Fini's PoV
"Infinity!! Aba lintek kang bata ka! Tanghali na pero ikaw nakahilata ka pa dyan at puno ng laway ang bibig! Nakapa damak mong bata ka! Hala sige bumangon ka na dyan at sumabay ka sa pag-pasok ng kuya mo!"
Ang aga aga ayan nanaman ang bibig ng nanay ko. Umaarangkada na naman! Bakit ba ko binayayaan ng ganitong buhay? Bakit ako ganito?
Nognog..
Pandak..
Laki sa hirap..
Pero syempre etchos ko lang yun! Di ko kaano-ano si Binay like duh! Ang cute ko kaya! Kumpara mo sa tambay sa labas? Talampakan ko lang yun hehe. Pero yung laki sa hirap? Oo totoo yun, pinanganak akong nasa ganitong lebel ng buhay. Pero hindi naman kami ganung kahirap kumpara mo sa daga huh! Nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw at nakakapag-aral kami ng maayos sa... saan na nga ba ako papasok ngayon?
"INFINITY PSYCHE!! Ano ba!? Gusto mo bang buhusan kita ng nagyeyelong tubig para lang bumangon ka dyan?! Aba nakakahiya kay sir Miguel! Binigyan ka nya ng full scholarship sa pag-aari nilang paaralan! Kaya ikaw mag-aral ka ng mabuti ngayong taon!! Wag mo kong bigyan ng palakol na grade naku Inifinity ha! Itatakwil talaga kita!! Wala akong anak na---"
"Ma parang awa mo na.. Tama na.. Ang sakit na ng tenga ko.. Ilang beses mo ng sinabi yan sakin? Nakakaluga na!"
"Aba lintek na bata to!! Sumasagot ka na--" Hindi ko na sya pinatapos at patakbo na kong pumasok sa banyo para maligo. At dahil nga nabanggit na ni Mama na papasok ako ngayon sa bago kong school. Ang school na isa sa mga tanyag at kilalang paaralan dito sa bansa. Ang paaralan ng amo ni Mama. School of elites nga daw kuno sabi ng mga chismosa dyan sa labas. Pero wala akong pake dahil nga cute ako.
----
Nasa harap na ko ng school, hindi na ko naka sabay kay Kuya kasi iniwan na ko. Okay lang sa panahon naman ngayon uso iniiwan.. So ayun nga, andito pa din ako sa labas, tinititigan yung gate. Bakit ang tagal matunaw? De jk. Kinakabahan ako woooo!
TAKOYASHI UNIVERSITY
Sabi ni Mother Earth karamihan daw na estudyante dito ay Japanese. At may Japanese class pa, aaralin mo ang salitang nihonggo. Amfufu naman! Baluktot pa naman dila ko, aish! Bahala na.
"TAKOYASHI UNIVERSITY!!!! HERE I COM--- AY PUK--MMM!"
"Ay sorry hehe, sinasadya." Nilingon ko kung sino yung kupal na bumangga at umepal sa pag welcome ko sa sarili ko. At kung minamalas ka nga naman oh! Anak ng pitong put pitong puting put-- tupa naman!
"Hayop ka talaga!" Pinagsasabunutan ko sya.
"A-aray! F-fini ah!!! T-tama na! Aray koo!!" Bwisit na lalaki 'to!
"ALAM MO BANG MUNTIK NG SUMUBSOB NGUSO KO SA SAHIG HA!? SINISIRA MO ARAW KO CARLITO!"
"Aray! Tama na kasi! Suko na ko!" Sabay taas ng dalawa nyang kamay. At dahil cute ako, binitawan ko na ang buhok nya. Inayos nya na ang buhok nya at damit nya. Pft nakasimangot.\
"And will you please stop calling me Carlito? (Mahinang bigkas ng Carlito) It's irritating! No one is suppose to know my name! Geez! Do you want me to shout out your name INFINITY PSYCHE?----Ouch!! Stop hurting me!" Sabay himas nya ng pisngi nyang sinampal ko.
"English ka pa dyan ha? Alam mo bang uso nosebleed sa pinas?!"
"Bakit ba ang sungit mo? Meron ka no? Hehe.--Ooops akala mo ah!" Hahampasin ko sana ulit sya ng bigla syang umiwas.
"Ipahid ko kaya sa mukha mo yung dugo ha?!"
"Sorry na kasi..." Di ko na sya pinansin. Naglakad na ko papasok sa loob ng campus. Syet na malagkit! Ang daming hayop! Bakit ganito? Mukhang mga RK samantalang ako mukhang..... cute.
Anong akala nyo? Poor kid? No way high way! *hair flips* Pagpasok na pagpasok ko pa lang, pinagtitinginan agad ako. Ganun ba talaga pag cute? Pinagtitinginan? Haish! Di ko na lang pinansin, sanay naman akong pinagtitinginan. Ang cute ko kaya.
"Who's that girl? Sino sya para batuk-batukan, sampalin at hampas-hampasin si fafa DC? Kafal naman that gal."
"Yeah right!" Ako ba pinag-uusapan nila? (Malamang Fini baka sa'yo naka tingin diba? Boba!) Fafa DC? Eew. At dahil cute nga ako, wapakels. Nilabas ko na lang ang sched ko at tinignan 'yun. Hmm so ang first class ko ay mag sta-start ng 10 am. Arasso!
"Same class pala tayo eh, maliban lang sa dalawang subject." Sabay akbay sa akin.
"Yung totoo? Kabute ka ba?" Naawa ako sa taong 'to, wala ng lunas ang sakit sa utak.
"Bogs, alam ko namang cute ka. Kaya nga miss na miss kita e! Bakit nga pala nag transfer ka dito? Nuxx, umuunlad na tayo fre." Tinanggal ko yung braso nyang naka akbay sa akin.
"Pwes ako, hindi kita miss at wala kang pake. Lumayo ka nga sa akin!!" Sabay tulak ko sa kanya. I heard some people gasps. But I don't hella care. *hair flips*
"Pagkatapos mo kong asarin kanina ha?!" Dugtong ko pa.
"Sayang naman, ililibre pa naman sana kita ng kettle corn, french fries, yum burger at spaggetti mamayang break, kaso----"
"Alam mo namang mahal na mahal kita best friend!" Sabay hila ko sa kanya at angklas sa braso nya.
"Miss din kita! Hehe, foods ko mamaya ha?" Sya naman tawa ng tawa. Hayuff! Alam na alam ang mga bagay na di ko kayang tanggihan. Aba grasya 'yun! Bente lang kaya baon ko ngayon, poor kid lang kasi ako. Ayokong nag gagasta ng pera si Mother Earth at Father Earth para sa akin kung kaya ko namang mabuhay sa pang buburaot.
Curious ba kayo kung sino si Carlito sa buhay ko? Sya si Carlito James Dela Cruz a.k.a Carl kuno ko. Pinaganda pa. He's my Best friend since our childhood. Oha Oha! English ehmeged! I'm so proud of myself. Pero ako kasi sa public lang, sya sa private school. RK kasi tong panget na to. Ngayon lang kami nagkasama sa isang school dahil nga binigyan ako ng Full scholarship ng may-ari ng school na to kung saan nag tatrabaho ang magulang ko.
Kung inaakala nyong matalino ako dahil may scholarship ako, akala niyo lang yon. Hindi ako nag-mana sa katalinuhan ng parents ko at kapatid ko. Ewan ko ba, Kahit anong intindi ko sa lessons hindi ko maintindihan. Ang pinagtataka ko lang, simula high school ako, Ang tataas ng grades ko. Kahit lagi akonng tulog sa klase dahil sa lulluby na boses ng mga teachers. Lagi akong walang projects,bagsak ako sa mga quizes at exams. Hayyy Nadala siguro mga teachers ko sa Minato High school sa ka "Cutan" ko >3< .So love them kasi pinasa nila ako kahit ganyan lang ginawa ko.
"Anong oras na?" Pasimpleng sabii niya sabay kuha sa kamay ko at interwine nya sa mga daliri namin. In short HOLDING HANDS KAMI! KING AMA!! Kinagat ko yung kamay niya kaya napabitaw siya sa kamay ko. Akala mo ha!
"Ano ba Fini!! Kailan ka pa naging daga ha!? Tss.." Uy! Mukhang bad trip si Koya mo HAHAHA!
"Ewan ko sayo!!" Iniwan ko na siya sa kinatatayuan nya at patakbo ng umalis.
BINABASA MO ANG
The Punch Of Love
Novela JuvenilForgiving someone is easy, but being able to trust them again is a totally different story.