The Meeting

33 7 0
                                    

Naghahanda ang lima para kung sakaling kalaban pala ang naghahanap sa kanila.

Pagbukas ni Spade ng pinto,napataas siya ng kilay ng makitang babae ang nasa harap ng pinto.

"Goodmorning Sir."sabi nito sabay bow.Nagtaka naman ang lima kung bakit may babae dito.

"Goodmorning Sir!"sabi naman ng isa pa.Lalaki naman.

"Anong....Kailangan niyo?"sabi ni Rayle na nagtataka.Hindi nila inaasahan na sila ang madadatnan sa may pintuan.

"Magaapply po sana kami.Kasi po kulang daw kayo ng tauhan?May nagrekomenda lang po." sabi ng babae.Napatango naman si Phim.

"Hindi ko matandaan na naghahanap kami....Pero sige kulang din naman ang mga tauhan namin eh.." tapos pinapasok na sila ni Rayle at ininterview. Agad naman silang nakuha at inasign. Ang babae ay personal maid ng lima. Ang lalaki naman ay hardinero. Napangiti na lamang ang dalawa. Sa loob ng ngiting ito ay ang plano na pagmamanman sa grupo. Nagtagumpay sila kahit hindi nakuhang driver si Ciel. Okay na din dahil makakasama naman nila ito araw araw.

"Babae anong pangalan mo?" sabi ni Jash na interesadong nakatingin kay Xiel. Napailing na lamang si Parker dahil parang pati maid ay papatulan nitong si Jash. Nagaabang naman ng sagot si Rayle at Phim. Si Spade ay poker face lamang. Nagtataka din naman sila dahil mukhang mayaman ang babae,napakaganda nito,pero nagaapply bilang katulong sa kanila.

"Ako po si Jane Sanchez."

"Ako naman po si Jay Torez." sagot nilang dalawa. Pinalitan nila ang kanilang mga pangalan para hindi sila makilala o mahanapan ng kahit anong impormasyon.

"Okay!Jane,kukunin ko lang ang uniporme mo!" sabi ni Jash at tumakbo papuntang kwarto niya. Naiiling na lamang ang kaniyang mga kaibigan dahil alam na nila kung saan ito patungo. Nagtaka naman ang babae dahil may uniporme pa pala.

Paglabas ni Jash ay dala nito ang isang maid outfit na para bang ang mga sinusuot ng mga maid sa anime. Naisip agad ito ni Xiel dahil isa din siyang otaku. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa nakita. Hindi naman ito masyadong revealing pero maikli ito para sa kaniya. Binigay na ito sa kaniya ni Jash at excited na tinulak siya sa may pintuan. Pagbukas ay isang kwarto na may double deck na kama. Napagalaman niyang ito ang kwarto nila. Nagbihis na siya dahil wala naman siyang magagawa kundi sundin ito.

Pagharap niya sa salamin ay namula agad siya. Mukha siyang anime character sa ngayon na maiksi ang suot. Black and white ito at 3 inches above the knee. Kitang kita ang mahaba at mapuputi niyang binti. Ayaw niyang pinapakita ito sa iba pero wala siyang magagawa. Itinali na niya sa kaniyang ulo ang headress at inilugay ang buhok niyang mahaba. Lalo siyang pumuti sa kaniyang suot ngayon. May kumatok at bigla din itong bumukas.

"Isuot mo din yan!" sabi ng nagsalita at nakita niya ang isang pares ng high socks at doll shoes na black.

Sinuot na niya at isa lang ang naisip niya.

'Mukha akong anime!Cool..' sabi niya sabay ikot tapos hatak pababa ng palda. Pero hindi ito humaba. Napabuntong hininga na lang siya.

Lumabas na siya at napanganga silang lahat bukod kay Spade na medyo namumula lamang ang tenga at pisngi habang nakatingin sa kaniya pero nagiwas din agad ito ng tingin.

"Perfect!"sigaw ni Jash ng makarecover na. Nilapitan siya nito,sinuklay gamit ang kamay ng lalaki ang kaniyang buhok tapos ay inamoy ito.

"Pretty..." sabi nito. Kinilabutan naman siya tapos umatras. Napatawa naman ang lalaki. Nakarecover na din ang iba at medyo namumula pa. Si Ciel naman ay gustong gusto nang patulan si Jash pero nagtitimpi lang siya.

"Mukha kang anime character!Iyan ang isusuot mo araw araw ha?Madami akong ganyan!Buti kasya sayo!" sabi pa nito at mukhang tuwang tuwa. Halos lumuwa naman ang mata niya dahil sa narinig..'Araw araw?!' naisip niya. 'Pervert!Gaganti ako sayo' sabi niya at pinapatay na sa isip si Jash.

Bloody Love [MAJOR EDITING] Where stories live. Discover now