Chapter 7

40 2 0
                                    






Chapter 7

SAM's POV

Matapos akong ihatid nung si Doraemon bumait na sakin si Ms. Agtay, yung teacher ko sa Math. Oo, 'MS." lang, wala pa kasi syang asawa eh ang tanda-tanda na. Paano ba 'yan mag kaka asawa eh ubod ng sungit?

Halos kalahating oras din akong nawala sa room kaya hindi na ako maka-relate ng ayos sa topic namin, pati kahit ano namang pakikinig ang gawin ko, wala parin talagang pumapasok sa isip ko. Parang gusto ko nalang umuwi at magpahinga.

*krrrrrriiiiinnngggg*

"Woooooh! Sa wakas! Makakaalis na din!" Sigaw ko pagkarinig ko sa bell, umalis narin si Ms. Agtay. Inayos ko na ang mga gamit ko at palihim na nag-polbo at nagpabango. Palihim, kase.....

"Oy Judith, pengeng polbo! Nakita ko kanina meron ka"

"Pa-spray naman ng pabango bes"

"Hoy nasaan ang suklay ko? Andito lang 'yon ah?

"Pahiram ng salamin Vyane"

"Wala akong salamin"

"Hoy------"

Bla..bla..bla.. Tss. Araw-araw nalang na ganoon ang routine sa classroom namin kapag dismissal ng klase. Kaya kung hindi palihim ang ginawa ko, malamang ubos na agad 'yung bagong bili kong pulbos.

Sina Jen naman inaantay nako sa labas ng classroom.

"Oy mga ugok, tara na!" Yakag ko kina Jherome

"H-ha? Sige tara" Sabi ni Peter na parang balisa. Hindi ko nalang pinansin at naglakad nalang kami papuntang main gate

"Ayos ka lang ba Peter?" tanong ko sa kanya kasi kanina pa sya palinga-linga eh.

"PETTEEEERRRR!" Sigaw 'nung isang babae sa likod namin

"Shit"

"Hoy peter saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya nung huminto kami sa pagtakbo. Hinila nya kasi ako palayo tapos ang bilis bilis pa nyang tumakbo

"Wala na ba sya?" Tanong nya sakin

"Ha? Sinong sya?" ang gulo naman nya eh

"Yung babaeng tumawag sakin kanina"

Tumingin ako sa paligid pero hindi ko na Makita 'yung babaeng tumawag sa kanya.

"Ah, wala na siguro *hingang malalim* hayop ka!" Sabay batok ko sa kanya

"Ouch! What was that for?" sagot niya

"Eh pinagod mo kaya ako! Hindi ako papayag ng walang kapalit 'to ah" sinamaan ko sya ng tingin

"tss. Oo na"

Maglalakad na sana kami pabalik nang biglang sumulpot yung babaeng humahabol sa kanya kanina sa 'di kalayuan.

"Sam bilis! Andyan na sya" sigaw ni Peter sabay hila sa kamay ko

*takbo*

*takbo*

*takbo*

*takbo*

"Aray" Sigaw ko

"Anak ka ng tinapa Sam! bakit ba ang clumsy mo? Bilis na, tayo na" Aray ko naman, kasalanan naman 'yon 'nung lupa kung bakit ako nadapa. Hmp

"Tse! Bakit ba kasi tinatakbuhan mo 'yung babae na 'yon ha?" tanong ko sa kanya

"Wag ngayon Sam baka maabutan nya tayo eh" Is he really that desperate to run away? Bahala nga sya

The Bad Boy's BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon