Chapter Two

67 17 2
                                        

"Sigurado ka?" Tanong ni Sky. 

"Ha? Ah oo, yun pinagawa sakin eh" Nag patuloy na ulit si Cara sa pag pupunas ng mga salamin. 

"Ah, mas gugustuhin mo pa pala yan? Yang pag lilinis ng salamin dito sa hallway tapos lilinisin mo pa pala yung gym, computer room at laboratory, at meron pa pala! Magpipipe ka pa pala ng mga plastic bottles at doon mo pa siya pipipiin sa rooftop. Kawawang bata" Sabay haplos na parang aso sa ulo ni Cara. 

"Wala naman akong choice" Pinitik ni Sky sa noo si Cara. "Aray ko naman!" Sigaw nito. "May choice ka naman eh, maarte ka lang talaga ala-Aray! Bat ka ba na ninipa?!"

"Ako nag-iinarte? Hindi ako nag-iinarte! Mas maarte ka! Tska kasalanan mo naman kung bakit ako pinag lilinis ah, nakalimutan mo na?" Inirapan siya nito. "Ano bang problema mo? Ang tapang-tapang mo sakin pero di ka makalaban nung binu-bully ka. Dapat nga mag pa salamat ka sakin eh" Patawa-tawang sabi ni Sky.

"Edi thank you. Bwisit ka!" Binato ni Cara sa mukha ni Sky ang hawak niyang basahan. "Hoy! Bastos ka ah! Galit ka na niyan? Pikon ka lang! Pikon! May araw ka din sa akin! Aysh bwisit! Yuck!" Binato niya ka-agad yung basahan. At sa sobrang ka-inisan ay napa-sabunot na lamang siya sa buhok niya.

<<<<<<<<<<>>>>>>>>>>

Mag-a-ala sais na ng matapos ni Cara ang paglilinis sa Laboratory. Pababa na siya ng utusan siya na isabay ang mga basura sa pag tapon niya dito.

"Ah kapagod" Na pabuntong hininga na lang siya dito. 

Malapit na siya sa tapunan ng may pumatid sa kanya at dahilan upang kumalat ang mga basura na dala-dala niya at kasabay noon ang pag ka subsob niya sa sahig. Hinawi niya ang buhok niya at kaagad na tumayo. Tinitigan niya ang pumatid sa kanya at ng makilala niya ay kaagad sinigawan ito. "AH!" Pero hindi na dali sa sigaw niya at na nanatili itong naka-tayo at mamilipit sa kakatawa.

"Patawa-tawa ka pa diyan Sky?! Ang sama ng ugali mo ha!" Walang sinayang na oras si Cara at lahat ng basura na nag-kalat ay ibinato niya dito at ipinasok sa damit ni Sky. Kaagad siyang itinulak ni Sky papa-layo sa kanya. "Yuck! Ano ka ba ha?!" Pero hindi din natinag si Cara sa pag tulak at pag sigaw nito sakanya. Ipinapag-patuloy niya pa din ang pag-bato dito ng basura.

"Walang hiya ka! Dapat lang naman sayo yan oy! Oh ayan pa! Dib-ARAY KO!"

"Pa-salamat ka oy hindi kita kapatid! Nako ka!" Sabay hila sa tenga ni Cara. "Aray ko! Bitawan mo yung tenga ko! Arayyyyy! Ayaw mo bitawan ah!"

"AHHHHHHH!"

Napukaw ang antensiyon ng mga nagme-meeting na magulang at mga teachers sa sigaw na iyon.

"May nag-aaway ata" Sabi ng isang magulang.

"Kanina pa po ang dismissal ng mga students madam" Singit ni Mr. Cullado. "Tara Ms. Amorsolo, masarap manood ng away" Bulong ni Mr. Aderson dito.

"Abnormal ka talaga" sagot nito sa kanya. "Ano ka ba naman ma'am masaya umawat ng away, entertaining hahaha" Bulong sa kanya ng isa pang pasaway na teacher, si Mr. Collado at palihim na nag apir si Mr. Aderson at Mr. Collado sa sobrang katawanan.

"Tumigil kayo diyan. Marinig kayo ng mga magulang at ng principal. Shhh" Pagsu-sungit ni Ms. Amorsolo sa dalawang lalaki.

"Napaka seryoso mo naman. Buti pa kami ni Sir. High five tayo sir" Si Mr. Collado.

You are mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon