Chapter 1- Paano kung?

28 0 0
                                    

Nakikita ko ngayon ang isang projector na nagpoproject ng mga videos sa lugar na hindi ko alam kung saan. Ngunit isa lang ang alam ko...

Madilim dito.

Tanging ang liwanag lamang na ginagawa ng projector ang nagsisilbing kandila sa madilim na mundong kinatatayuan ko. Nabalot ng tuwa ang buong sistema ko ng makita ko ang nanay ko na hawak hawak ako.

Mga ala-ala ng nakaraan. Nakikita ko ngayon na hinahalikan ako sa pisnge ng nanay ko at nang iba pang tao doon. Biglang dumaan ang isang salita sa utak ko.

Picnic.

Makikita mo sa mga tao ang kaligayahan habang kumakain habang tinitingnan ang lawa at iba pang mga magandang tanawin .Ang iba ay nangingisda at ang iba ay nagiihaw habang ang nanay ko , ayon hawak pa rin ako.

Maganda ang sikat ng araw. Ang hindi ko lang malaman ay kung ano ang nagudyok sa nanay ko para tumingin sa taas na parang hindi sumisikat ang araw. Ngayon nakikita ko ang mga tao na parang hindi ko na sila kilala. Nakita kong malaglag ang isang kutsilyo sa hindi kalayuan at naisip na iyon pala ang tiningnan ng nanay ko kanina lang bago sila maghysterical.

Nahagip ng mata ko kung paano nalaglag ang tatay ko sa bangka habang nangingisda. Sumigaw ang nanay ko ng isang nakakabinging sigaw at hindi inaasahan nailaglag niya ako. Nabagok ang ulo ko at nakita kong tumakbo siya papunta sa tatay ko at tumalon sa lawa. Nakita ko kung gaani siya kahingal noong umahon na dala ang tatay. May itak sa kanyang ulo na halos tuluyan hatiin ito sa dalawa. Nakita kong lumapit ang isang babae na naka hospital dress ang lumapit sa kanila. Naka maskara ito na kahugis ng isang bagay na hindi ko na maaninag.

Sinaksak niya ang nanay ko . Nakita ko kung paano sumurumpit ang dugo sa mata niya kung nasaan ang puting kutsilyo. Kinuha niya yung puting yung puting kutsilyo sa mata ng nanay ko ng hindi nagiisip at sinaksak iyon ng paulit ulit sa iba't ibang bahagi ng katawan ng nanay ko.

Matapos siyang masiyahan ay unti unti siyang naglakad papunta sa direksiyon ko. Lumiliit na ang paningin ko. Kasabay ng paghugot niya ng kutsilyo sa di kalayuan ang pagiyak ko. Iyak ng kawalan ng pagasa. Mahina, dahil malapit na akong mawalan ng malay.

Ngunit bago ko mawalan ng malay. Nahagip ng mata ko ang pangalan ko ng nakaukit ng hindi kagandahan sa kutsilyo niya.

Bakit? Bakit nandoon ang pangalan ko?

Bago ko pa man masagot ang lahat ng tanong sa isipan ko, natapos ang video at nagsimula nang maghari ang walang katapusang dilim sa paligid. Nakarinig ako ng kalampag ng paa.

Tumatakbo ako at umaasang huwag madapa. Pakiramdam ko mamamatay  na ko kapag nahabol niya ko.

Pero paano kung mabuti ang intensiyon niya?

Paano kung--

Natigil ako ng mangyari ang kinatatakutan ko.

Nadapa ako.

Papalapit na siya alam ko. Sumigaw ako ng napakalakas.

Dumilat.

Nagbuntong hininga. "Panaginip"

-------------
Please honestly say your opinions and suggestions and if you like it recommend it to your friends and
reamember I am your daydreamer 🙂

She knowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon