-Chapter 1-

50 1 1
                                    

//Someone's pov//

may k-kwento nga pala ako sainyo. k-kwento ko lang ang "Epic Love Story" ng dalawa kong matalik na kaibigan,.. Si Madie at si Miguel. kasi may nagsabi sakin na ako daw ang dahilan kung bakit nagulo at nabulabog ang kanilang buhay. pero nagpapasalamat padin silang dalawa sakin.. malalaman nyo din kung bakit :D

-Tadhana

~~~

Bata nga naman, pa chill chill nalang sa buhay. walang problema. iiyak lang kapag di nakuha o nabili yung gusto nila.. palaging masaya. nasasaktan lang kapag nasusugatan ng pisikal. Minsan maiisip mo nalang na sana bumalik ka sa pagkabata.

katulad ngayon, pinapanood ko si madie at miguel na naglalaro at nagkakatuwaan. oo, magkababata sila. kanina lang umiiyak yang si madie kasi kinukulit ni miguel. pero tignan mo ngayon, tumatawa na ullit sya. bakit? kasi malamang napatawa na ulit ni miguel.

well, sya lang naman nakakapagpa tawa dyan sa batang yan. kasi nakakahawa naman talaga yung kasiyahan netong si miguel. lagi kasing nakatawa tong batang to.

sabay nag pre-school si Madie at Miguel. kaso napilitang magkahiwalay dahil kaylangan lumipat ni Miguel ng eskwelahan pagkatapos nila mag pre-school. Balita ko nangibang bansa na tong si Miguel. kung tatanung ako syempre masakit yun para kay Madie. pero wala eh, bata eh. di pa nila mararamdaman yun dahil di pa sila masyadong nakakapag isip ng maayos. puro kasiyahan pa ang nararanasan o nararamdaman nila.

Isang araw nga bago umalis si Miguel nakita at narinig ko silang nag uusap ni Madie.

"Miguel bibili moko ng barbie dun sa candania ah, tsaka madaming chocolates!" sabi ni Madie

"Madie anokaba! Canada yun! eto naman eh, di ka talaga marunong hahaha oo naman bibili kita ng mga yun! Bff kaya kita!" sabi naman ni Miguel

Diba, kahit alam nilang mag papaalam na ang isa sa kanila, masaya paden sila. sana ganun tayo hanggang ngayon no? yung tipong, kahit alam nating pupunta sa malayong lugar yung taong ngapapasaya saten, at hindi naten alam kung babalik pa ba sya o hindi na, ok lang saten at nakukuha pa nateng tumawa at sumaya..

Kala nyo sa ganto nagtatapos ang kwentong ito? pwes hindi. Syempre may mga mangyayari din kay Madie at Miguel. gusto nyo bang ituloy ko ang kwento ko? sige..

~~~~~~

ODIBA PAK! GANERN! HAHAHAHA ANG PANGET NG CHAPTER 1 ANOBA, PRAMIS AAYOS NA PO SI AUTHOR HAHAHA LABYU GUYS. <3



Tadhana nga ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon