CHAPTER 2

21 5 0
                                    

Copyright © by PrecillaRomes
All Rights Reserved

Maid For Love

Chapter 2

NAGISING si Patty ng marinig ang boses ng ina. Sa nanlalabo niyang paningin, unti-unti niyang idinilat ang mata. Tumambad sa kanya ang nakakasilaw na ilaw. Bigla rin sumakit ang ulo niya na parang hinampas ng mabigat na bagay.

Hindi na niya matandaan kung ano ang nangyari sa kanya pagkatapos. Basta ang huling naaalala lang niya. Naiipit siya sa gulo at hinahanap niya ang kanyang ina—

"Nay..." tawag niya dito na nasa gilid niya.

Agad naman lumapit ito sa kanya. Maluha-luha pa nga ito habang mahigpit na pinipisil ang kamay niya.

"Mabuti naman anak gising ka na... Alam mo bang alalang-alala kami ng kapatid mo sa 'yo matapos namin makitang nakahandusay ka sa sahig. Walang malay at duguan. Diyos ko!"

"Sshh... Ayos na po ako." Pagpapakalma niya sa ina.

"Anong ayos ka lang! Diyos ko, muntik ka na ngang tapak-tapakan ng mga nag-aamok natin kasamahan..."

Tumawa lang ng mahina si Patty kahit parang binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Kinapa niya iyon, may bendang nakatapal sa ulo niya.

Aw! Ano ba talagang bagay ang tumama sa kaniya? Bakit ganito kasakit?

Kahit nanakit pa ang bandang sentido. Sinubukan niyang kumilos at sumandal sa higaan. Nakahinga naman siya ng maluwag nang magtagumpay siyang makasandal. 'Yun nga lang konting kilos lang niya, nakakaramdam siya ng kirot.

Hindi na niya kailangang magtanong kung nasaan siya. Dahil malinaw na nasa Ospital siya.

"Kamusta na ang pakiramdam mo anak? May nanakit ba sa 'yo bukod sa ulo mo?"

Iling lang ang sinagot niya sa ina.Mukha naman napanatag ito at naupo na sa tabi niya.

"Nay! A-ano pong nangyari? Bakit nandito ako sa ospital?"

"Pasenya na 'nak! Kung hindi dahil sa 'kin di 'ka sana matatamaan ng lumilipad na bato galing sa mga residente. Nilagay kita sa delikadong sitwasyon. Sana nakinig nalang ako sa'yo," malungkot na sabi nito at pinisil ang kamay niya.

"Ano ka ba, Nay... Wala po sa 'kin 'to. Malayo sa bituka..." aniya na tinawanan ang sarili.

Sinubukan niyang kumilos ulit. Pero napangiwi lang siya.

Inalalayan siya ng ina. "Huwag mo na ngang subukan kumilos, hindi ka pa daw magaling ayon sa doctor na nakausap ko. Kailangan mo pa daw magpahinga" nag-aalalang sermon nito.

"Opo. Pero paano ang bayarin dito, Nay?" Nilibot niya ang tingin sa kabuuan ng kwarto, Malinis at maaliwalas. Saan kumuha ng pambayad ang nanay niya?

"Huwag ka ng mag-alala, ate! Ipanatag mo na 'yang sarili mo. Bayad na ang ospital bill natin dito. Kaya ang gawin mo nalang magpahinga at magpalakas. Para makauwi na tayo. Buong araw ka ng natutulog dito," singit ni Jelly na kanina pa nakikinig sa kanila at hindi lang umiimik.

"Gano'n ba? Pero tama ka, bunso. Pangako paglabas ni ate, sa ospital. Maghahanap ako ng trabaho at agad-agad lilipat na tayo ng tirahan. Para hindi na natin kailangan ipaglaban ang karapatan sa bahay," pabiro ngunit may halong kaseryosohan sabi niya.

"Nga pala, Nay. Saan niyo kinuha ang pambayad ng hospital bill? Huwag niyong sabihin nangutang kayo?"

"Ay, hindi—"

Saktong bumukas ang pinto. Niluwa niyon ang magandang ginang na ngayon lang niya nakita. Hindi pamilyar sa kanya ang mukha nito. Pero halatang mayaman ito base sa pananamit nito.

Maid For Love #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon