-Chapter 8-

25 0 1
                                    

//Maddie's pov//

sawakas natapos na din ang klase. jusko ikamamatay ko pa tong algebra swear.

naglalakad ako papuntang locker ko. si Raine wala na, hahatid daw sya ni matteo pauwi. hay nako yung babaeng yun talaga. ganun ba talaga lahat pag nagmamahal? nagiging tanga.

yung kahit alam mong masasaktan ka ulet, go paden ng go. yung kahit alam mong pampalipas oras ka lang, yung tipong sweet sya pag bored sya, sige ka lang ng sige. buti pa k--

*blag!*

nak ng tinapa naman dalawang beses na ko nababangga ah! ang sakit sa pwet ah! sino ba kas--oh.

"sorry mads! hahaha dalawang beses na kita nababangga ah." jusko migs. di ka kasi marunong sumalo ng taong nababangga mo at nafafall. choss! tinulunga nya ko tumayo at ngumiti naman ako

"ok lang hahaha tumingin ka kase sa dinadaanan mo loko ka. san ba punta mo?" ok lang banggain moko mg banggain basta saluhin moko pag na fall ako ah T^T

"di ko nga alam eh. iniwan ako ng mga kaibigan ko. bakit ikaw ba? uuwi ka na ba?" kawawa ka naman migs. pati mga kaibigan mo iniiwan ka na. ako di kita iiwan. AY ANO BA MADS HAAHA

"pauwi na, wala kasi si raine eh. umuwi na"

"ah ganun ba. sayang hahatid ko sana sya. tara sabay na tayo umuwi. pareho lang naman tayo ng daan eh" Lord kahit ilang beses mopo ako ipabangga, kung eto naman ang kapalit ok lang!

"ah sige hahaha" alam nyo yung kinikilig? oo ako yun.

----

"ay putcha ang lakas ng ulan!" sabi ni migs, nasa gate kami ng school. malakas nga yung ulan

"sige mauna ka na migs. may payong ka naman eh, maghihintay nalang ako dito tumila yung ulan" langya kasi eh, wala si benson huhuhu masa mall kasama si mommy. driver ko yun eeeehhh T^T

"di kita pwedeng iwan dito. tara magjejeep tayo hahaha kasya tayo dito sa payong" ano daw

binuksan nya yung payong and then hinila nya ko sa tabi nya.

"ok lang yan sanay na ko mabasa ng ulan, ikaw nalang mag payong hahahaha" syempre dapat pabebe wehehehe

"di pwede. halika nga! konsensya ko pag nagkasakit ka" hinila nya ulit ako ang inakbayan. LORD NANANAGINIP BA KO?! kung oo, ayoko na magising. sobrang lapit namin sa isa't isa. sasabog na kooooo >,<

sumakay na kami ng jeep and bumaba sa harap ng subdivision namin. syempre hinatid nya ko sa tapat ng bahay namin, and then nag thank you muna ako bago sya umuwi.

pag pasok ko naman, nandun na si mommy. nagluluto ng dinner. di ko alam kung bakit sya yung nagluluto eh madami naman kaming maid.

"hi babyyy you're here na pala. pano ka nakauwi? lakas ng ulan ah" tanong nya

"hinatid ako ni miguel. nag jeep kami. may payong sya." umupo ako sa stool and kumuha ng apple.

"ay yiiiieeee! nanliligaw ba sayo yun? ikaw ah! di ka na nagk-kwento sakin!" ay jusko my, sana.

"my! hindi ah! friends nga lang kami." sabi ko naman habang kumakain. nagugutom na ko syemay

"sabihin mo sakin pag nanligaw ah! ay oo nga pala. sabi ko dito sya mag dinner ah. text mo nga" seryoso pala si mommy dun

"my wag naaaa! lakas ng ulan oh. diba" baka kung ano pa sabihin neto dun

"oo nga pala. bukas nalang. bat nga pala dito ka umuuwi? hindi sa condo mo? mas malapit yun sa school mo ah? kala ko ba every weekends ka lang dito nak?"

"eh..kasi... boring sa condo ko! oo boring. tsaka namiss ko lang dito. bakit my? ayaw mo ba ko dito?" kasi my nandito si migs kaya dito na ko lagi. hehehe

"ay no baby! syempre gusto kita lagi dito... ayaw lang kita mahirapan. kasi medyo malayo to sa school mo.. pero sige tama yan, para may tao dito, dito ka muna" YES

"bakit my? kelan ka ba babalik ng work?" tanong ko. madalas kasi si daddy lang nag aasikaso ng business namin.

"bukas flight namin papuntang france, gabi, di ko pa pala nasasabi sayo. may aasikasuhin kami ng dad mo dun. yung isang hotel natin na bagong gawa, siguro mga 3 weeks lang naman kami dun. iiwan ko naman sayo si benson. you have your atm naman right?" ANO ANG DAYA BAT AKO IWAN DITOOO HUHUHU GUSTO KO PUMUNTANG FRANCE. pero sige ok lang nandito naman si migs ehehehe

"yes my. pasalubong nalang ehehehe" si daddy halos di ko na nakikita aalis nanaman sya huhuhu pero sige ok lang. para sakin naman tong ginagawa nila eh.

sanay na naman ako maiwan eh.
~~~~
okeeeey hugot haahaha xD sorna. labyu guys xD

Tadhana nga ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon