Chapter 1

4 1 0
                                    

"bhaby ko ?" malambing na tinig ng isang gwapo, mabait, palakaibigan at sweet na lalaki.

"hmmm?" tugon ko naman

"may gusto lang sana akong itanong eh, kaso wag na pala, kakahiya" bawi niya

"bhaby naman. sabihin mo na, ok lang kahit corny" i insisted. kaya umayos siya ng pagkakaupo para magkatapat ang aming mukha. he looked at me seriously in the eye. a serious Look full of love.

"bhaby kasi ano, uh ehem ! bhaby ko, will you be mine forever?" 

------------------*********-------------------------

"BREAKING NEWS: ANG PAG IILUSYON PO NI KATE JULIANNE RAMIREZ AY KASALUKUYANG NANGYAYARE SA LOOB NG JEEP. ITO PO SI JUDY LYKA VENTURA, NAGBABALITA. BALIK SAYO LYANNE." malakas na sigaw ni Judy sa loob ng jeep. FYI, rinig na rinig ko kaso kunware hindi. pwe, istorbo ka eh !

"UTANG NA LOOB NAMAN KATE! GISING NA!WALA KA NANG GINAWA KUNDI MAGIMAGINE SA TUWING SUMASAKAY TAO SA LOOB NG JEEP OH!PAGKASAKAY NA PAGKASAKAY HANGGANG SA BAGO BABABA EH YANG PAGIILUSYON MO ANG INAATUPAG MO!" bulyaw sakin ni Lyanne.

"ano ba naman kasi, pagbigyan niyo na ako, ngayon lang to oh" sagot ko sa dalawa

"HOY! MAGTIGIL KA. ANONG NGAYON LANG?? KASASABI KO LANG KANINA. SA TUWING SASAKAY NG JEEP EH YANG IMAGINATION MO YANG PINAPAGANA MO.NAMAN EH," sigaw ulit ni Judy. 

"hoy pwede pakihinaan yang mga boses niyo. kanina pa kayo nakakahiya oh." pagremind ko sa kanila na asa jeep pa po kami at kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao.

"NAKAKAHIYA MUKHA MO! KANINA PA TAYO NAKAKAHIYA! KANINA PA SILA NAG AABOT SAYO NG PAMASAHE AT AYAN KANG NAKATULALA NA PARANG ASONG ANG LAWAK NG NGITI !" SIGAW SAKIN NI LYANNE.

HUHUHU. pinagkakaisahan nila ako.

"pwe ! pagbigyan nga sabi eh, kasi naman hanggang sa illusyon nalang ako. hanggang sa illusyon lang dito sa loob ng jeep . sa jeep na kung saan ako nagaantay ng aking one and only, sa jeep kung san magsisimula ang aming forever.. hayyysss ! kahit illusyon lang masaya na ko. eh sa sino ba naman kasing magmamahal sa katulad ko," sabi ko sabay pout.

"ang emo mo teh! porke NBSB, No Boyfriend Since Breakup." sabat ni Judy sabay sapok sa ulo ko..

"aray naman!" pagprotesta ko.

"porke broken hearted parin ako ginaganyan ganyan niyo ako ha?" dagdag ko pa.

"alam mo kasi. di ka dapat mag emo eh. kasi marami dyan ang nagkakagusto sayo. marami jan yung nagmamahal sayo. kailangan mo lang buksan yung mata mo. " dahan dahang sabi ni Lyanne sabay akbay sakin. 

haay, sweet siya sakin, para ko na kasing ate.. pero kahit sweet, strict parin , hihi

"at syempre pati puso mo." dagdag ni Judy.

"hooo! magtigil nga kayo. wala, walang magmamahal sakin oh. tignan niyo naman ako," sinabi ko para ilift up yung atmosphere. eh kasi naman nagiging masyadong dramatic na eh baka maglululuha ako jan mamaya. eh sa iyakin pa man din ako.

"maganda ka Kate, matalino, talented. sino namang hindi magkakagusto sayo?" sabi ni Judy

"maganda, matalino, talented, at higit sa lahat, totoo sa sarili niya. ngunit mabait ka kasi eh, masyado kang mabait kaya ka nila sinasaktan. minsan naman kasi Kate, matuto kang lumaban. hindi yung lagi ka nalang nagpapaapi." si Lyanne yan. Oh see? Ate talaga eh noh?

"PARAAAAAA!" napasigaw ako bigla dahil ilang kanto na pala lagpas sa aming bahay. 

haay buhay ! malayo layong lakaran to oh, huhuhu.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jeepney Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon