal ah!” Tumalikod siya para hindi ko maagaw.
“Huy, pakialam mo ba akin na kasi!” Nung susung gaban ko na siya biglang tumakbo.
“Bat ganto? Pinagnanasaan mo si Smile! Isusumbong kita! Hahahaah! Yari ka!” Ang sama niya.
“Subukan mo lang! Ipagkakalat ko din yung iyo!” Akala niya magpapatalo ako ah.
“I don’t hella care Brainless!” Tsk. Di tumalab.
“Akin nayan tae ka!”
“Kunin mo freak kung kaya mo!! Hahahaha!” Ayan nagtatakbuhan na kame. Ang hirap tumakbo sa maliit na space. Badtrip. Nagugulo na tuloy namen yung mga upuan na inayos ko kahapon.
-______-
“Akin na sabi!” Wag nyong isipin na weak ako’t hindi ko makuha yung picture. Magaling lang talaga siyang magdefense.
“Ano yan?!” Sa lahat ng dadating e si Smile pa. Kinabahan ako bigla. Mabubunyag na yung sikreto ko. Anak ng. baka mailang na siya sakin. Anak ng.
“Wala ‘to. Listahan lang ng mga utang niya.” Sabay nguso saken.
Buti na lang hindi niiya sinabi.
Pero lintek naman bakit yun pa yung sinabi niya? Asar. Pinapahiya pa ako eh.
“Bakit parang picture naman yan?” – ^__________________^
O.O
O.O
A/N: Hello mga readers! Feedback naman po oh? Pleaseee?! Yung may magandang ico-comment may idedecate ako sayong chappy. =) Yung Chapter3-Stolen Shot eh non-sense at konti lang hindi halata pero pinagisipan ko talaga yan. Swear! Kaya sana Magvote ka. =))) Ang haba ng inapdate ko! Hooray! Next week na yung susunod na chap. Ciao!
Kicks&Punches,
TheGirlWhoLived
BINABASA MO ANG
My Crush's Best Friend
HumorLearn from Pixel Rain what are the right moves and grooves to get your crush attention. Hooray!