The Mission

43 7 1
                                    

------

Nang dumating sila sa office ng daddy niya ay kinakabahan siya na excited. Alam niyang may ipapagawa nanaman sa kaniya ang daddy niya.

"Excited ka niyan?" tanong ni Ciel.

"Obvious ba?" sabi nito at inirapan lamang  ang binata.

Nagtawanan na lang sila hanggang sa mapunta sa katahimikan nung nasa pinto na sila ng opisina ng kaniyang daddy.

"Wooo!I can do this! I can-" naputol ang sasabihin ng dalaga dahil pumasok na sa loob ang binata na hindi manlang kinakabahan.

"Goodmorning po Mr. Chavron." sabi ng binata sabay yuko bilang tanda ng pag-galang.

"Goodmorning dad." sabi naman ng dalaga at nakipagbeso sa daddy niya.

"Goodmorning sa inyo. Have a seat." Sabi nito at umupo na sila. Pinagpatuloy naman ng lalaki ang pagbabasa ng isang libro.

"Dad. anong kailangan mo?" diretsang tanong ng dalaga.

"Be patient anak. Hintayin lang natin ang mommy at mga kuya mo."

Wala nang nagawa ang dalaga kung hindi bumuntong hininga.

Tumabi na lang siya kay Ciel at nagsisimula na siyang makatulog ng biglang bumukas yung pinto.

Nalaglag tuloy siya sa upuan.

"Aray." daing niya. Tinulungan naman siya ng natatawang si Ciel na umupo uli sa sofa.

"tawa ka pa." sabi niya.

"Goodmorning pips!" sabi ng magaling niyang kuya na si Zaden .

Walang pumansin sa kanya.

Sunod na pumasok is ang mommy niya.

"Goodmorning mom!" sabi niya sabay kiss sa cheeks.

Sunod na dumating ay ang Paborito niyang kuya.

"Goodmorning Kuya Zero!" sabi ng dalaga at yumakao pa sa kuya niya.

"Goodmorning baby girl.." nagpout lang siya pero masaya siya kasi baby pa siya sa kanila.

"Eehh.. Si Kuya wala?" sabi naman ni Zaden.

"Eto na." tapos niyakap niya..

Napangiti na lamang ang mag-asawa.

"Okay. maupo na kayo!" sabi ng kanilang daddy.

Agad naman silang sumunod at hinintay ang sasabihin ng lalaki.

"You two have a new mission.Kayong dalawa,Ciel at Xiel ang napili ko.Pinatawag ko kayong lahat para makatulong din.Ito ay isang mahalagang misyon kaya wag niyong ipagwalang bahala."seryosong saad ng lalaki.Nagseryoso na din ang kaniyang mga kasama sa loob ng silid.Nagkatinginan na lamang si Ciel at Xiel at ngumisi sa isa't isa.

"By level ito.Ang unang gagawin niyo ay magmanman muna.Kung kailangan niyong gumawa ng paraan para mawalan sila ng kasama sa bahay ay gawin niyo."saad ng lalaki na nagpabigla sa dalawa.

"What dad?Sino ba kasi yung mamanmanan namin?"kinakabahang tanong ng dalaga.

"Ito ay ang Poisonous Viper Mafia.Kailangan niyong magma-"hindi natapos ang sasabihin ng kanyang ama dahil sumingit ang kaniyang ina.

"What?let the boys do it.Alam mo naman na delikado ang anak natin doon diba?"nagaalalang tanong nang asawa.Nangunot naman ang noo ng mga bata.

"Bakit delikado dad?Let us do ito na lang."sabi ni Zero dahil nagaalala siya sa kaniyang kapatid na babae.Tumango naman ang iba.

"No.She must come with Ciel.Magsisilbi itong training sa kanya.Magaling na masyado si Xiel para dito." sabi ng lalaki na para bang hindi na mapapalitan ang desisyon niya.Napabuntong hininga na lamang sila.

Samantala,ang dalaga naman ay nagiisip ng iba't ibang katanungan.Katulad na lamang nang bakit siya delikado sa misyon na iyon?Bakit ayaw siyang ipasama ng kaniyang ina?

Wala na rin silang nagawa at umuwi na si Ciel at Xiel sa bahay.Walang ibang tao doon kundi ilang maids na marunong din makipaglaban at kasama sa grupo nila,gwardya at iba pa na kasamahan nila.Sila lang kasama si Ciel at ang dalawa niyang kuya.Nakabukod sila sa kanilang mga magulang.Nagpupunta kasi sa ibang bansa ang mga magulang nila paminsan minsan.

Nagdiretso sila sa kanya kanyang kwarto.Pagdating ni Xiel sa kanyang kwarto,nagayos siya ng sarili niya para sa pagtulog at nahiga na dahil pagod na siya sa pisikal at mental.

Ang dami niyang inisip bago matulog.Inisip niya muna bago sisimulan ang misyon.Una ay magmamanman muna daw sila sa pamamahay ng Poisonous Viper Mafia.Kapag nakita nilang pwede silang mag-apply para makapag manman sa loob,magaapply sila.Kinakabahan ang dalaga dahil ito ang unang pagkakataon na papasok siya sa bahay at magdidisguise bilang katulong.Napakadelikado nito dahil kung hindi siya magiingat sa bawat kilos niya,maaaring sa isang iglap ay atakihin siya ng mga ito at patayin siya.Kailangan lang nilang mangalap ng impormasyon pero napakadelikado ng lugar nila.Sinabi ng kaniyang ama na kailangan nilang malaman kung paano o kung saan makikita ang bala na ginagamit nila.Ito ay may lason na himalang nawawala kapag tumama na sa katawan ng binaril na tao.Kaya kapag sinuri ang bala,aakalaing karaniwan lamang ito.

Naalala niya na si Ciel din ay nasa panganib.Ito lang naman ang papasok bilang driver at malalaman nito kung saan pupunta ang mafia boss.Ang mga kuya naman niya ang monitor nila.

Ito ang kauna-unahang misyon niya na kinabahan siya dahil talaga namang delikado.Nakatulog na siya kakaisip doon.

Habang si Ciel naman ay nagbabasa.Akala mo ang isip niya ay nasa libro ngunit iniisip din niya ang tungkol sa misyon nila ng dalaga.Kinakabahan din siya kahit papano,hindi dahil sa kalagayan niya kundi dahil sa dalaga.Alam niya ang dahilan kung bakit ayaw nila siyang ipasama.

Iniisip na niya ang mga plano para maging maayos ang misyon nila.May parte din na kinakabahan siya dahil maaaring mahuli sila at masira ang misyon.Nakatulog na siya unti unti habang iniisip ang mga maaaring mangyari sa misyon nila.

--

Short Chap.Please bear with me.Nahihirapan ako sa long words eh.Bawi na lang po.Vommentare.Thanks! :)
tsaka wag kayong maglalampas sa pagbabasa.Baka may importante haha!

_FluffkinPANDA_

Bloody Love [MAJOR EDITING] Where stories live. Discover now