-Chapter 3-

32 2 1
                                    

//Maddie's pov//

"hi maddie!" syet. umm. papansinin ko ba? wag baka sabihin snob ako, uhh.. ano kaya? kunyare di ko sya narinig! ano ba maddie bat di ka nalang mag hello? ayoko nakakabwisit itsura nya eh. pero sige na nga!

"uhh... ha, hello" ngumiti ako and then humarap na ulet sa harap. ang sungit ko ba? kasi naman eh! nabubwisit ako sa mukha nya di ko alam kung bakit huhuhu.

"alam mo parang familiar mukha mo mads" Mads?! did he just called me mads?! familiar daw mukha ko? wow ah. close ba tayo?!

"first of all estevan, don't call me mads, di pa tayo close. and! no, di familiar face ko sayo, ngayon lang tayo nagkita duh" sabi ko sakanya.

"hindi PA..." inemphsize nya yung 'pa'. as if naman na interesado akong makipag kaibigan sakanya noh. no thanks. kontento na po ako sa friends ko.

"whateves" bulong ko sa sarili ko.. baka naman kasi masyado na syang masungitan sakin. mabait naman ako kahit papano. sadyang nakaka asar lang sya na ewan.

nag lecture na yung teacher namin and recess na. naglocker muna kami no Raine and dumiretso sa canteen. kaloka daming tao.

after namin bumili ng food ni raine, umupo kami sa favorite place namin, dun sa tapat ng bintana, kasi dun namin nakikita lahat ng studyanteng masarap laitin at masarap titigan kasi fafa. HAHAHA JOKE.

"so! magkaibigan na ba kayo ni mr. estevan?" tanong sakin ni rain habang kinakain yung turon nya. mga dalawang kagat lang ata nya yung turon eh. favorite nya kasi.

"ha! as if naman noh" sagot ko. biglang sumulpot si maximus sa tabi ko. bestfriend din namin sya kaso ibang section.

"oy! balita ko katabi mo daw yung new student?" bungad nya. anong big deal dun?!

"oo ano naman" sabi ko

"wala lang. raine! libre moko" biglang ganun. wow.

"letche maya ka na. nag uusap ba kayo maddie? friends na ba? ano? matutulungan ba tayo sa math?" sabi naman ni raine

"ayoko syang maging kaibigan ok? nakakaasar sya. nakakabwiset yung tawa nya at mukha nya" kasi bawat maliit na bagay na ginagawa ng mga mokong naming kaklase, tinatawanan ni miguel. napaka babaw ng tawa nya. as in! tapos ang daldal pa nya. grrr!

"hay nako, sa ganyan nag sisimula yan maddie HAHAHA" sabi naman ni chris na bigla bigla ding sumusulpot kung saan. madami kaming mag kakaibigan actually. si max, raine, chris, rayven, and rylee. si rayven babae yun. pang lalake lang yung name nya kasi gusto ng dad nya. astig noh. kapatid nya si rylee. girl din. madalas di sila magkasundo. hahahaha

"oo nga naman. nasan na sila ray and ry?" tanong ni raine kay max

"may meeting. alam mo naman yung dalawang yun, laging busy.." si max yung tinanong pero si chris yung sumagot. pala-answer kasi tong si chris eh.

di namin namalayan yung oras at naabutan na kami ng bell. hala sige! takbo! di na kami nakapag locker ni raine kasi nagmamadali kaming pumasok sa room. buti nalang late din yung teacher.

syempre lecture nanaman. favorite subject ko to kaya gising ako. History kasi. sabi nila bat pa daw kaylangan pag aralan yung mga yun eh matagal na naman daw ang nakalipas. di nila alam na may matututunan sila sa past na yun. hahaha ok hugot.

"pst. mads. pst" nyemas kinukulit nanaman ako ni miguel

"ano ba yun?!" pabulong kong sinabi

"di ko magets yung sinasabi ni mam" sabi nya. ABAY KASALANAN KO BA AT HINDI MO MAGETS ESTEVAN?! gusto ko sana isigaw yun sakanya kaso... mabait nga ako.

"makinig ka kasi nuba" sabi ko

"any problems mr. estevan and ms. raigan?" sabi ni mam. patay.

"umm.. wala po" sagot ko naman. ang daldal talaga netong lalake to nakakairita!

"pst.mads.pst" ayan nanaman sya. ok maddie. wag pansinin.

"sorry na mads"

"oo na wag ka na maingay papalabasin tayo nyan!" bulong kong pasigaw (gets nyo ba xD)

"sorry na galit ka eh"

"hindi anoba"

"sure ka?"

"oo na makinig ka na nga!"

"weh? hahahaha sorry na"

"MR. ESTEVAN AND MS. REIGAN GET OUT OF MY CLASS! NAKAKAISTORBO KAYO!" anak ka ng nanay tatay mo oh! totoo ba to?! first time ko mapapalabas ng dahil sa kadaldalan! omg noooo!

"what?!" sabi ko

"ang daldal nyong dalawa dyan! alam kong new palang yang si estevan pero pwede naman kayong mag usap mamaya after my class diba?! get out" wala na kaming sinabi pa at lumabas nalang ng room. ugh. i really really hate this guy >,<

dumiretso nalang ako sa library and lumayo kay miguel. kaso sya tong lapit ng lapit. grrr.

"mads alam mo parang kilala talaga kita" sabi sakin ni miguel. anoba bat ba mads?!

"hindi.moko.kilala." sabi ko sakanya habang nag babasa at hindi tumitingin sakanya

"AH ALAM KO NA! OO IKAW! MADDIE REIGAN! YUNG CLASSMATE KO DATI!!" sinigaw nya sa library. punyeta napalabas tuloy kami. pero classmate? eh galing canada tong ugok na to eh.

"eh galing kang canada diba? pano mo naman ako naging classmate? duh." sabi ko naman sakanya.

"pre-school! dito ako nag pre-school! anokaba! bff's tayo dati maaads!" hmm.. pre-school? OMG. SYA NGA. SYA YUNG NOGNOG KONG CLASSMATE DATI!

Omg. no way.

~~~~~~

Hahahaha ang cute. choss. eto na update. may naghihintay kasi eh HAHAHA SORRY AH. joke. labyu guys. muah

Tadhana nga ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon