Hot?!

39 7 0
                                    

I froze sakto pagdikit ng labi niya sakin. Pero agad akong nakabawi at tinulak siya ng buong pwersa. Nginisihan niya lang ako.

Tinuro ko lang siya at di makapagsalita. Lumapit uli siya at di ko alam kung saan ako pupunta. Kapag tumakbo ako,iisipin niya na talagang may pakay ako sa kanila. Pero kapag nagstay naman ako dito,delikado din!

"Sir! First kiss ko yun!" Nautal pa ako bago ko natuloy ang dapat kong sabihin. 

"Sir! Alam mo bang pwede kitang idemanda sa ginagawa mong yan!?" sabi ko sa kaniya pero lalo lang siyang ngumisi sakin. The guts of this guy.

"I don't care." sabi niya. Bago pa siya lumapit, iniharang ko ang dalawang kamay ko sa pagitan namin. Tapos sumimangot ako.

"Sir, hindi ako matatakot na isumbong ka." sabi ko at hindi ko naman siya maitulak dahil baka masisante agad ako at masira ang misyon namin.

"Are you sure you don't want something....from us? Like some information?" sabi niya.

"Oo naman sir. Grabe naman kayo magisip eh." sabi ko at nawala sa isip ko na may mga natutulog pala kaya nanahimik ako bigla.

"If you say so..." sabi niya at lumayo na sakin, as if alam niya na may darating, at meron nga. Naglakad na siya paalis at di na ako tinapunan ng kahit isang tingin.

"What's that?" narinig kong sabi ni Parker. Mukhang narinig nila kami. Nakasalubong pa nila si Seraphim pero parang wala lang siyang naglakad at di pinansin ang mga kasama niya. Nakita kong nakasunod si Jash at Kyler kay Parker, na pareho pang nakapikit at di maidilat ang mga mata. Si Spade naman at nagdiretso sa kusina at uminom mg tubig.

"Is everything alright here Jane?" tanong sakin ni Kyler at naghikab pa.

"Opo sir. Nagutom lang po ako. Excuse me po. Matutulog na po ako." sabi ko at umalis na. Narinig ko pa ang paguusap nila na parang mga nagtataka kung bakit galing din doon si Seraphim pero nagdirediretso na ako sa may kwarto namin dito sa baba. Pero nahinto ako ng makita kung sino ang nandoon.

"Ano nanaman?!" sabi ko ng pasigaw na pabulong para di kami makarinig. Nakasandal siya sa may pader malapit sa pintuan namin. Ayoko namang pumasok at baka ano pang gawin sakin nito. Medyo madilim dito kaya hindi kami makikita. Lumapit siya bigla sakin at isinandal sa kabilang pader, yung katapat ng pintuan namin.

Kumunot ang noo ko sa sakit ng impact ng pagkasandal sakin. Pilit kong hindi pinahalata pero malakas talaga pakiramdam ng isang to. Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Xiel, right?" sabi niya na ikinatigil ko. Hindi dapat ako magpahalata. I remained looking like clueless, pero bumilis ng kaunti ang tibok ng puso ko.

"A-anong sinasabi mo sir?" sabi ko at umiwas ng tingin. Wrong move. Narinig ko pa ang pagngisi niya at pilit niyang hinuhuli ang mga mata ko na tumingin sa kaniya.

"Why did you stutter? I know everything about you..."bulong niya at lalo akong natense. Alam kong naramdaman niya ang pagtigil ko pero agad ko siyang hiniklat sa braso at iniikot. Siya ngayon ang nakasandal sa pader habang ang isang braso ko ay nakaharang sa leeg niya na akmang sasakalin at ang isang kamay ko ay nakahawak sa isang braso niya. Pero he remained calm, na ikinagulat ko.

"You're just proving that I'm right. Alam ko lahat ng plano mo. Black Xiel Zhane Chavron. Heiress of the mafia group 'Black Diamond'." Inisa isa lang niya ang mga impormasyon na alam niya tungkol saakin na para bang wala lang ang mga iyon. Tumalim lalo ang tingin ko sa kaniya.

"Anytime, I can tell them what you're planning to do. And anytime, I can kill you." Doon ako kinabahan lalo. Kilala nga niya talaga ako. Lalo kong idiniin ang pagkakaharang ng braso ko sa leeg niya. Pero parang wala lang talaga sa kaniya. Gusto ko na siyang sigawan pero ayokong may makarinig samin hanggat maaari.

Bloody Love [MAJOR EDITING] Where stories live. Discover now