CHAPTER 3.
"Omg, ang ganda ganda mo bes" sabi ni Patricia. Sinamaan ko siya ng tingin "Ako o yung gown?"
"Loka! Syempre both" di ko nalang pinansin. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin pero nahagip ng mata ko ang natutulog na Ariane Lopez sa kama ko. Nakamake up na sya't lahat lahat pero nagawa nya pang matulog. Seryoso?
"Pat, please tell me kung anong oras natoh umuwi kagabi" tinuro ko si Ari. Iniscan naman ni Patricia ang phone nya. "Uhm, 3am. I guess?"
"No wonder kun bat ganyan lagay nya ngayon" napailing nalang ako. Araw-araw buhay yang partycells ni Ari. Di na ako magtataka kung bakit single pa rin hanggang ngayon.
Biglang may kumatok sa pinto. Binuksan naman toh ni Patricia at bumungad saken sina Mom at Dad. "Hi pumpkin" dad kissed my cheeks. "Dad, I'm not a baby anymore so stop with the pumpkin thingy" nakapokerface na sabi ko.
"Your still our baby, honey" sabat naman ng ina ko. "Ok, no dramas. Masisira make-up nateng lahat dito" paalala ko sa kanila. Nagkwentuhan kami saglit at agad naman silang lumabas kase malapit na din magstart.
Sa huwes lang kami ikakasal. I think it's a good thing, kase kahit dun man lang. Maramdaman ko na hanggang papel lang talaga lahatt ng toh. Mapalaya ko lang sya, hangggang dun lang.
Ilang saglit pa may kumatok nanaman. Binuksan ulit ni Patricia at agad nyang sinara ito ng malakas dahilan para magising si Ari. "Buksan mo toh. Gusto ko lang sya makausap" narinig ko ang boses ni Paul sa labas.
Tumayo ako agad at bubuksan n asana ang pinto ng pigilan ako ni Patricia. "What are you doing? Bad luck yan, bes" tumango lang ako at pinarating na okay lang toh. Tsss, di na uubra yang pamahiin.
Paglabas ko pa lang agad na tumambad sa aken ang napaka-gwapong si Paul Jordan Delafuerte nan aka-tuxedo. "What now?" di ko pinahalata may epekto sya saken.
"Wala. Gusto ko lang makasiguro na hindi ka tatakas" I frowned. "Listen, I'm not a runaway bride. Now, umalis ka na at antayin nalang ako kase mamaya taling tali na ako sayo" I smirked.
Nag-'Tsk' lang sya at umalis na. Napahinga naman ako ng maluwag at pumasok na din sa kwarto. Sinamaan ako ng tingin ni Patricia. "Pat, ang tanging bad luck na meron saken ngayon ay ikakasal ako sa taong di ako mahal. I'll loose my freedom. And that's my another bad luck"
**
Dahan dahan akong naglakad papunta kay Paul. Kahit naman hindi toh simbahan gusto ko ganun pa rin ang feeling ko. Dumalo ang barkada ni Paul. Syempre yung parents namen ni Paul tsaka yung dalawang bruha na maganda.
Inoffer ni Paul ang kamay niya. Kung wala lang ang mga tao dito kanina ko pa sinigawan toh ng plastik. Marahang inabot ko naman ang kamay ko at inakay nya na ako sa harap. Naging maayos naman ang cerremonyo chu chu ng isang matandang lalake na nasa harap namen. At umabot na sa time na hahalik na saken si Paul.
Lumapit na sya saken at hahalikan na ako. Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang papalapit sa mukha ko pero sa kasamaang palad ..
.
.
.
.
.
Sa pinge ko lang sya humalik. Nangaasar ba sya?
"Awee nabitin si Leila" rinig kong sigaw ni Ari sa tabi. Sinamaan ko lang sya ng tingin. Napatingin ako sa singsing na nasa daliri ko ngayon.
Isang na akong Delafuerte. Simula ngayon, no parties, no wines, no dancefloors, no clubs at higit sa lahat no freedom.
Kase simula ngayon, magiging mabuting asawa na 'kuno' ako kay Paul. Simula ngayon, hindi na ako magpapasaway sa magulang at asawa ko.
At simula ngayon, papalayain ko si Paul.
BINABASA MO ANG
Wedlock
HumorCan I really replace her in his heart? By being bound to him even if it is by force? I can't help but hope. Because in every corner of my heart, it's always him. I'm Leila Therese Ong, and this is my story.