CHAPTER 1

16 3 0
                                    

Copyright © by PrecillaRomes
All Rights Reserved

Maid for Love

Chapter 1

NAPABALIKWAS ng bangon si Patty nang makarinig ng mga taong nagkakagulo sa labas. Mga nagtatakbuhan.

Kasunod niyon ay pamilyar na busina ng sasakyan.

May nasusunog na raman ba?

Nakaraan kasi muntik ng madamay ang bahay nila. Mula sa nasusunog na bahay nila Aling Mira na ilang distansya lang ang layo sa bahay nila. At ang dahilan, napagkatuwaan ng mga apo nitong magluto-lutuan gamit ang posporo at kandila.

Nang lumaki na ang apoy. Halos himatayin ang matanda nang makitang natutupok na ang bahay na ilan taon din ipinundar ng mga anak nitong nasa abroad. Pero ang mas nakakatawa, mas alalang-alala pa ang matanda sa mansyon nito kaysa sa pasaway na apo.

Mabuti nalang matalino ang mga bagets na apo nito kasi nang lumalaki na ang apoy nagawa pa ng mga itong makalabas. Kaya walang nasaktan sa insidente. To the rescue rin ang mga bumbero, 'yun nga lang hindi na naisalba ang bahay ni Aling Mira.

May pagmamadaling lumabas si Patty mula sa sira-sirang bahay nila na natatabingan lang ng pinagsama-samang lumang plywood at nabubulok na kahoy ang dingding para alamin kung ano ang nangyayari sa labas.

Paglabas niya ng pinto. Muntik na siyang mabuwal ng makita ang kapatid. Sitting pretty while sipping a cup of coffee. Naka-dekwatro pa ang loka-loka habang nakatanaw sa mga nagkakagulong kapit-bahay nila. Parang balewala lang dito ang pagkataranta ng mga kapit-bahay nila. At tahimik na pinapanood lang nito.

"Jelly!" tawag niya dito.

Parang noon lang siya napansin ng kapatid at dahan dahang pumihit paharap sa kanya.

"Ate, Gising ka na pala..."

Nilapitan niya ito at kinutusan. Ito ang gusto niya sa ugali ng kapatid walang reaksyon kapag binabatukan niya. Maliban sa ugali nitong walang pakealam, katulad ngayon.

"Anong meron, Jelly? Bakit nagkakagulo ang mga kapit-bahay? Huwag mong sabihin may nasusunog na raman?" Pinagmasdan niya ang mga kapitbahay. Mukha namang walang nasusunog. Instead na timba at batya na may lamang tubig ang dala-dala ng mga ito. Kanya-kanyang bitbit ng mga gamit at ang iba malaking kahoy at malalaking bato. Palabas ng masikip na iskinita. Parang susugod sa giyera.

"Di ka ba nasabihan ni nanay, Ate? Na ngayon ang demolisyon sa lugar natin?"

"W-what?!"

"Kanina pa nga nandoon si nanay. Kasama ang ilang kapitbahay. Sabi niya, pipigilan daw nila 'yung mga tauhan na pinadala ng may-ari," tuloy-tuloy na sabi ng kapatid habang nakatingin sa kawalan.

Napahawak siya sa noo.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Huh!" Hindi na niya hinintay na sumagot ito at pumasok na siya sa loob ng bahay para magbihis ng maayos na damit. Kinapa niya ang mukha. May laway pa siya at muta. Naghilamos muna siya at nagsepilyo. Bago binalikan ang kapatid sa labas.

"Ikaw! Bakit hindi mo pinigilan si nanay? Saka, bakit nandito ka at wala doon? "

"Sabi ni nanay... Dito lang daw ako. Delikado daw sa labas."

May point nga naman si mudra.

"Sige. Tama, dito ka 'lang. Pupuntahan ko si nanay sa labas."

PAGDATING ni Patty sa dulo ng kalsada. Sa bandang itaas. Napansin niyang nagkakagulo nga ang mga kapitbahay at kabaranggay nila. Kanya-kanyang bitbit ng mga bato at pamalo ang ilan. Marami na 'rin pulis na nakaantabay sa lugar. At ilang truck ng bumbero sa gilid. Muntik na siyang masuka ng makita kung ano ang hawak-hawak ng mga ito. Nakabalot sa supot ng plastick ang—

Maid For Love #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon