Chapter Three

44 13 4
                                        


Hinanda na ni Cara ang sarili sa kung ano man ang gagawin sa kanya ng stepfather niya. Isa pa, sanay na din naman siya dito. Mabait lang naman ito kapag may ibang taong kaharap, kapag wala na nagbabalik anyo sa pagiging demonyo

"Kasalanan niya talaga to kapag ako nalagot" Bulong niya sa sarili bago niya binuksan ang gate nila papasok sa kanila. "Oh bat bukas tong gate ano ba yan"Dumiretso si Cara sa kusina at kumuha ng cup noodles. Nag-init na siya ng tubig at pagkakulo tska siya kumain.   

"Do you know what time is it Cara huh?" Tanong nito sa kanya. Tiningnan niya lang ito at nagpatuloy sa pagkain. Hindi na lang niya ito papansin. Isa pa, wala din naman siyang sasabhin dito.

"Busy na nga ako sa kakaasikaso sa mga kasong hawak ko, nakikisabay pa kayong magkapatid! Mga bwiset!" Pagpapatuloy nito. Ano bang ikinagagalit ng stepfather niya at gigil na gigil sa kanya ngayon? Hindi niya alam kaya itutuloy na lang niya ang pagkain.

"Ulitin mo pa talaga umuwi ng late Cara sinasabi ko sayo! Wala ka na ngang pakinabang dito sa bahay anong oras ka pa umuuwi!" Nagulat si Cara ng pumasok ulit ang stepfather niya sa kusina at sinermonan siya ulit. Akala pa naman niya tapos na, hindi pa pala.

"Hindi naman po ako naglakwatsa. Sa school lang po ako galing. Na-assign lang po ako na maglinis sa laboratory kaya ginabi na po ako ng uwi." Pangangatwiran ni Cara dito.

"So doon sa school niyo naglilinis ka? Tapos dito sa bahay hindi ka naglilinis!" Ano bang problema nito sa kanya at pati paglilinis niya sa school ay pinapakielamanan nito.

"Kaya nga andiyan si Manang Linda eh" Bulong niya sa sarili niya.

"Anong sabi mo? May sinasabi ka ba?" Patay. Mukhang narinig pa yata. Umiling na lang siya bilang sagot dito. Lumapit ito sa kanya at pinagduduro siya sa ulo ng paulit-ulit. "Umayos ka ng kilos para hindi ka matamaan sa akin" Babatukan pa sana siya nito ng umuwas na siya.

Niligpit na muna niya ang pinagkainan niya bago siya umakyat sa taas. Papasok na sana siya ng kwarto niya ng maalala niya ang kapatid. Pupuntahan na muna niya ang kapatid tutal hindi pa naman siya inaantok. 

"Manang Linda!" Sigaw ni Cara. 

Dali-dali naman umakyat ang kasambahay nila pagkarinig sa pangalan niya. "Bakit ma'am Cara? May kailangan ba kayo?" Sunod-sunod na tanong nito sa kanya. Ngumiti muna si Cara bago magsalita dito.

"Tulog na po ba si Miggy?" Tanong niya dito. 

"Ay ma'am isinama ata ng mommy niyo ng bumalik siya dito kaninang tanghali." Sagot naman nito sa kanya. Nagpaalam na siya sa matanda at pumasok sa kwarto. 

Bakit naman kaya nagawang isama ng mommy niya ang kapatid na gayong alam nito na busy sa kumpanya nila ngayon. "Si mommy talaga, ayaw ng pinapagod ang asawa niyang magaling nako" Sabi niya sa sarili at sabay dial sa numero ng kanyang ina.

Ilang beses nagring bago ito sinagot ng ina niya. "Yes honey? Busy ako call me later" Sagot ng ina niya sa phone. "Oh? Busy ka pala eh bat sinama mo pa si Miggy diyan sa Office. Edi lalo kang kinulit niyan" Sabi ni cara sa Ina niya. 

"What? Wala si Miggy dito sa Office, at bakit ko naman siya isasama dito?" 

"Are you sure? Eh bat sabi ni manang galing ka dito?" Tanong nito. "Yes, galing ako diyan sa bahay pero hindi ko isinama si Miggy. Tulog siya ng dumating ako" Nagtataka si Cara sa sagot ng ina, kaya dali-dali niyang pinuntahan ang kwarto ng kapatid niya and to her surprise wala doon si Miggy. Hindi na muna siya nagpanic. Tiningnan na muna niya ang iba pang kwarto at hinaluglog ang buong bahay.

"Last na lang to. Baka nasa kawarto lang ni daddy yon naglalaro." Sabi niya iyon sa sarili niya tska pumasok sa kwarto ng Stepfather niya. 

"Miggy? Miggy! Ano ka bang bata ka? Saan ka ba nagsususuot ha!" Maging sa banyo sa kwarto ng Stepfather niya ay hinaluglog niya din na ikinagalit nito.

"What's the matter Cara? Why are you shouting and why are you here inside my room?!" Sigaw nito sa kanya.

"Nawawala si Miggy Daddy Ron! Nasaan ba siya?! Kanina ko pa siya hinahanap pero wala siya dito sa bahay!" Singhal niya sa Stepfather niya.

"Bago ka mag hysterical itanong mo sa Mommy dahil sumunod si Miggy sa kanya pagkabalik ng Mommy mo dito!"

"Wala nga po eh! Tumawag na ako kay Mommy dahil akala ko din na isinama ni Mommy si Miggy" Gumuhit ang pag-aalala sa Mukha ni Cara.

"I don't know! Basta I thought kasama siya ni Mommy mo dahil sumunod siya paglabas ng Mommy mo. At ikaw? Don't you dare shout at me Cara! I'm warning you!" Sigaw ni Ron kay Cara.

"Nakakainis ka! Nakakainis ka talaga! Kapag may nangyaring masama kay Miggy hindi ko alam ang gagawin ko sayo mark my words!" Singhal ni Cara sa stepdad niya. Automatikong dumampi ang palad ni Ron sa Mukha ni Cara.

"Bastos ka!" Sigaw kay Cara nito.

"Pinabayaan mo ang kapatid ko! Porket hindi mo anak ginaganyan mo!"Humahagos ng iyak si Cara ng palabas siya ng bahay nila. Hinabol siya ni Manang Linda.

"Ma'am Cara sasama po ako sa inyo maghanap" Tiningnan ito ni Cara.

"Manang kanina pagpasok ko nakabukas ang gate. Baka kakalabas lang ni Miggy. Hanapin natin si Miggy Manang" Halos hindi na niya masabi ito ng maayos sa kakaiyak kaya niyakap siya ni Manang Linda. 

"Tama na yan Ma'am Cara. Tutulungan kita hanapin ang kaptid mo kaya ayusin mo ang sarili mo at simulan na natin ang paghahanap" Nag-ayos na muna si Cara ng sarili at nagpatuloy na sila sa paghahanap. Naghiwalay sila ni Manang Linda ng paghahanap. Pumunta si Manang Linda sa guard hous at magre-report sa nangyari. Si Cara naman ay agad na dumiretso sa Playground. Umaasa siyang makikita niya ang kapatid niya dito. 

Nang makarating siya dito, inisa-isa niya lahat ng mga palaruan at tiningnan ng mabuti kung andoon ang kapatid. Napasalampak siya ng upo ng wala siyang makitang bakas ng kapatid niya. Umiiyak at wala sa wisyong sinagot niya ang tumatawag, ni hindi na nga niya nakita kung sino ito. 

"Hoy panget! Asan ka?" 

Hindi nabosesan ni Cara ang tumawag kaya patuloy pa din siya sa pag-iyak. Wala siyang naririnig kundi ang iyak niya lang. 

"Hoy bakit ka umiiyak? Hindi pa nga kita inaano eh" Tila nag-aalala ang nasa kabilang linya dahil bigla na lang ito umiyak sa hindi niya malamang dahilan.

"Sino ka ba? Wala akong panahon makipaglokohan sayo ngayon!" Sigaw ni Cara sa telepono at kaagad nito pinatay iyon. Tumayo na siya at saglit na nag-abang ng taxi. Pupuntahan niya ang ina niya. Kailangan ito malaman ng ina niya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You are mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon