"Bawal sayo lahat noh? Ikaw masyado kang magaling di ka naman presidente ng bansa. Kung maka bawal ka na ano, na bawal mag-salita! Hoy! Para sabihin ko sayo, we are all god's children!" Nagtawanan lahat dahil sa sinabi ni Sky.
"Kayo mga engot talaga kayo! Masyado kayong sumusunod diyan sa April na yan. Di yan diyos para sundin niyo" Pagpapa-tuloy ni Sky. "Wag ka nga maingay diyan Fonteros! Napaka bastos mo talaga" Sigaw sa kanya ng Presidente ng room nila.
"Hoy wala kang karapatan banggitin apelyido ko. Lalo na pag mali pronunciation mo. Fontejo yun! hindi Fonteros, engot ka talaga, manang-mana ka sa kuya mong walang sinabi" Sabi ni Sky dito.
"Ano walang sinabi? Baka ikaw ang walang sinabi. Ang kuya ko naka-graduate na magta-trabaho na nga siya ngayon eh. Eh ikaw? Diba kasabayan mo si kuya? Eh bakit hanggang ngayon 4th year ka pa din? Naabutan pa nga kita. Nakakatawa ka naman!" Tumayo si Sky at nilapitan ito.
"April, alam mo wala kang alam sa pag-ikot ng mundo ko at ng kuya mong tanga. I'm different from him kaya manahimik ka kasi wala ka ngang alam. Wala kang alam. Wag mong piliting malaman kung ano man yun kasi nga diba walang laman yang utak mo? Puro pagpapa-cute lang" Si Sky sabay labas ng room.
"Awwww" Sabay-sabay na sinigaw ng mga classmate nila. "Tumahimik nga kayo! Oy Fonteros bumalik ka dito! Isusumbong kita kay ma'am!" Sigaw ni April dito.
"Fontejo yun engot ka talaga! Uuwi na ako alam ko na ituturo ng teacher niyo! Ikaw ang mag-aral ng mag kalaman yang utak mong maliit"Sigaw ni Sky at patuloy na umalis dala ang kanyang gamit.
"AHHHH! Bwiset talaga" Wala ng nagawa si April kundi ang mapahilamos sa mukha niya.
-----------------------------------------
Uwian na ng mga First year students kaya nag-aabang na si Sky para sumabay palabas sa mga ito. "Aray! Wag niyo ako itulak ano ba yan ha?! Sumusobra na kayo!" Sabi ng First year student na nadapa. Tinitingnan niya lang ito habang nag dadampot ng mga libro at kung ano-ano pang gamit na nag kalat.
"Ay sorry, ang tanga mo naman kasi" Sabi ng isang batang mataba na lalaki. "Aba bully tong taba na to ah first year pa lang" Bulong ni Sky sa sarili niya habang naka-upo. Nilapitan ulit ng matabang lalaki ang babaeng nagpupulot ng gamit at sinipa ang mga gamit nito kaya lalong kumalat. Tiningnan lang sila ng batang babae.
"Bakit aangal ka? Gawin mo to! Pag wala yan bukas humanda ka!" Sabay bato ng notebook sa batang babae. Di nakatiis si Sky kaya lumapit na ito. "Hoy taba! Ano pinapagawa mo?" Sabi ni Sky habang hawak ng isang kamay ang bag. "Hoy maka taba ka ah! Di mo ba alam principal daddy ko sa school na to?" Pag mama-yabang ng batang lalaki kay Sky.
"Ah kaya ka nangbu-bully?" Napahawak si sky sa baba niya.
"Eh kung sipain kita ngayon palabas ng school na to, makakapag sumbong ka pa ba?" Dinampot ni Sky ang bag ng batang babae. "Isusumbong kita!" Sabi ng batang lalaki sabay takbo palayo."Sige magsumbong ka! Duwag hahahahahaha" Sabi ni Sky sabay bato ng Notebook na naiwan ng batang lalaki. "Thank you. Kunin ko na yung bag ko" Hinawi ni Sky ang kamay ng batang babae.
"Wait lang, ako na muna magdala. Sabay tayong lalabas. Ano nga pa lang pangalan mo?"
"Cara" Sabi nito. "Sky pangalan ko"Sabi ni Sky dito. "Alam ko. Kilala kita" Sabi ng batang babae na Cara ang pangalan. "Hahahahaha! Ganon ba? Nga pala sa susunod wag ka papayag na binu-bully-bully lang" Tumango lang si Cara. Hinila na ni Sky ito at nag madaling lumabas pero napansin ito ng guard kaya pinituhan sila.
"Wag ka lilingon" Sabi ni Sky dito.
"Ha bakit?" Tanong niya dito.
"Basta. Sumunod ka na lang." Si Sky.
"Sky! Hindi niyo pa uwian!" Sigaw sa kanya ng guard at patuloy siyang pinipituhan. "Bumalik ka dito!" Nahawakan siya ng guard sa kamay. "Ano na naman ba yun?" Si Sky. "Hindi niyo pa uwian atska hinahanap ka ni Mr. Principal"
"Ayoko kaya bitawan mo ko!" Tinulak ni Sky ang guard.
"Takbo!" Hinawakan ni Sky sa kamay si Cara at hinila patakbo. "Wag mo ko hilain bitawan mo ako! Baka madamay ako sa pinag-gagawa mo!" Sigaw ni Cara dito.
"Mas lagot ka pag iniwan kita! Lagot ka sa Principal! Dito dito! Pasok dalian mo tumakbo!" Sabi ni Sky habang tumatakbo sila.
"Tumigil kayo!" Patuloy silang pinipituhan ng mga guard. Kung saan-saan na lumusot ang dalawa at medyo naka-layo-layo na silang dalawa kaya huminto muna sila.
"Hindi mo na dapat ako sinama sa pag takbo mo. Pano na lang kung madamay ako sa ginawa mo?" Maluha-luhang sabi ni Cara kay Sky. "Oy teka wag ka iiyak, baka sabihin pina-iiyak kita" Binalik na ni Sky ang bag ni Cara.
"Tara umuwi na tayo" Sabi ni Sky. "Mauuna na ako. Baka hinahanap na ako" Sabi niya kay Sky at nauna na maglakad. "Ako din noh uuwi na!" Na pa-sabunot na lang si Sky sa buhok niya.
BINABASA MO ANG
You are mine
RomanceAge doesn't matter when it comes to love. Loving someone don't need any valid reason. Doesn't matter how they look. It doesn't matter the age gap. Doesn't matter what other people say. Doesn't matter the way they move, or speak. What matter is how d...